Chapter XXII- Summer Paradise

Start from the beginning
                                    

Nakaka-stress lang isipin. Oh siya siya siya, nakakaasar talaga. Nandito pala ako sa kwarto ko. Hindi pa daw ako pwedeng lumabas hangga't di pa nag s-start ang party. Para daw naman masurprise ang mga tao sa itsura ko. Hayss, nakakabored. Wala akong magawa.. Eh kung mag fa-facebook lang naman ako, puro HBD lang naman makikita ko sa wall ko. Pati wala din namang facebook si Aya, kaya walang kwenta. Ang malungkot pa dyan hindi niya ako nagawang itext ngayon.

Ano ba naman ito. Dapat hindi ako nag-iisip ng ganito. Tama, birthday ko ngayon. Dapat masaya ako, think positive. Dadating si Aya, at babatiin niya ako ng Happy Birthday. I don't need a gift from her, gusto ko lang batiin niya ako ng Happy Birthday at masaya na ako. Parang mas gusto kong tawagin siyang Bianca. Kesa sa Aya... Mas maganda di ba na Bianca lang? Pati ako lang ang tatawag sa kanya noon. Tama yun na nga lang ang itatawag ko sa kanya.. 

Ayy, di nga pala... pwede. Dahil CHOPSTICK nga pala! Psssssh.. 

"Hello mic test.. mic test.. hello..sound check.." haysss, di pa din ba magsisimula? mukhang inaayos pa nila yung microphone... Teka.. Bakit?! Naku naman!!! Bakit!!!! Nakakaasar naman eh! Ngayon ko lang narealize. Don't tell me, na may 21 Balloons, 21 Roses, 21 Wishes, 21 Gifts at lalong lalo na 21 Dances. Leech!!! Mommy!!! What do you do? 

"I'm calling everyone's attention. To witness the 21st Birthday of ever dear son of Mr. & Mrs. Lopez!" sabi nung emcee. So umpisa na nga.. Lumabas na ako ng kwarto, at what the hell? May security lang naman na nakaantabay sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko. Well attire pa talaga sila..

Bumababa na kami ng hagdan at lumabas kami sa may garden. Ang daming tao! Nandito yung mga family ko sa mother and father side. Mga classmate at ibang schoolmate ko sa Ateneo at nung highschool ako. Nandito din yung mga empleyado ng company este building namin. Pero bakit ganoon, hindi ko makita ang hinahanap hanap ko. 

Dahil sa paghahanap ko sa kanya, natulak na lang ako paakyat ng mga security guard ba tawag dito sa dalawang kasama ko o what? Sa stage. 

Okay, I need to act cool.

"Happy Birthday!" sigaw ng lahat sa akin. Ako naman si tangang nakatayo ay sinubukan kong hanapin ang dapat kong hanapin. Nakakaasar naman, ang daming tao.

"Okay, let's welcome our celebrant!" sabi nung emcee, salamat na din at hindi niya sinabing DEBUTANT, dahil kung nagkataon ihuhulog ko talaga ito sa stage. Nagpalakpakan naman yun mga tao. Dami palang mga girls ngayon sa birthday ko, hindi ko naman sila mga kilala. Pero todo make up at todo damit sila.

May mga bakla din na naglalaway at panay ang picture sa akin. Sumisigaw pa ang iba na ang HOT ko daw, ang pogi ko daw at bagay daw ang hairstyle ko sa sarili ko. HAHAHAH.

Tama kayo, bago nga hairstyle ko at syempre binagay ko pa talaga yan sa sarili ko. Di ba sabi ko sa inyo noon magpapakulay ako ng buhok?? Yan nag pakulay na ako ng buhok! Dagdag kapogian at dagdag angas! 

Pinaupo na ako ng emcee doon sa may tabi pero nasa stage pa din ako. Nagsabi siya ng mga bagay tungkol sa akin at ang nakakaasar pa dito nung bata pa ako! Pinakita ba naman doon sa may projector yung mga pics ko noon.. Mula 1 month hanggang 7 yrs old. Very frustating... Pero nagulat na lang ako ng inislide nila doon yung pics namin ni Bianca noong bata pa kami.

She's my Last Kiss (part 2)Where stories live. Discover now