" Ano ba , akin nanga yan! "
" Tsk, ang KJ mo talaga kahit kailan "
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya
" so anong gusto mo ? Na magtata talon ako sa tuwa dahil kinuha mo lang naman ang librong binabasa ko?! "
Inis kong sabi bago tumalikod at naglakad palayo, ayoko ng makipag talo pa sa sira ulong iyon. Masama ang loob ko, una nawawala ang bracelet na regalo pa ng mama ko at ngayon naman ang pagbabasa ko ang na distorbo?! Siguro'y hahanapin ko nalang iyon mamayang uwian at isa pa pinag titinginan narin kami ng mga tao dito sa quadrangle, vacant kasi namin ngayon kaya naisipan kong tumambay muna dito para magbasa ng bigla nalang sumulpot ang Niel na iyon
Ni hindi ko nga alam kung bakit ako lagi ang nakikita niya at gustong gusto pag tripan, wala naman akong naging atraso sa isang iyon. Hindi rin naman ako mahilig makihalubilo kaya alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang mali.
" O dre , sulat nanaman galing sa locker mo "
Rinig kong sigaw ng isa sa mga barkada ni Niel, pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
Tsaka hindi naman nakakapagtaka kung makakakuha siya ng sulat araw araw mula sa mga taga hanga niya.
Kahit naman kasi maloko ang isang iyon, pag dating sa pag aaral ay talagang aktibo siya at isa sa pinaka magaling na player sa larangan ng basketball dito sa unibersidad na aming pinapasukan. Kung tutuusin nga parang napaka perfect na niya.
Pasimple ko sana siyang tatanawin , pero nagulat ako ng makita ko siya sa likuran ko. Kaya napahawak nalamang ako sa dibdib ko dahil sa gulat
" Sinusundan mo ba ako ? " - Asar na sabi ko sakanya
" Baka nakakalimutan mo Maria, kung Maria nga ba talaga, Hindi kasi bagay sa kasungitan mo at diyan sa maamo mong mukha , NA pareho lang naman PO tayo ng classroom na papasukan at ito lang ang avilable na daan dahil inaayos pa ang kabilang hallway "
Naka ngising sabi niya habang nakapamewang sa harapan ko, Inirapan ko nalang siya ng mapag tanto ko na tama pala ang sinabi niya kaya dali dali nalamang akong naglakad palayo at hindi na lumingon pa
Nang nasa tapat na ako ng classroom ay isinuot ko ang earphones ko sa magkabilang tenga bago pumasok, para maka iwas sa mga tanong kahit na alam kong wala namang mag tatangka
Papalapit na ako sa upuan ko ng hindi maiwasang mapatingin sa pintuan dahil sa pag pasok ng aming guro na si Ginoong Tapel, kasabay nito si Niel na halatang galing sa pagtakbo.
" Ok class, hindi ako magtuturo sa inyo ngayon dahil sa biglaang meeting sa faculty . Inaasahan ko na hindi kayo mag iingay upang maiwasan ang pag punta ng ibang guro rito, maliwanag? "
" yes sir "
" Opo "
" wahahah ! Walang klase "
" paano yan sir , gusto sana naming may bagong matutunan? "
" Alam ko na yan "
Halo halong reaksiyon ng mga classmate ko na nagpaingay sa classroom
" kakasabi ko lang hindi ba? Wag kayo mag iingay, at mag iiwan ako ng activity dito. Maglalaro kayo ng charade , ang mananalong grupo ay makaka kuha ng chips . Ilista niyo ang mga hindi sumali " - Habilin ni ginoong Tapel bago umalis.
Kanya kanya silang hati ng grupo ng maka alis ang aming guro kaya agad nalamang akong umupo at umubob dahil kahit gustuhin ko mang sumali ay hindi ako sa kanila nagtangkang lumapit dahil nahihiya ako, pangalawa wala akong ni isang kaibigan kaya mas pipiliin ko nalamang ang makinig ng music sa phone ko kaysa sa makinig sa kanila baka mainggit lamang ako
