DHEA POV
"Go!! Gooo!!! Dito tayo!!" Pasigaw at hingal na sabe ni James.
Tumatakbo kami ngayon dahil may humahabol samin na di matukoy na nilalang. Itim ito at malaki.
"Dhea, bilisan mo!! Dito tayo!!" Sigaw ni Luigi saken.
Nagtago kami sa isa sa kwarto ng abandon house na dapat pagbabakasyunan naming mag kakabarkada. Ngunit imbis na masayang bakasyon, nauwi ito sa madugo at nakakalungkot na bakasyon.
Pagka sara ng pinto, nilagyan agad namin to ng harang para di na mabuksan ng halimaw na humahabol samin.
Umupo kami at nagpahinga. Dahil narin siguro takbo kami ng takbo simula kanina pa, kaya pagod na pagod kami ngayon.
"Ahhhhh!!!!" Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw si James.
"Ano ba James??!!! Tumahimik ka nga, di nakakatuwa" irita na sabe ni Monica.
"May sugat sya Monica, Kelangan na natin sya magamot kundi baka mamatay sya" mahinahon at may pagka alala na sabe ni lieu.
"Hindi pwede to!!! Hindi totoo yun diba?!! Hindi pa mamatay si James diba??!! Sabihin mo!! Hindi!! Hindi!!" Pasigaw at galit na sabe ni Sarah.
"Kasalan nyo to eh!!! Kundi sana kayo nag pumilit na dito na lang magbakasyon eh di sana wala tayo ngayon sa sitwasyon na to" galit na sabe ni camille.
"Abat kami pa ang may kasalanan ah. Ikaw nga tong excited na excited na pumunta dito" balik na sabe ni Monica.
Biglang tumayo si Camille at kinwelyohan si Monica.
"Wag na nga kayong mag away. Hindi ito ang panahon para mag sisihan. Dapat tayong magtulungan para mapatay natin yung halimaw. Wala patutunguan to kung mag a away away tayo" awat ko sa kanilang dalawa.
"Tama si Dhea. Dapat tayo ngayon ay nag tutulungan" pagsangayon ni Luigi.
"Dapat na tayong gumawa ng paraan para magamot natin ang sugat ni James" sabe ni lieu. "Maghanap tayo ng mga gamot at mga armas na makakatulong satin." Dagdag pa nya.
"San naman tayo mag hahanap?" Tanong ni Monica.
Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Malaki ito at malinis. May dalawang pinto na magkatabe sa may gilid. Isang kabinet na malaki ang nakalagay sa tabe ng isang malaking kama. May mini ref din at isang maliit na mesa katabi nito. Pero may isang bagay na nagpakuha talaga ng atensiyon ko....
Isang bagay na bilog at kulay itim na bagay ang nasa loob ng bukas na pinto malapit lang sa kinatatayuan namin. Marami at...
"Guys.. Nakikita nyo ba ang nakikita ko?" Nanginginig at takot na tanong ni monica.
Paatras kami ng paatras hanggang sa pader na lang ang nasa likod namin.
"Ruuuuuuunnnnnn!!!!!" Sigaw ni James.
Di na kame nagdalawang isip pa at agad kaming tumakbo papuntang pintu--
"Ahhhhh!!" Nagulat ako ng sumigaw si Sarah na nasa likod ko lamang. Pagkalingon ko kinakain na sya ng halimaw.
Nagulat ako at natulala. Di ako makapaniwala na namatay ang kaibigan ko at sa harap ko pa.
"Dhea!!!" Nagising ako sa katotohanan ng biglang sumigaw si lieu. "Halika na!! Bilisan mo!!"
Tatakbo ba sana ako pero huli na ang lahat. Nasa harapan ko na ang halimaw. Dinamba ako nito at naramdaman kong bumagsak ako sa sahig.
"Nooooooo!!!"
"Hindi pwede to"
"Dheeeeaaaaaa!!!"
"Tara na!! Bilisan nyo!!!"
"Wala na sya lieu!!! Ano ba?!!"
"Bitiwan nyo ko!!! Dheeeaaa"
"Umalis na tayoooo!!!"
"Ililigtas ko sya!! Bitiwan nyo ko!!"
"Wala na sya lieu!! Tara naaa!!!"
"Dheeeeaaaaaa!!!"
Mga salitang naririnig ko bago ko mawalan ng malay then. Black out.
------
Bigla akong nagising at napaupo sa hinihigaan ko. Pawis na pawis ako dahil sa isang bangungot. Akala koy totoo ang lahat. Panaginip lang pala. Pero muka kase itong totoo. Ginala ko ang aking mata sa kabuoan ng kwarto.
Ang huli kong natatandaan nakatulog ako sa byahe.
Sa gitna ng pag iisip ko, biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong si lieu pala ang nagbukas.
"Oh, gising ka na pala. Gigising dapat kita para kumain pero gising ka na pala."
VOCÊ ESTÁ LENDO
THE SHADOW
Mistério / SuspensePaano kung ang tahimik mong buhay ay nawala?.. Naging magulo.. Dahil sa isang BAGAY na napulot mo lng.. pero hindi na pwedeng itapon muli.. Kundi..... .. .. Pipili ka.. .. Mamatay ka? O Mabubuhay ka parin ngunit hindi isang tao.. Kundi isang anino...
