Chapter 11

6.6K 108 18
                                    

SARAH’s POV

“Sarah ok ka lang ba...??” Nag-aalala nyang tanong.

“Ahm oo ok lang ako kaya lang...ung gulong ko mukhang flat...di ko alam pano ko...” natataranta kong sabi.

“Hindi lang mukhang flat, sabog yung gulong mo.” Pagpuputol nya sa pagsasalita ko. Medyo natatawa sya.  Bakit ba nagagawang nya pang tumawa sa ganitong sitwasyon?

“May extra ka bang gulong?” Tumango lang ako. Napangiti sya. Basang-basa na sya. She look sexy sa wet look nya. I wonder kung ilang lalaki ang nagkakandarapa sa kanya. Babae ako pero di ko maiwasan na humanga sa physical appearance nya. Her perfect lips na kapag ngumingiti, maa-amaze ka at mare-relax. The way she look na parang kaya nyang mang-hypnotize.. Her eyes..it dance when she laugh..and I like the way she move, the way she talk, its perfect and sexy.

“May tools ka bang dala?” Tanong nya uli. Naputol ako sa pag-iisp.

“Ahm I think meron.”  Alam ko kumpleto ako sa tools kahit di ko alam gamitin ang mga yun. Teka bakit nya tinatanong? Wag nyang sabihin na sya ang magpapalit ng gulong ng kotse ko? Mahirap yun di ba?

 “OK good. Pwede mo ba akong tulungan kunin yun?” Kinuha ko yung malaking payong ko saka ako bumababa para buksan yung likod ng kotse ko.

Ang lakas ng hangin sobra. Hinawakan nya siko ko para alalayan papunta sa likod ng kotse ko. Andun na naman yung pakiramdam na yun. Yung parang bigla akong nakukuryente at kinikilabutan sa tuwing madadampi yung mga kamay nya sa braso ko.

Pinilit ko syang tulungan kahit ayaw nya para maibaba yung gulog kasi alam ko mabigat yun at isa pa girl din sya. Pareho na kaming di nakapayong kaya, heto basang sisiw na kami. Ang lamig. Ang lakas ng hangin. Kumukulog at kidlat pa. Kaya medyo nagugulat ako. Isa pa wala na talagang mga sasakyan na napapadaan. Kaming dalwa na lang ata ang andito.

Nilagay na nya yung isang tools sa ilalim ng kotse, pinump nya yun para umangat yung kotse. Pagkatapos sinimulan na nyang tanggalin yung pagkakabit ng gulong  gamit yung parang krus na tools. Ako eto nasa tabi nya ako nanunood lang , pinapayungan ko mga sarili namin kahit basang-basa na kami.

Pagkatapos nyang tanggalin yung flat tire, inumpisahan na nyang ikabit yung pampalit na gulong. Ang galing naman nya. Pagkatapos chineck nya kung mahigpit yung pagkakalagay ng gulong tapos tinanggal na nya yung tools na nilagay nya kanina sa ilalim ng kotse pagkatapos binalik na nya sa likod yung mga tools at yung flat tire. Ako eto pa rin nasa likod nya pinapayungan sya. Humahanga ako sa kanya, akalain mo yun? A sexy woman like Zhyre knows how to change a flat tire!

Biglang kumidlat at kumulog ng malakas, napatili ako ng sobra. Sa sobrang gulat, nabitiwan ko yung payong na hawak ko at napayakap ako kay Zhyre nung pagharap nya. Natakot ako, kala ko ako na yung tatamaan eh.

Hmm ang init ng katawan nya. Parang nabawasan yung lamig na nararamdaman ko dahil sa malakas na hangin at malamig na patak ng ulan. Ang sarap yumakap...nakasusob ang mukha ko sa leeg nya...ang bango....her body is soft and her skin is so smooth.  I want to feel her...parang gusto ko nang matulog.. I feel relax.. I feel safe...

“Sarah are you ok...?” Tumango lang ako. Ayokong kumalas.

“Sarah....” Narinig kong bulong nya. Medyo humigpit yung pagkakayakap nya sakin. Napapapikit ako lalo. Ewan ko, siguro dahil lang sa sobrang pagod kaya parang gusto ko nang matulog.

My Beautiful Soulmate (GirlxGirl Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon