Anak sa labas si Andrew ni Don Gilbert kay Ms. Hermihilda Etsas...tama ang sama ng apelyido at nung umuulan nga lang ng kaswertehan sabi ng matatanda..nakapaligo siya dito ng hubo't hubad..yay!

Gayunpaman..Mahal na mahal ni Don Gilbert si Andrew dahil eto ang kaisa isa niyang anak na lalaki. Hindi kasi magkaanak ng lalaki si Don Gilbert sa legal wife niya...na siya namang naibigay ni Mrs.Bru..kaya dito na nanatili si Mr. Prudence.

Ang aking pumanaw na ina ang yaya ni Andrew.Sa sobrang bait ni Mr.Prudence.. ibinigay nya sa amin ang isa sa mga apt.unit na pinauupahan nila malapit dito sa school.Kaya ganon na lng pagsilbihan ng aking pamilya ang mga Prudence.

Pwera lang sa halimaw na si Mrs.Bru.Kung anu ano ang pinapagawa niya kay Nanay.Kaht may iba namang katulong sa mansion si Nanay parin ang inuutusan kaya madalas ako ang nakakasama ni Andrew.."Utoy" kng tawagin namin.

Madalas kami maglaro ng mga larong kalsada..tulad ng jolen..teks,luksong baka,tumbang preso at kung anu ano pa.Tumatakas lang kami sa mansion nila para makapaglaro sa labas.

Pero mas matured ako mag isip kay Utoy..kaya naman Big bro! ang tawag nya sakin noon kahit magka edad lang kami.One time..naglalaro kami sa hardin nila ng sipa.Tinuturuan ko siya ng biglang napalakas ang pagsipa ko at pumasok sa bintana ng kwarto ni Mrs.Bru resulting to...alam nyo na..may nabasag akong mamahaling gamit sa loob.

Ilang minuto na lang at pauwi na si Mrs. Bru..Halos maihi na ko sa salawal sa takot.Alam kong hindi man ako pero ang Nanay ko.ang mananagot sa kasalanan ko..Si Andrew din panay na lang ang sabi sakin..." don't cry Big Bro....evrything's gonna be ok..."habang dinadampot ko ang mga nabasag na parte ngamamahaling mirror ni Madame.

Maya maya pa...bumusina na ang sasakyan ni Mrs. Bru..Pumunta si Nanay sa gate para buksan ito..habang walang kamuwang muwang sa nangyari samin ni Andrew sa loob.

"Andrew! Andew! Mommy's here!!! Where are you?"

Alam ko kahit anong mangyari..kailangan ko harapin ang parusa ko..palapit na si Mrs.Prudence sa kanyang kwarto at gaya ng inaasahan ko sisigaw siya ng ganito.."Manang Konstansya!!!!!!!!!!"

Dali daling tumakbo ang nanay ko sa kwarto.

"Dios mio! Anong nangyari dito? Nasaan ang anak mo? !!!" Galit na.galit na tanong ni Mrs.Bru.

" Madam ako na ho ang humihingi ng paumanhin sa nangyari..naku po..pa..patawad po..."

Takot na takot ang nanay ko dahil alam niyang mabigat ang kamay Mrs.Bru...dahil ilang beses na naming nasaksihan kung paano nya saktan si Andrew kapag nagagalit siya ng hindi kaharap si Don Gilbert..Now it's my turn..

"Ma.ma..ma..am...Pa.pa..sese..." Di ko pa kumpleto yung sasabihin ko parang missile na lalanding na yung kamay ni Mrs. Bru sakin nang biglang..

"Mommy!!! stop!!! I'm the one who did it!" Sigaw ni Andrew.

" What?!!!!!" muntik ng tumama sa mukha ko yung sampal buti naka iwas ako.

"Yes. I di..did...it..b..bbut..that was an.." hindi pa nakakatapos magsalita si Andrew piningot na niya ito papasok sa kwarto..at doon narinig na lang namin ni Nanay ang mga hampas at palo ng malupit na si Bru.

Pero kung nadoon si Don Gilbert..kahit ilang mamahaling muwebles pa ang mabasag ni Andrew sa harapan niya..Ngingiti lang ito at sasabihing.."That's ok son.." Haay! napaka plastik!

Hindi umiiyak si Andrew..Marahil sanay na rin siya.Pero ako ang umiiyak nung oras na yun..habang nakayakap kay Nanay na inaawat si Mrs.Bru sa pagpalo kay Andrew.

" Madam tama na ho! tama na ho!"habang pinipigilan ang kamay ni Bru na may hawak na sinturon.

"Huwag ka makialam dito! Punyeta! Yung pinaka paborito ko pang mirror yung binasag mo!!Ang mahal mahal non! Ikaw naman!" baling niya sa aking nanay..

"Hindi mangyayari to kung binabantayan mo ng maayos ang anak ko! Ano bang ginagawa mo?! Porque malakas kayo ng asawa mo kay Gilbert umaabuso na kayo! Subukan mo lang magsumbong sa mga nangyayari dito..kundi malilintikan kayo sakin!!" at napagod na kapapalo ang bruha. Lumayas uli..parang umuwi lang para paluin si Andrew.

Dali dali naming pinuntahan ang kawawang Utoy.Hinahawakan yung mga latay ng sinturon sa balat nya habang sinasabi "Ouch!" pero hindi naman umiiyak..ako ang umiiyak at nagsasabing " Sorry Utoy..sorry ako dapat yun..sakin dapat yang mga sugat na yan.."

"Ayos lang Big Bro! Wag ka na umiyak..Kayang kaya ko naman si Mommy..ang di ko kaya eh yung mawala kayo ni Nanay Konstansya dito sa bahay!" Nakangiting sabi nya.

"Huwag na lang po kayo maingay kay Daddy na pinapalo ako ni Mommy...please..."

Naiyak si Nanay sa sinabing yon ni Andrew...

Maya maya pa dumating na si Don Gilbert..

"Andrew what happened to your arm?"tanong ni Don Gilbert matapos niya makita ang latay ng sinturon sa braso ni Utoy.

Magsasalita pa lang si Andrew sumabat na si Bru.

" He got it from playing outside.I told him a couple of times not to play outside but your son is so stubborn." imbento ni Mrs.Bru.

"Is that true? Andrew?"

"Yy..yes Dad."

" Next time listen to your Mom..and promise me you won't disobey her again."

"Yes Dad.I'm sorry."

"Good.That's my son."

Sabay pisil sa kamay ni Mrs. Bru..pero kung alam lang ni Don Gilbert ang totoo baka balian niya ng kamay ang bruhang kaharap niya.

The Busted GirlBasahin ang storyang ito ng LIBRE!