Mahal, Ikaw Pa Rin Talaga

3 0 0
                                        

Halos malagutan na ako ng hininga,
Nang makita kitang may kasamang iba.
Dumaan kayong dalawa sa harapan ko,
Nakangiti ako, ngunit durog na durog na ang puso.

Ako ang iyong naging takbuhan,
Sa t'wing kayong dalawa ay may tampuhan.
Ito namang si tanga ay pilit na nagpapakabayani,
Masagip lang ang relasyon niyong nais kong sirain.

Dumating sa puntong halos maghiwalay na kayo.
Nasa bingit na ako ng pagsasaya nang makita ko ang mukha mo.
Tila ba ikaw ay namatayan nang malapit sa iyo,
At halos magpakamatay ka na rin sa sakit na nararamdaman mo.

Lumapit ako para kausapin ka,
Sinasabing baka may susunod pa.
Nalulungkot ako para sa iyo,
Pero naawa naman ako sa sarili ko.

Ang kasiyahan mo ay siyang nagpapangiti sa akin.
Sa bawat kalungkutan mo'y nadadala ko rin.
Tila ba mali na minahal kita dahil nga ganito,
Ngunit parang tama rin dahil masaya naman ako.

Sa bawat araw na nagdaraan,
Hindi ko mawari kung bakit narito pa rin at nag-aantay.
Sa presensya mong matagal ko nang nais makamtan,
Bago pa man ako magpakabayani sa sarili mong kasiyahan,
Na nauwi lamang sa sarili kong kawasakan.

Isang taon na ang lumipas,
Narito sa isang tabi at muli kang iniisip.
Mga panahong tayo'y parang may "tayo" pa.
Pero ako lang pala ang nagbibigay ng malisya.

Mahal, sobrang nasasaktan ako,
Sa desisyon kong ipamigay  ka sa ibang tao.
Ngunit nais ko lang naman na makamtan mo ang kasiyahan mo,
Kaya ako itong nagparaya, at binigay ang nais mo.

Alam kong kailanman ay walang naging "tayo",
Pero tanggap ko na iyon, at ito ako unti-unti nang nagbabago.
Marami nang taon ang lumipas,
Kaya't oras na para ako'y maghanap ng kasiyahan.

Ngunit sa bawat pagbaybay ko ng aking dinaraanan,
Ikaw pa rin talaga ang aking naaalala.
Naisip ko na siguro ikaw talaga ang nakatadhana,
Sa pag-ibig kong hindi mo kayang masuklian.

Parang tanga na lang akong naghihintay,
Sa isang pagkakataon na kailanma'y hindi ko mahahantungan.
Kahit anong pilit ko na pagkalimot sa iyo,
Walang saysay ang lahat dahil ikaw lagi ang nasa isip ko.

Hindi, hindi ko na kaya,
Ang magpanggap na wala ka na.
Dahil sa bawat pagkakataon na ako'y maghahanap,
Iyong tipo mo pa rin ang aking hinahanap.

Sana, sana hindi na kita hinayaan,
Na mapunta sa iba pang kamay.
Pero ito ako, akala ko'y naka-move on na,
Pero mahal, ikaw pa rin talaga.

[07-25-17; 7:05 pm]
[11-02-18; 3:48 pm]

ThoughtsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang