Chapter 24: Guilty??

5.1K 121 78

ZHYRE’s POV

“Hi Zhyre, hmm my childhood friend arrives kanina, he ask me for dinner, can I go with him?” Tanong ni Sarah mula sa kabilang line ng cellphone ko.

Him?  Ibig sabihin isa lang at lalaki pa. Bat parang ayoko syang payagan.. Haaay ano ba naman ako! Tamang duda na naman!

“Hmm talaga? Parang di mo pa sya naikwekwento sakin..”  Sabi ko na hindi sinagot ang tanong nya.

Ah basta! Curious ako, ewan ko kung bakit.  

“Ah ganun ba, he’s name is Mikko, half Canadian. Kababata namin ng mga kuya ko, ngayon lang uli sya nakabalik dito sa pinas, sa Canada na kasi sila tumira pero now they moving here daw.” Kwento nya.

“Hmm can you describe Mikko for me?” Tanong ko. Ewan ko ba pero parang ayoko sa kanya.

“Ahmm he’s a tall guy, mabait naman…” Sagot nya na parang nag-aalangan.

“Hmm pogi?” Tanong ko.

 Ewan ko ba pero parang nakakaramdam na ako ng selos.

Hay! Ano ka ba naman Zhyre! Ngayon ka pa ba maiinsecure kung kelan sayo na si Sarah! Sabi ng utak ko.

“ Ha? Ahmm he’s nice, yeah he’s handsome and ahm yeah pogi naman…” Sagot nya na parang alanganin pa rin. Ewan ko ba. Pakiramdam ko naiilang syang pag-usapan yung Mikko na yun.

Isang tanong na lang.

“Hmm, single?” Tanong ko uli.

“Ha? Zhyre, bat mo ba tinatanong yung mga bagay na yan…?” Medyo inis nyang sabi. Bakit ba sya naiinis? May masama ba sa tanong ko?

“Wala, gusto ko lang malaman.” Tipid kong sagot na hindi pinahalata ang pagkairita ko.

“Zhyre naman eh, haay! Ok, he’s single. So are you letting me go with him? You have the right to say no if you can’t trust me. ” Inis nyang sabi. Inaaway nya ba ako? Parang naiiyak na ako.

Kainis naman, nahalata nya siguro na parang duda ako hay.

“That’s not what you think. Ok pinapayagan kita… Ahmm I will call you later, one of my employee’s calling at the phone, baka importante to. Bye.” Sabi ko sabay baba ng phone, di ko na sya inantay makapagsalita.

Ang totoo, wala naman talagang tumatawag sakin. Excuse ko lang yun, kasi ayaw ko na makipag-usap. Para kasing naiiyak ako, di ko alam kung sa inis o selos pero parang pareho. Basta naaasar ako.

Haay, ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng selos. Bat ba ako nagkakaganito? I think kailangan ko munang lumabas ng opisina, magpahangin para makalanghap ng sariwang hangin. Para kasing may mabigat na bagay na nakadagan sa puso ko.

My Beautiful Soulmate (GirlxGirl Lesbian Love Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!