Roleplay (One shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

Umuwi na ako at nagsimulang naglakad lakad. Huminga ako nang malalim at napatingin sa mga bituin habang kumakain nang cheese ball. *___* Wow! Tignan mo nga naman, may natutunan din pala ako sa pag-aaral ko no? Ang ganda talaga ng mga constellations.

*bogsh* Hindi ko namalayang may nakabungo na pala ako. Nalaglag ang mga gamit ko at sa kanya, kaya dali dali ko yung inabot. Kasalan ko naman din. 

"Sorry" Nakatingin lang ako sa baba at abala sa pag aabot  nang mga libro at notebook sa kanya.

Nakuha ko na din yung mga gamit ko, kaya napatingin ako sa kanya. O__O "Romeo?!" "Juliet?!" sabay naming sabi. Bigla siyang napatingin sa baba. "Ang laki laki mo na Juliet, mag diet ka  na' Hindi ka babagay sa akin niyan." nag smirk siya. Hindi ako nakapag react agad. Aba! A-k-o, malaki? 

"Wow! Kayabangan din, Romeo. Mahiya ka naman!" napangisi lang siya. Hindi ako nakapag react agad. Ang gwapo talaga niya. 1.......2.......3

Wait! Anong sabi ko? No way! 'Yan gwapo? Aish! Agad agad akong umalis. Pero nang hindi pa talaga ako nakalayo "Sorry" mahinhin niyang sambit at lumakad na sa kabilang daan.

Napataas ang isang kilay ko. Mahinhin?  Si Romeo? May problema ba siya? Umiling ako, Tsk. Tignan mo nga yung lalaking yun, walang hiya talaga. Kainis! >_<

______________________________________________

"Ok, i-su-summarize ko na muna sa inyo ang story para mas makuha niyo kung ano talaga ang gusto kong ipahiwatig. OK?" tanong ni Lena sa amin. nakaupo kaming lahat sa parang bench dito sa may covered court.

"Magsisimula ang storyang 'to na, may  isang babaeng na-hate ang super duper crush niyang isang lalaking hindi niya makuha kuha kungbaga "Out of reach" niya yung lalaking 'yun, Kuha niyo?" tinignan niya kami isa isa, kaya tumango silang lahat.

"Cliche ang kwento, pero sure ako na bagay siya sa mga edad natin at mas maiintindihan ng mga estudyante ngayon" tumango naman silang lahat ulit at nagsimulang tumayo. Bakit ba' parang alam na nilang lahat?

Tinaas ko yung kamay ko, nakita naman ito agad ni Lena "O, Anong gusto mo Juliet?" seryoso ang mukha niya. "Kasi ano eh, Hindi ba pwedeng pahabain naman kunti ang summarization mo?" Umiba ang reaksyon ni Lena "Hindi mo ba binasa ang ginawa kong script Juliet?" sabi niya habang nakataas ang kilay. 

"Eh, Isang page lang ang akin eh." lahat ng groupmates ko ay napatingin sa akin. "Hmm, Kung ganoon, sumabay ka nalang sa daloy ng kwento" nakita niya siguro ang pag-aalinlangan ko "Pero alam kung kaya mo naman yun" sabay smile, kaya napatingin nalang ako sa baba. Flatter much..

Umuwi ako sa bahay na na-practise na namin ang unang eksena. Hindi ko  maiwasang isipin ang climax ng story? Kinuha ko ulit yung copy. tsk. pero bakit ba isang kopya lang to' ? 

(Lovers dance when they're feeling in love

Spotlight's shining. It's all about us

Roleplay (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon