Chapter 1: Reika, The Tiger Princess

218 17 8
                                    

Naglalakad ako papuntang faculty ng  makasalubong ko si Raizen.

"Oh! Reika! Saan ka pupunta?" Tanong niya.

By the way, si Raizen nga pala ang twin brother ko.

"Magpapasa ng theme writing sa values. Ikaw? Nagpasa ka na?" Sagot ko.

"Yeah. Kapapasa ko lang. Sige Reika, balik na ko sa classroom natin. May pinapasabi kasi si Ms. Cruz sa mga classmate natin."

Pumasok ako sa faculty room. Nakita ko agad si Ms. Cruz, yung adviser ko. Nakangiti siya sa kin.

"Ang aga mo magpasa ng theme writing mo Miss Yamaguchi ah!" Sarcastic na sabi niya sa kin.

"Sorry po Ma'am kung late na ko nakapagpasa. Marami lang pong problem." Sagot ko.

"Sorry sorry ka pa eh di ka naman nagbabago. At anong problema nanaman yang pinagsasabi mo? May pinasok ka nanaman bang gulo?" Natatawang sabi niya.

"Ma'am naman eh. Alam mo naman ayaw na ayaw ko po ng gulo." Nakangiting sabi ko.

"Ayaw mo nga sa gulo, eh mahal na mahal ka naman ng gulo." Singit ni Ms. Ferrer na teacher ko sa Filipino.

"Kaya nga Ma'am eh." -ako

"Kala ko isasama ka ng daddy mo sa Japan para dun ka na mag aral." -Mam Mae/ Miss Cruz

"Yup! Next school year po Mam Mae, dun na ko mag aaral." -ako

"Oh siya! Bumalik ka na sa room natin. Papunta na dun si Miss Delos Santos(Ma'am Regie/Regine Delos Santos.) Baka malate ka nanaman sa Social Studies class mo." -Mam Mae

"Yes Mam yes!" Sagot ko saka nagsaludo bago umalis.

Well, ganun kami kay mam mae/ Miss Cruz. Parang tropa, barkada at higit sa lahat kaibigan lang namin siya. Kwela din naman kasi si Mam. Parang bata lang din.

Bumalik ako sa room. As usual, tahimik sila nung pumasok ako ng room. Wala pa si Mam Regie.

Tiger Versus WolfWhere stories live. Discover now