"Bad mood?" tanong ni LWB pagkarating namin sa table kung nasan si Yanna.

Hindi ko siya pinansin. Labo din kadalasan ng tao, e. Nakikita na nga na bad mood, itatanong pa kaya minsan nasasapak tapos magtatanong na naman kung bakit sinapak. May mga tao talagang hindi biniyayaan ng common sense.

Napailing ako at nagsimula ng kumain ng tahimik.

"Finally! Here's my OTP!" Yanna exclaimed.

I frowned as I looked at Yanna. "Anong OTP pinagsasabi mo?" tanong ko.

Malay ko ba sa mga terms na yun?

She rolled her eyes tapos ngumiti nung biglang sumulpot si Raven. "Hi, babes! Hi Pam? Hi Ian!" energetic na bati nito habang sobrang laki ng ngiti na akala mo nanalo sa lotto ng seven hundred million.

"Ang saya mo," hindi ko napigilang punahin.

He chuckled. "Im just happy for Trystan," sagot nito.

"Bakit? Anong meron?" nagtatakamg tanong ko.

Lumingon siya bigla sa counter kaya napasunod ako ng tingin. Mas lalong kumunot yung noo ko nung makita ko si Cone at Ashley na masayang nag-uusap habang nakapila sa may counter. Parang may kung anong pumisil sa puso ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin at nagkunwaring walang pakielam na kumain.

"He finally man up and followed the desire of his heart! Damn. Feeling ko, ako si Tita Honey sa sobrang proud!" dagdag ni Raven habang tumatawa.

Nagpaalam siyang oorder ng pagkain. Hindi na ulit ako nag-angat ng tingin kahit na walang ibang bukambibig si Yanna kundi yung OTP niya na hindi naman niya sinagot kung anong ibig sabihin.

"Tahimik mo," bulong ni LWB na may halo pang pagsiko sa tagiliran ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at ginantihan din ng pagsiko, yung mas malakas kaya nabitawan niya yung hawak niyang kutsara. Sayang, hindi pa yung baso para nabasa siya.

"Ouch! Baby, ang sakit mo talagang magmahal" sabi nito nang malakas kaya napatingin samin sila Yanna na busy magkwentuhan.

"What the fvck are you saying? Mahal mo mukha mo!" naiiritang sabi ko saka tumayo at nagwalk out.

Hindi ko alam kung bakit ako nagwalk out. Kingina. Simula nang marealize ko na may gusto ako sa hampaslupang apang yun, nawawala na yung logic ko. Hindi pwede to kaya dapat sa lalong madaling panahon, mawala na to!

"Kikay!"

Napamura ako at mas binilisan ko pa yung lakad ng marinig ko yung boses ng apa na yun. Bakit niya ko sinundan?! Dapat doon lang at sa tabi ni Ashley! Bwisit!

"Pam, wait!" sigaw pa nito bago ko naramdamang may humawak sa braso ko kaya automatic na napahinto ako sa paghakbang. "Hindi ka pa tapos kumain, bakit ka umalis?" tanong nito.

Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kamay niyang nakakapit ng mahigpit sa braso ko. Langya, eto na naman yung mabilis na heartbeat!

Huminga ako ng malalim saka ko inalis yung kapit niya sakin at tumakbo na papunta sa parking lot at nagmadaling sumakay ng kotse ko. Mabilis akong nagdrive pauwi sa bahay. Hindi pa man ako nakakatuntong sa loob ng bahay, narinig ko na agad yung boses ni Cone. Shit! Ang bilis naman niya?!

"Pamela! What's your problem?" tanong nito.

"Wala" sagot ko saka pumunta sa kusina para uminom.

Feeling ko sasabog ako. Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Nakakatakot.

"Why did you runaway from me?"

Hindi ko siya tiningnan habang kunwaring kalmado na kumukuha ako ng slice ng cheesecake sa ref. "Wala ako sa mood makipaglokohan sayo" sagot ko saka nagpunta sa sala at binuksan yung TV.

Sinamaan ko siya ng tingin ng tumabi siya sakin.

"Wag ka ngang tumabi sakin!" naiinis na sabi ko saka mahina siyang tinulak. "Ang laki laki ng sofa, kung makadikit ka kala mong wala ng space!"

"I won't move until you tell me your problem" he insisted.

Ikaw ang problema ko! Tsk. Sarap lang isigaw kaso, hindo ako ganun.

"Sinong nagsabi sayo na may problema ako?"

"I know you Kikay, stop denying"

Sinamaan ko siya ng tingin saka walang sabing tumayo at tumakbo sa kwarto ko at nagkulong. Nagdive ako sa kama ko at sumubsob sa unan. I groaned in frustration. Gusto kong sapakin si Ian dahil sa sinabi niya kanina na nagpalinaw sa feelings ko. Mas lalong gusto kong sapakin yung hampaslupang apa na yun dahil sa mga pinaggagawa niya! Kingina niya. Kung Ashley ang gusto niya, dapat hindi na siya lumalapit sakin! Lalo na at ganitong aware na ko, na gusto ko siya. Baka umasa ako tapos bumalik na naman yung tendency na maghabol ako! No way! Pipigilan ko to. Kahit anong mangyari, kahit sa tingin ko, huli na ang lahat. Tanginang buhay nga naman!

Fvck you, life.

Good To YouWhere stories live. Discover now