~~~※~~~
Elle's POV
Angel sige na turuan mo pa akong mag korean! Pleaseeeee..
Andito kami ngayon ng kaibigan ko na si Angel sa classroom at kinukulit ko siyang turuan ako magsalita ng korean..
Hayy ang kulit! Sige na sige na...
Ano bang gusto mong malaman?
Ano ang korean ng I miss you?
Bogoshipo...
Eh yung Ate?
Kung babae ka dapat Unnie pero kung lalake ka naman Noona. Paliwanag niya.
Eh pano naman pag Kuya?
Sa babae Oppa sa lalake Hyung.
Ahh ganun pala yun.kommento ko kaya napa tango nalang siya sa akin.
Eh ng---
Angel tawag ka ni Maam! Sigaw ni Mary na nasa labas ng room namin. Kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Ha?bakit daw? Tanong naman ni Angel.
Hindi ko rin alam basta punta ka nalang dun ha. Sagot naman ni Mary at saka umalis na din.
Oh alis muna ako ha! balik din ako! Paalam naman ni Angel sa akin
Oh sige hintayin nalang kita dito ha. Sabi ko naman at na patango nalang siya.
Habang hinihintay ko si Angel ay may naalala ako bigla...
Whaaaa bakit ba sa dinami-dami namakakalimutan ko yun pa! Ano nga yung korean ng I Love You?
Sarangae? Sarangyu? Sarangmi?
Joahae!!!
Nagulat lang ako ng biglang may nagsalita. Si Clied na kanina ay tulog. Kakagising niya lang siguro kaya ang gulo pa ng buhok niya..Hindi ko alam pero baka may tinatagong galit to sa akin. Naaalala ko pa noong isang araw napadaan siya sa desk ko tapos sabi nila sa akin Jigesterdid hindi ko alam ang meaning ng sinabi niya sa tingin ko nga baka Gay Language yun eh. Sayang ang gwapo panaman niya.
Madami pa siyang sinasabi sa akin. Mga words na hindi ko naiintindihan kagaya nang Jeh teh ami,It labe Si, Waay ni, Ay shit teru...
Naku baka bakla nga to. Pero bakit niya ako inaaway? Ahmmm baka na iinsecure sa beauty ko.Nako sayang naman mga semilya niya ang gwapo panaman sana niya ang tangus-tangus pa ng ilong tapos yung balat niya sobrang puti mas maputi pa sa akin at isama mo pa yung mga lips niyang sobrang pula. Pero sa halos walong taon nakaming mag kaklase ni minsan hindi ko pa nakitang ngumiti ang lalaking to.
(Flasback)
Naaalala ko pa noong grade 4 kami at nagpunta kami sa ocean park. habang enjoy na enjoy kami siya naman umupo lang sa tabi kaya nilapitan ko siya kinulit ko siya na sumama sa amin pero ayaw niya talaga kaya umupo na rin ako sa tabi niya at nagpaiwan lang rin sa mga kaklase namin.
Buong araw nakaupo lang kami dun ni hindi nga niya ako kinausap. Pero ewan ko ba ayaw ko parin siyang iwan dun. Tahimik lang kami pero nung di na ako nakatiis kinausap ko na rin siya.
Uyy bakit ba hindi ka madalas magsalit?
Bakit hindi ka ngumingiti?
Tanong ko sa kanya. Pero hindi parin niya ako pinansin.
Ayaw mo akong pansinin ha! Eto nalang ang unang babae na makakapangiti sayo siya yun magiging destiny mo!sabi ko at napangiti ng malapad.
Naniniwala kasi ako na dapat yung magiging destiny mo dapat siya rin yung taong makakapasaya sayo. Dagdag ko pa.
Oh ano game? Tanong ko pero imbis na magsalita ay tinignan niya lang ako at umalis papuntang school bus di ko namalayang naka balik na pala sina maam.
