It Girl

48 2 0

'Where are you now? We used to be lovers but happened? What happened to your promises? And to you forever?"

Sa buhay ng tao, importanteng talaga ang pag'aaral. Nandito lahat ng katuparan sa lahat ng pangarap. Pangarap ng isang tao ang makapagtapos sa gustong kurso nito. At pangarap ng bawat tao na magtagumpay sa mga pinili nitong hakbangin sa buhay.

Kinabukasan ang nakataya sa isang pinagbuting pag'aaral. Pag'aaral na balang araw ay magagamit para sa maganda at masaganang hinaharap.

Pero paano na lang kung ang isang magandang relasyon ay tatapusin ng isang taong ang dahilan ay ang pag'aaral? Mapipigilan mo ba siya sa kanyang mga pangarap para sa relasyon nyo o hahayaan mo siyang abutin ang kanyang pangarap ng wala ka sa kanyang tabi?

Magagawa mo bang maghintay para sa taong mahal mo o magtitiis ka sa kakaunting oras na maibibigay nya sayo?

This is a short story of

Jack and Jenny.

Hi, My name is Jenny. Fourth year high school ako noon nung nakilala ko si Jack. And he was 2nd year college back then. Nursing ang kinukuha nyang course. February noon. Malapit nang mag JS at malapit na rin ang graduation namin. Siya naman ay saktong walang pasok kaya siguro nahulog din ang loob nya sakin at iniwan din kaagad nung nagkaron na sila ng pasok. Panget mang pakinggan pero parang ang dating ay isa lang akong pantagal boring. Hay.

Sa katunayan nga parang ang bilis lang ng pangyayari na pinagtagpo kami. December nun nung Sumali ako sa isang Clan. Isang malaking clan at sumusuporta sa mga kilalang tao. Sumali ako noon dahil labis akong humahanga sa mga taong iyon.

Araw-araw halos nakakareceive ako ng less than 200 texts from them. Hanggang sa isang araw nagkatext kami ni Jack. I don't know him personally. His looks, His attitude, his family background and even his full name. Tanging ang codename nya lang ang alam ko.

Nagkkwentuhan kami tungkol sa kung ano yung dahilan kung bakit kami sumali sa clan at kung sino na yung mga nakilala namin, kung nakakailang attend na sa mga get-together at kung anu-ano pa na tungkol sa kung anu-anong bagay.

Naging komportable akong kausap siya. Nagkakilanlan kami sa pamamagitan ng pagtetext. Nagkwento sya tungkol sa buhay nya at nagkwento din ako ng patungkol saakin. Minsan nga'y hindi na ako nakakasali sa mga activity ng clan dahil siya nalang yung hinihintay kong magtext.

Palagi kaming mag'kausap through text at kahit sa chat. Nakagaanan ko siya ng loob hanggang sa nahulog na nang tuluyan ang puso ko sa kanya. Hindi ko alam pero sa pamamagitan ng mga messages nya nagiging masaya ako.

^___________^

Hinahanap hanap ko yung text nya tapos paminsan minsa'y tumatawag din siya sakin.

Hanggang sa sinabi niyang may gusto na siya saakin at nanghihingi ng pahintulot na ligawan ako. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Bukod sa gusto ko na din siya'y minahal ko na rin siya ng mga panahong iyon. <3

Hindi nagtagal ay sinagot ko siya. Sinabi kong mahal ko na rin siya't gusto ko siyang makasama sa pag'abot sa lahat ng mga pangarap ko.

Pareho kaming nagquit sa clan na pinagsalihan namin. Ang sabi namin sa isa't isa'y hindi na namin kailangan maghanap ng katext dahil nahanap na namin ang isa't isa.

Noong naging kami na;

Actually, mag1week na kami noon pero hindi pa kami nagkikita. Pero pareho lang naman kami na taga Makati. Hindi kasi naaayos yung sched ko. Bukod sa nagpapractice kami sa JS prom namin, nasali pa ako sa Blacklight performance for Alumni.

"Hi my loves good morning gising na baka malate ka pa! :) Kumain ka bago pumasok ha!? I love you so much! :** May practice ba kayo ngayon?"

Ginising ako ng text na ito.

Heartache Files.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!