"Attract? o Love at First Sight?"

0 0 0
                                    

Chapter 3:

Gio's Pov:
Andito ako ngayon sa labas ng bahay nila Tristan,hinihintay ko siya para sabay na kami sa pagpasok. Pero ang tagal niya. Habang hinihintay ko siya ipinikit ko nalang muna ang mga magaganda kong mga mata. May narinig nalang akong kumakatok sa pinto ng kotse ko kaya naman diko na tinuloy na matulog pinagbuksan ko siya. "Umaga palang dude,natutulog ka na naman?" Sabi nito habang inaayos ang isang earring niya sa kanan ng tenga niya. "Wala kana dun" sabi ko at ipinaandar ko na ang kotse ko. Habang nagbyabyahe kami may nabanggit naman si Tristan. " Makikita ko yung crush kong model sa school na papasukan natin." Sabi nito habang nag-iimagine na nakatingin sa labas ng bintana. Nag-mumukha siyang bakla.
"Siguraduhin mong maganda yan." Sabi ko habang nakangisi. Lumipat kaming lima sa ibang school dahil wala trip lang namin.HAHA!  Andito na kami sa University at nagpark ako sa gilid maganda tong spot na to ah. Bumaba na kami at nakita namin ang tatlo na nag-aantay. "Oh mga dude,gwapo natin ah" sabi ni Lee sabay akbay saming dalawa. " Bakla ka ba? " sabi naman ni Daryll kaya naman bumitaw si Lee saamin. "Gago! Hindi ah!" Sabi nito sabay batok kay Daryll.
Naglalakad naman na kaming lima at ako ang nangunguna,wala silang magagawa Mas gwapo ako.
Habang naglalakad naman kami may narinig ako na bulong ng isang babae. "Diba sila yung mga sikat sa University of Sata Perter? Ang gwagwapo talaga nila" sabi nito. At nakarinig kami ng mga tilian. Pati pala dito kilala kami HAHA! ayos. At dahil malakas ang pandinig ko may narinig na naman ako. "Ang Dyosa talaga ni Elisha,sobrang sexy at sobrang ganda."sabi nung lalake na mukhang manyak. Pero Familiar ang babaeng kanyang nabanggit,parang narinig ko na ang pangalan niya.
Tuloy lang kami sa paglalakad. Nang may nakita kaming nag-iisang babae na naglalakad sa hallway lahat sakaniya ay napapasulyap kahit nakatalikod ito at medyo malayo makikita ko ang kurba ng katawan niya at sinag ng puti niya at itim na itim na straight na buhok. "Yung Crush ko!" Sabi naman ni Tristan at mas binilisan pa ito ng lakad. Dahil curious ako binilisan ko naman ang lakad ko.
"Siguraduhin mong maganda yan Tan-Tan" sabi naman ni Kim.
"Pustahan pa tayo ah. Kapag nakita niyo siya,walang aagaw" sabi nito.

Ng makalapit na kami sakaniya napansin niya sigurong hindi na siya tinitingnan ng mga tao kundi kami na ang tinitingnan nila. Huminto naman kami sa likod niya.
Medyo nagslow motion ang mundo ng humarap siya,tinitigan naman niya ako. Ang Ganda niya Sobra! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Perfect shape of her lips na maaattract kang halikan siya,mahabang eye lashes. Diko alam kung gaano ko siya tinitigan, ng biglang nag-salita si Tristan. "Ehem! Ms. Dyosa?" Tumingin naman,ang babae at tinaas ang kilay. Nagcross arms at umirap. Aba't hindi ba siya nasisilaw sa kagwapuhan namin? NakakaT.O lang naman. Ang ganda pa naman niya,naappreciate namin ang ganda niya pero kami? Deadma lang? Katarungan.
Tumalikod na siya at tuloy lang ang paglalakad.
"Ouch! Yung puso ko! Sinaktan niya" sabi ni tristan na hawak ang kunwaring masakit na dibdib.
"HAHAHA! hindi siya nagwagwapuhan sayo" sabi ni Lee. "Sayang,siya pa naman ang Crush ko" sabi ni Tristan at nakacross arms na umalis at nilampasan kame.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Yun yung type niya?
"Ang ganda niya! Wala akong masabi kanina nakatitig lang ako sakniya hindi nakakasawa ang ganda niya" sabi ni Daryll na umalis na rin habang nakapamulsa.
"Wala rin akong masabi,talagang maganda ang taste ni Tristan." Sabi naman ni Lee na nag-iisip.
"Ibang klase" si kim naman ang umalis. Ako naman nakayuko lang na nag-iisip. Nilagay ko naman ang kamay ko sa pocket ko at tumingala. Ang ganda niya. Bahala na!.

"Is Mr. Stick To One Does Exist?"Where stories live. Discover now