"Punyeta hinayupak!"
Halos lumabas lahat ng ugat niya sa sobrang galit sa akin.HAHA ang ganda pa rin."Wag ka na magalit! Lalo kang magiging ulikba!"
"Excuse me! Hindi ako ulikba!"Asar pa rin nga sabi.
"Oo nga ano? Di ka nga ulikba." Hinimas ko pa ang baba ko habang tumatango." Kase isa kang panget na ulikba! HAHAHAHAHA"
Mangiyak ngiyak na sya habang nakatayo.Tama na to.
Tumalikod na ako sa pag aakalang susuko na sya,pero mali.PAK! Isang malakas sampal sa batok ang natamo ko.
"Isusumbong kita kay mami ko!" Para akong bata.
"Wala akong pake gusto mo ako pa mag sabi eh!"
"O de tara na!" Sarkastiko kong sambit. Nag lakad na ako pauwi sa bahay.
Daig pa nya gangster sa kanto. Napabuntong hininga nalang ako.
"Nandito na ako!"
"Hoy ikaw bata ka! San ka nanaman galin?" Bungad ng lola ko sakin pag pasok ko.
"Dun lang po. May kinausap lang." Nag mano ako sa kanya. "Sila mami nga po pala?"
"Bumili lang ng lulutuin sa palengke. Magbihis ka na." Utos ni lola.
"Opo. Paki tawag nalang po ako pag dumating na sila."
"O sige."
Lumundag agad ako sa kama pag pasok ko sa kwarto. "Napasakit naman ng batok ko." Hinimas himas ko ito,para akong nalapnos. Tumunog cellphone ko, kinuha ko ito. Parang tumigil ng bahagya oras nang tignan ko kung sino yon.
Athena:
"Hoy! Sorry sa sampal! Ikaw kasi inasar mo ako eh."
"Di kita bati."
Athena:
"Edi wag! Ako na nga tong nagsorry eh! Tse!"
Di na ako nag reply.
It's been 10 years simula noong maging mag kaibigan kami. Halos araw-araw mag kasama kami ni Athena. Di ko na nga namalayan na nag mamature na kami. Dati rati,tumatakbo lang kami sa ulan,nantitrip ng kapitbay. Ngayon? Gadgets,computer games na ang nilalaro namin kaya pag nag kikita kami sinusulit ko na. Inaasar ko siya,basta,pinagtitripan.
Napaka sarap lang balikan ng nakaraan. Di man ito kayang ulitin,kaya naman itong alalahanin ng paulit ulit.
"Justine! Kakain na!"
Kinusot ko ang mata ko at tumingi sa orasan. 7:45 pm.
"Opo palabas na!"
Isang napakabangong amoy ang bumungad pag labas ko sa kwarto. Hmm, adobo!
"Ang sarap naman ng niluto ni mader dir!" Medyo puno pa ang bibig ko.
"Hinay hinay!"
"Sorry po."
Natulog na ako pag katapos maligo. Oo naligo ako.
"Goodmoring gwapo!"
Yan agad bumugad sakin pag ka sagot ko ng phone ko kinabukasan.
"Ano nanaman kailangan mo?"
"Tara library mamaya! May papakita ko sayo."
"Hu!de ikaw! May rereviewhin pa ako."
"San naman?"
"History."
"May libro ka?"
