Sabi ko last time gagamit na ko ng POV ng char. Pero, napagisip-isip ko na wag na lang. Nasimulan ko na sa Third person's POV eh. Edi panindigan na! :D hahaha!
--
"WELCOME BACK SON!" masayang bati ng ama ni Christian. Kakadating lang niya sa mansyon.
Mansyon? Oo, mayaman si Christian ngunit nang hindi niya sundin ang gusto ng kanyang ama ay itinakwil niya ito.
Umismid lamang si Christian sa kanyang ama. Alam naman niyang hindi sinsero ang pag-bati nito sa kanya.
"Hey! Is that your way of saying hi to your father?!" pigil ng ama sa kanyang anak na papaakyat ng hagdan.
"Kung magpapakabait ka sakin para pumayag akong magpakasal kay Marie, itigil mo na yan. Buo pa din ang desisyon ko. AYOKO!" sabi ni Christian at nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa hagdan.
Ayaw niyang magpakasal kay Marie dahil una sa lahat, gusto niyang makatapos muna sa pag-aaral. At isa pa, hindi niya kilala si Marie, at lalong hindi niya to mahal.
Pagmamahal? Ano ba yun? tanong sa kanyang isipan.
Napabugtong hininga na lang siya at humiga sa kama.
Isang taon na ang nakalipas simula noong pinalayas siya ng kanyang ama. Tinanggal nito ang suporta sa kanya. Sa totoo lamang ay hindi naman maluho si Christian. Simple lang siya mamuhay kahit na nag-aaral siya sa mamahaling unibersidad. At dahil nga pinalayas siya ng ama, hindi niya alam ang gagawin. Hndi niya alam kung paano niya mababayaran ang malaking halaga ng tuition fee. Buti na lamang at bakasyon noon. Kaya nagtrabaho siya at doon niya nakilala si Aling Trining, ang taong kumupkop sa kanya. Napamahal na siya dito, gayun din si Aling Trining sa kanya. Itinuturing niya tong anak kahit na siya pa ay matandang dalaga.
Naalala ni Christian ang Nanay Trining niya kaya dali-dali siyang bumangon sa kama at nag-dial sa cellphone.
"Hello Nay!" masiglang bati niya sa kabilang linya.
["Christian anak, talaga bang hindi ka na babalik dito?"]
"Nay, di ko naman po kayo makakalimutan. Tsaka kailangan din po ako ni Papa dito."
["Eh pano naman ako anak? Pwede bang pumasok na lang ako bilang katulong diyan para makita kita."]
"Nay naman. Alam mong ayaw kitang mahihirapan di ba?"
Natigilan si Christian at napangiti siya. May naisip siyang plano.
"Sige na nga Nay! Payag na ko."
Natuwa naman ang matanda sa kabilang linya.
Ang tanga ko. bakit di ko naisip yon? sabi ni Christian sa sarili.
***
Dumating na ang dalaga sa kanyang condo.
Inumaga na naman siya ng uwi.
Ilang linggo na din ang nakalipas simula nung una at huling beses niyang nakausap si Christian.
Lagi niya itong hinahanap. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya ito nakikita.
Napatingin siya sa bintana na kung saan nakita niya ang papel na idinikit doon ni Christian dati.
Kailan kaya ulit ako makakakita ng papel jan sa bintanang yan? Gusto ko siyang makita at makausap muli. Isip ni Deja.
Sa sobrang pagod niya ay nakatulog na siya at hindi na nakapagpalit na ng damit.
Itutuloy...
![Through the Window [UnderRevising]](https://img.wattpad.com/cover/13465713-64-k256753.jpg)