"To fetch you..."

Shit, malamang dahil utos kasi ng kapatid niya! Kailan ba niya hindi sinunod iyon? Malamang nagdrama na naman itong si Radjine para mautusan siya. Ganoon naman parati.

So, he's not really willing to fetch me, huh? Nakakahiya talaga at lumiban pa siya para lang sunduin ako gayong pwede naman akong magtaxi o manghiram ng kotse kay Ate!

Nagkatinginan kami pagkaupo ko sa frontseat. Kumalabog ang dibdib ko, tumayo ang balahibo ko dahil sa kaba.

"I'm willing to do this..." aniya parang nabasa ang laman ng isip ko.

What the hell?

My lips parted.

"S-salamat!" hilaw kong sambit.

He smiled a bit and nodded. Pagkatapos isara ang pintuan ay umikot na rin siya para sumakay at magmaneho paalis.

May alam na kaya siya tungkol sa nangyayari sa akin? Sa pamilya ko? Nasabi na kaya ni Radjine sa kanya?

Huminto kami dahil sa stop light. Huminga siya ng malalim at sumulyap sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang pagtingin niya sa braso ko. Sa bracelet na binigay niya!

I inhaled deeply, mabilis kong tinago iyon dahil sa hiya. He laughed a bit and shifted his gaze at my face. Uminit ang pisngi ko.

"Sakto lang pala..." he declared coldly.

Huminga ako ng malalim at ngumuso para pigilan ang ngiting kumakawala sa aking labi. Damn it! Stupid, Alzhera! Anong nakakangiti doon? Malala ka na!

"Salamat pala! Pati sa roses!" sinserong sinabi ko.

"Did you like it?" aniya at saka muling nagdrive nang mag green light. Nasa kalsada ulit ang kanyang atensyon.

Ngumiti ako at tumango.

"I love it! Ang advanced!" halakhak ko.

He glanced at me.

"My pleasure..." he said. "So, where do you wanna celebrate your birthday?"

Bumuntong hininga ako.

"Baka sa Isla Verde..." I said. "Radjine can't go, it's your Mum's birthday, too..."

Tipid siyang tumango.

"Ayaw mo bang magcelebrate dito?" malamig niyang tanong.

Kumurap kurap ako.

"Ayos lang naman, pero naroon kasi ang mga pinsan ko..."

Nakakahiya naman kung sila Lavern pa ang papapuntahin ko rito sa Maynila, isa pa wala naman akong dahilan para dito ganapin ang kaarawan ko. Wala rin naman sila Daddy noon at hindi ko pa nga sigurado kung itutuloy ko pa!

Ngayon pa na malalaman ko ang katotohanan? Damn, I don't think I can celebrate my birthday happy! Parang napakalungkot noon, kaya baka bahala na.

"Kumain ka na ba?" tanong niya nasa daanan pa rin ang paningin.

"Yup!"

Hindi pa talaga at nagugutom na nga ako, nine hours ang biyahe kanina at wala akong kagana-ganang kumain kahit may mga nadaanang kainan. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong gana kahit kumukulo na ang tiyan ko.

Kumunot ang noo niya at sinulyapan ako.

"Parang hindi naman..." he shook his head. "Nine hours kang nasa biyahe? Did you really eat?" he asked suspiciously.

I sighed heavily.

"Hindi ako gutom. Ayos lang..."

"Tss," tugon niya. "I'm hungry, what do you wanna eat?"

Isla Verde #2: The Sweet Escape Where stories live. Discover now