Hindi umimik ang tatay niya. Nanatili lang itong nakatingin sa asawa niya. Nabigla siya nang hawakan siya ng asawa niya sa kamay. Malamig ito. Hindi niya napigilang mapangiti. Kinakabahan ito!

"Salamat po, ma."

Mama? Really? Hindi man lang nahiya.

Napatingin ulit siya sa tatay niya. Sinusuri ng mga mata nito si Ace na kinakabahan na ngayon. Parang naghahanap ito ng kalait-lait sa lalaking nasa tabi niya. Napatakip siya ng bibig at doon tumawa ng mahina.

"Pa! 'Wag mo siyang takutin!" Aniya.

Napabaling sa kanya ang ama at ngumiti. "Hindi ko siya tinatakot, 'nak. Parang... parang nakita ko na siya dati." Binalingan nito ang katabi niyang asawa. "Anong apelyedo mo, hijo?"

"Versoza po."

"Kaanu-ano mo si Faymine? Itong kaibigan ng anak ko?" Ani ina niya.

"Kapatid po." Nakangiting sagot ng asawa niya.

"O, ikaw si Ace?" Ani papa niya.

"Kilala mo?" Tanong ng ina niya sa asawa nito.

"Oo! Siya 'yong batang lalaki na sumalubong satin n'ong binisita natin si Winny sa Maynila." Hinarap nito ang asawa niya. "Hindi ko akalain na ikaw pala makakatuluyan ng anak kong 'to!"

Sabay na tumawa ang mga magulang niya. Napangiti na lang siya. Naaalala pa pala ng mga ito.

Talagang hindi kapani-paniwala na sila ang magkasama ngayon. Sila ang magkahawak-kamay. At sila ang nagmamahalan ngayon. Kahit sino'y magugulat.

Hinarap niya si Ace. Saktong nakatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito. Ngumiti rin ito pabalik sa kanya. Napapikit na lang siya nang hinalikan siya sa noo nito.

Pakiramdam niya buong-buo na ang pagkatao niya. Ang saya niya. Sobra... Hindi niya inaakala na ganito pala ang pakiramdam. Sana noon pa niya ito pinatawad. Sana noon pa niya pinairal ang pagmamahal rito. Sana hindi niya hinayaang malamon siya ng galit. E 'di sana noon pa siya naging ganito kasaya. Sana noon pa...

Inilapag nila ang mga gamit nila sa kwarto niya. Nagpahinga lang sila saglit.

Naabutan nilang magkatabi ang mga magulang niya sa long sofa. Nanonood ang mga ito ng TV. Nakaakbay ang tatay niya sa ina niya. Nakahilig naman sa balikat ng tatay niya ang ina.

Napangiti siya. Lalo pang lumaki ang ngiti niya nang inakbayan siya ng asawa niya. Hinimas niya ang braso nito. Nilingon niya ito at nginitian.

"Ma, lalabas lang kami saglit."

Bumaling sa kanya ng mga magulang. Kapwa ito nakangiti. "Bumalik kayo bago magtanghalian, a?"

"Opo." Aniya.

Magkahawak-kamay silang lumabas bahay. Nilakad lang nila. Dinala niya ang asawa niya sa ilog kung saan nakausap niya ang matandang nakatulong sa kanya sa pagdedesisyon.

"Ang ganda dito..."

Binalingan niya ang asawa. "Alam mo kung bakit kita dinala dito?"

Nilingon siya ng asawa. Hinigit pa siya nito palapit lalo sa kanya. "Bakit?"

"Dito ako pumunta n'ong mga panahon na nag-iisip-isip ako. May nakita akong matandang mag-asawa. Nilapitan ako n'ong babae."

"Tapos?" Anito habang ginagaya siya paupo sa isa sa mga bench.

"Sabi niya... 'Hindi mo siya tunay na mahal kung hindi ka magpapatawad. Sa pag-ibig, hindi tayo nagbibilangan ng mga mabuting nagawa sa mahal natin. Hindi tayo nagbibilangan ng kasalanan. Hindi tayo nagbibilangan ng pagkakamali. Hindi tayo nagbibilangan ng nasasakripisyo. At lalong hindi sinusukat ang pagmamahal. If you really love someone, you will forgive, give, trust and make him happy.' Tumatak lahat sa isip ko 'yan."

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant