Fall One: I-S-A-Y

13.2K 234 32
                                    

Fall One: I-S-A-Y

“Oy! Tulala ka na naman d’yan!” untag sa akin ni Ericka. Kaibigan ko siya pero magkaiba kami ng course. Tumingin siya sa tinititigan ko. Opo hindi ako tulala may tinititigan. “Sabi na, e! Dakila ka talaga.” Napatingin ako sa kanya, hindi ko gets, e.

“Anong dakila?” naguguluhang tanong ko.

“Dakilang tagasubaybay sa taong hindi ka naman pinapansin. E, mukha ngang hindi ka niya kilala, e!”

Tinapik ko 'yung braso niya. “Uy! Kilala niya ako! Magkaklase kaya kami!” depensa ko.

“O, e, ano ngayon kung kaklase ka niya? Por que ba mag kaklase hindi na p’wedeng hindi ka niya kilala?” Inirapan ko lang siya, tapos tumingin na ulit ako kay Art.

Hay. Si Art, si Art na super guwapo! Peste lutang  na naman yata ako. Bakit kasi may nilalang na ganito ka guwapo, e. Okay lang sana kung guwapo lang , e, kaya lang matalino rin. E, ako? Simpleng mamamayan at estudyante lang. Baka nga tama si Ericka na hindi ako kilala nito kahit kaklase ko pa siya sa ilang subject. Hay.

“Hala! Ang lalim ng buntong hininga mo d’yan, a! Si Art na naman ba?” Napatingin ako sa nag salita. Si Xel pala.

“Andyan ka na  pala,” bati ko sa kanya.

Napaangat 'yung isang kilay niya. “Kanina pa, napag-usapan na nga namin ni Ericka 'yung about sa kanunununuan niya, e,” mapang-asar na sabi niya. Hindi ko na siya pinansin, asar talo lang ako, e. Tumingin na lang ulit ako kay Art. “Teka lang ha? Aalis lang ako, may susungkitin lang ako na guwapo.” Napatingin ulit ako kay Xel, nakatingin siya kay Art.

Hindi ko magets.

Sorry slow ako ngayon dahil lutang ang utak.

“Ah. Oh sige ingat,” natatawang paalam ni Ericka. Ako, dinedma ko na lang. Tinignan ko na lang ulit si Art.

Ang guwapo niya talaga!

Nakita ko si Xel naglalakad sa direction ni Art. Kinalabit ko si Ericka. “Ericka. Ericka. Si Art ba 'yung susungkitin na guwapo ni Xel? Crush niya din ba si Art ha, Ericka?” Pinalo niya 'yung kamay ko na walang tigil na kumakalabit sa kanya.

“Tumigil ka na nga sa kakakalabit. Siguro, ano’ng malay k— Oh! Shocks!” Napa ‘ouch’ naman ako sa nakita namin. Lakas nang pagkakabunggo nung lalaki kay Xel. “Okay lang kaya si  Xel?” nag-aalalang tanong ni Ericka.

“Siguro? Hindi naman na niya pinansin 'yung lalaki, e. Tignan mo,” tinuro ko si Xel, “Nilagpasan na lang niya.” Kumunot 'yung noo ko nang nakarating na si Xel sa puwesto ni Art. Nag-usap sila sandali tapos nakita naming ngumiti si Art at tumingin sa direction ko? Namin? Tapos kumaway pa. Shit! Spell kilig? I-S-A-Y!

Can I just die? As in now na?

***

“Hala ka, hindi siya nakaget over,” pinalo ako ni Ericka sa balikat, “Hoy! Last week pa 'yan nangyari ah? Ulit na naman?”

Oo na, alam ko naman na last week pa nangyari 'yung kaway kaway ni Art, pero naman kasi! Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

“Patay tayo d’yan, mukhang napasama pa 'yung ginawa ko ah?” natatawang sabi ni Xel. Nag-apir sila ni Ericka tapos nagtawanan.

“Ayos nga, e. Tignan mo hindi siya makausap nang maayos. Medyo tahimik tayo,” sagot naman ni Ericka. Nag-apir ulit sila.

“Ah gano’n?” inis na sabi ko, “Oh sige. Hindi ko na kayo kakausapin. Ayaw niyo pala nang mainggay, e.” Tumalikod ako sa kanila. Kunwari nagtatampo. Naramdaman ko na lang na may bumatok sa akin. “Aray! Makabatok 'to,” nakasimangot na sabi ko sa kanila.

Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon