The Intramurals

21 1 1
                                    

Isang umaga sa class room ng aming adviser ay kasama ko ang aking barkada at kami ay pinagbantay doon sapagkat dun kumukuha nang tubig at miryenda ang mga players namin.

Ngunit may isang babae na pumasok at tila may hinahanap dahil pumunta pa siya sa may table ni ma'am. Feeling ko ako lang ang nakapansin sa kanya at nangi-babaw ang kanyang kagandahan ngunit binalewala ko lang ito.

Kinabukasan ay malapit na ang Pageant nang Mr. And Ms. Intrams namin.

Magkasabay kaming pumasok nang Bestfriend kong si Jv upang manuod nang pageant at pagkarating namin sa school ay dumiretso na agad kami sa Gym at kami'y nabigla sapagkat crowded na ang gym kaya't nagmadali kaming humanap nang upuan kasama ang iba pa naming barkada na manunuod nang pageant .

At nang mag simula na ang opening number o production number nang mga contestant ay nagulat kaming lahat sa representative nang grade eleven. Sa sobrang ganda nito at tila mala anghel nitong mukha.

At dahil sa pagka-mangha ko sa kanya ay nais ko siyang picturan , tamang-tama at gusto rin nang mga kaibigan ko na kunan ko nang litrato ang barkada namin na kasali sa pageant kaya't naka pwesto nako sa unahan.

At nang lumabas na ang maganda at mala anghel na babae ay kinunan ko rin siya nang litrato at nang magpakilala siya ay agad narin siyang lumabas kasama ang kanyang partner .
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko naintindihan kung ano ang kanyang pangalan sa sobrang dami nang taong nag che-cheer sa kanya .

Pagbalik ko sa upuan ay tinanong ko agad si jv kung ano ang panglan at ang sabi niya ay "Jazmine ata , ewan ba!"
Hindi parin ako nakakasiguro kaya't "Ateng" nalang ang tinawag ko sa kanya. (Pang bakla lang ano?😜) Nang lumaon ay naging "Ateng Maganda" to "Ateng Gorgeous" hanggang sa tuluyan nang maging "Miss Gorgeous". ( hindi ko alam kong bat ko yun na isip. Parang sa bakla lang eh!😂)

At natapos ang pageant na iniisip ko ang kanyang napaka-gandang pagmumukha. Buti nalang at 1st runner up ang barkada kong si Cris at ang partner niya at 2nd runner up naman ang isa ko pang kabarkadang babae na si Jen .

Nang kami ay pauwi na ay binati ko ang mga ka barkada ko sa kanilang natamong karangalan . At hinanap nang aking mga mata kong nasaan ba ang babaeng maganda.
Nasa Backstage pa siya at sobrang daming nag papa kuha nang litrato kaya't di na ako lumapit pa .

Bago kami umalis ay hinanap muna namin si Ma'am Song ang Adviser namin upang magpa-alam na kami ay aalis na ngunit nilibot na namin ang buong school ay hindi parin namin siya nakita at naisipan namin na dumiretso sa kanyang room at baka nandon siya .

At nang papasok na kami sa room ay nakita ko sa may pinto na nandun si miss gorgeous kausap ang mga freshmen.
Freshman 1: "Hi po ate ano pong pangalan nyo sa facebook?"
Miss G: "Jazmine Lopez"
Freshmen: "Ah sige po thank you!"

At nang makasalubong namin ang mga freshmen sabi nung isa.
Freshman 2: "Ay mai-search na pala sa facebook "Jazmine Lopez"!"

Tapos na realize ko na Jazmine Lopez pala ang pangalan niya .

At pagkapasok namin sa room ay nag-paalam na kami kay ma'am ngunit gusto ni jv na malaman kung pamangkin ito ni ma'am dahil lopez ang middle name ni ma'am song . Pero nahihiya siya kaya ako nalang ang nagtanong .

"Ma'am pamangkin nyo po ba yun?" Sabi ko habang itinuturo si Jazmine
Ma'am Song:"Ah oo" sabi ni mam
"Ah sige po Ma'am!" Sagot ko

At umuwi na kami sa aming mga bahay na siya ang topic hahaha.

Ako nga pala si Zyke Ethan Garcia. 15 years old at isang Grade 9 student na humahanga kay Miss Gorgeous😍
I am Kind,Loveable,Industrious and not a bad person and i'm addicted on my studies and i am also Smart,Handsome and cute hahaha .

"Park Seo Joon as Zyke Ethan Garcia"

Author's Note:Hello po mga wattpaders!! Eto po pala ang story ko!First time ko pong gumawa nang story kaya't sana magustuhan nyo po at abangan ang susunod na chapter!! Avisala Eshma!😛

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Author's Note:
Hello po mga wattpaders!! Eto po pala ang story ko!First time ko pong gumawa nang story kaya't sana magustuhan nyo po at abangan ang susunod na chapter!! Avisala Eshma!😛.
(Sorry din po kung masyadong malalim ang ibang salita ha. Sana intindihin nyo nalang po😘.)

Miss Gorgeous And IWhere stories live. Discover now