Namilog ang mga mata ko.

"Hindi na! Ay, a-ano. Sige kain ka..." parang tangang sinabi ko.

He chuckled and he raised a brow.

"Saan mo gusto?" he asked softly while scanning the restaurants around. Malapit kami sa Elite University ngayon.

Meron akong paboritong kainan malapit sa EGH pero ayaw kong sabihin iyon dahil nakakahiya kung mamimili pa talaga ako ng kakainan namin.

Ngumuso ako at nagkibit ng balikat. Tumingin ako sa labas ng bintana, nakita ko ang mga estudyanteng nagkalat sa labas ng school. Iba iba ang uniform, merong HU, Rockwell at iba pa.

Nakakamiss rin ang school na ito at ang mga tao kahit mga tsismosa.

"Ikaw bahala, kahit saan lang!" I smiled.

Kakatwa na gumagaan talaga ang paligid kapag si Reidjan ang kasama kahit parati akong kinakabahan sa kanya, magaan pa rin iyon sa pakiramdam. Marahil hindi lang ako sanay sa presensya niya simula noong tumigil kami sa pag pretend.

"I remember you eating every lunch breaks in Granny's cuisine near EGH..." he nodded slowly.

Kumunot ang noo ko. Seriously? How did he know that? Kapag kumakain ako roon ay hindi ko rin sinasama ang mga kaibigan ko dahil hindi nila hilig ang mga lutong bahay.

"How did you know?" litong tanong ko.

He just smirked and shrugged. Niliko na niya ang sasakyan sa bandang EGH, huminto kami sa carpark ng Granny's. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagkakaalam niya ng paborito kong kainan.

Paano niya naman nalaman iyon? Ang galing, huh? Si Radjine siguro? Kasi kumakain din kami ni Radj dito dati. Ah, iyon nga siguro!

Nakangiti pa rin ako hanggang sa makapasok, nagbago na rin ang itsura! Marami ng dekorasyon na pang chinese, well, the owner is chinese! Kadalasan rin na kumakain ay puro matatandang chinese pero ang mga dishes rito ay filipino food at sobrang sarap ng pagkakaluto.

Kahit simpleng adobo nila ay espesyal dahil sa kakaibang lasa noon. The waitresses were wearing red chinese dress, ang kanilang buhok ay nagmistulang si pucca. Mapula rin ang labi pero hindi naman bastusin.

Umupo si Reidjan sa aking harapan, lumapit sa amin ang isang waitress at nagbigay ng menu. Halos nangiwi ako nang magsalita ang waitress kay Reidjan.

"Good to see you again, Sir!" she smiled.

Tumuon ako sa menu kahit kabisado ko naman na ang lahat ng kanilang mga dishes, wala lang. Baka mainis lang ako sa special treatment ng waitress na ito kay Reidjan.

Good to see him again, huh? So, dito siya kumakain parati? Mukhang close na sa kanya ang waitress na ito, ah?

Ngumiti si Reid.

"Si Theonoah?" she asked and simply glanced at me. Hindi ko kilala ang waitress na ito, baka bago lang! Wala na rin iyong mga dating waitress, e.

"May klase..." simpleng sagot ni Reidjan.

She smiled cheekily.

"Ikaw walang klase?" tanong niya.

Reidjan shook his head. Ramdam ko ang kanyang tingin at paghihintay sa aking mapili sa menu.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu