Shit, seriously?

"Mukhang uulan," he stated coldly as he looked at the dark sky without shining stars tonight.

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya. Bakit kahit walang star ay parang bituin na ang kanyang mga mata?

"Mukha nga, e 'di maganda!" I said cheerfully. "Where are we, anyway?"

He shrugged.

"I asked the driver around where I could find some wide and quiet place, this is located at La Santa? Alam mo ba ito?" he said softly, tumingin na siya ngayon sa akin.

Ngumuso ako.

La Santa?

Malapit na nga kami kung ganoon, ilang minutong biyahe pa ay La Verde na ang patutunguhan namin. But I've never been here in La Santa, alam ko lang ang lugar dahil nadadaanan namin tuwing pupunta sa kabilang bayan ng Isla Verde.

"I've never been here," I shrugged.

Nagtanong pa talaga siya sa mga driver, huh. Hindi naman niya kabisado ang lugar rito kaya talagang kailangan niya ng tulong ng mga local ng Isla Verde. Hindi nalang ako ginising, pwede naman.

Ngumuso siya.

"Good thing there's no one here..." matiim niyang sinabi. "You can have the whole place," he chuckled.

"Mabuti nga, e..." halakhak ko.

"I can rent the whole field if there's anyone in here," he laughed a bit.

Ngumuso ako at natawa. Sumabay siya sa aking paglalakad habang nakapamulsa, huminga ako ng malalim at tumitig sa aking paa na nasa bermuda grass.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon sa lugar na ito, pakiramdam ko kailangan ko lang manahimik at mag-isip ng positive vibes para hindi na maalala ang sa amin ni Reitius.

And, here's Reidjan! Hindi ako makakasigaw ng malakas rito dahil uunahan na ako ng hiya, I wanted to be alone, really. But I don't want him to leave my side. I want him to stay and talk, I want to listen to his voice like my favorite soothing music.

I smiled, nang makahanap ng pwesto sa gitnang bahagi ng field ay sumalampak ako roon. Tinanggal ko ang aking sandals at tinabi lamang sa isang gilid.

I freely stretched my legs, tinukod ko ang aking mga palad sa bermuda grass at tumingala sa kanya na ngayon ay kunot ang noong nakatitig sa akin.

"You're wearing shorts, makati ang damo..."

Natawa ako.

"Hindi 'yan! Malambot nga, e..." marahan kong hinaplos ang damo sa aking kamay. I sighed. "This is very comfortable, nakakahinga ako ng maluwag..."

His lips curved, naupo rin siya sa aking gilid. Huminga siya ng malalim at hinubad ang suot na coat, he's still wearing Elite uniform. Puting longsleeves ang natira nang hubarin ang coat.

Namilog ang mga mata ko nang ipatong niya iyon sa ibabaw ng aking mga hita, I smiled a bit while reading the name pin on the right side.

"Cordóva, Reidjan Xandrei..." I quietly said.

He breathed out and chuckled.

"Why does it feels so weird hearing you say my name," he mumbled.

Kumunot ang noo ko. Ganoon din ako sa kanya, e. Everytime he calls my name, it feels weird... and great at the same time.

"Bakit?" I wanted to know why, baka ganoon din ang maging sagot sa aking kalooban.

Huminga siya ng malalim at napailing ng bahagya. Marahan niyang nirorolyo ang sleeve ng kanyang polo hanggang sa siko.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Where stories live. Discover now