Chapter 16: Panaginip.

6.4K 169 27
                                    

A/n: HAHAHAHA. Alam kong maraming naguluhan sa chapter 15 so eto na. HAHAHA. Meron ng nakaalam ng idea ng chapter 15 XD Kaya sa mga naguluhan kung bakit niya iniwan si mark.

~

Mika's POV

Tanghali na pero..

"Wag mo kong iiwan."

"Wag mo kong iiwan."

"Wag mo kong iiwan."

"Wag mo kong iiwan."

Simula kagabi. Yan ng yan ang pumapasok sa utak ko.

Nandito ako sa kwarto nakahilata.

Ayoko pang bumangon kahit tanghali na.

Nagulat na lang ako ng may narinig akong sumisigaw sa kabilang kwarto.

Napatayo tuloy ako agad.

Dali dali akong lumabas at narinig ko ang sigaw sa kwarto ni mark.

Kinatok ko na ng ilang beses pero wala parin. Nakalock pa naman ang pintuan niya!

"MANANG!" Dali daling nagtungo sakin si manang.

"Hija.. Bakit? Anong nangyayari?" Nagpapanic na tanong ni manang. Kahit ako di ako mapakali.

"Manang.. Yung susi po pakuha.. Paki dalian po.." Tapos umalis na agad si manang.

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko ng mas malinaw yung sigaw sa loob.

"MIKA.. PLEASE.." Sigaw sa loob ng kwarto.

Takte? Anong ginawa ko?

"MIKA.. PLEASE.." This time medyo naririnig ko na rin na humahagulgol siya.

Lalo akong nagpanic.

"Hija.. eto na." Binigay sakin ni manang ang susi at agad kong binuksan ang pinto.

Agad akong napatakbo sa kama ni mark.

"MIKA.. PLEASE.." Paulit ulit niyang sigaw at umiiyak na talaga siya.

Nanaginip siya.

"Mark.. Wake up.. Mark.. Shhh. Mark.." Pang gigising ko sa kanya at medyo inuyog ko pa siya para magising.

Minulat niya ang mata niya.

Nanlaki ang mata neto ng makita ako.

Umiyak siya lalo.

Laking gulat ko ng yakapin niya na lang ako bigla.

Iyak parin siya ng iyak.

Para siyang bata.

"M-Mika." Bulong niya sakin habang umiiyak parin.

"Shhhhh.. Don't cry baby.. I'm here." Para akong nanay na nagpapatahimik sa anak kong umiiyak.

"Mika.. Don't leave me.. Please? I love you.. so much.." Tapos lalong humigpit yung yakap niya.

"Shhh.. Ofcourse.. I won't leave you.. I love you too baby.." Kahit di ko naiintindihan kung bakit.

Si manang nakatayo lang sa tapat ng pintuan at pinapanuod kami.

"Manang.. Pakuha naman po si mark ng tubig.. Para medyo kumalma po siya.." Iyak parin kase siya ng iyak habang nakayakap sakin.

Agad namang umalis si manang na nakangiti saakin.

Mga ilang minuto ang lumipas ng dumating si manang na may hawak na tubig.

"Mark.. Drink water first. Wag ka ng umiyak. Nandito lang ako. Di kita iiwan. Pangako." Tapos kumalas na siya at inabot sakanya ni manang yung tubig at ininom niya yun.

"Maligo ka muna para mahimasmasan ka ng kaunti. Tapos bumaba ka na. Ipaghahanda ka na lang namin ni manang ng pagkain sa baba." Kinuha na ni manang ang baso at bumab a na.

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa kama ni mark.

Baba na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napaharap ako sakanya.

"Wag.. wag ka munang umalis.. please?" Tumigil na siya sa pag iyak pero kita ko sa mata niya na ayaw niya talaga akong paalisin.

"Hindi pwede. Lulutuan pa kita ng pagkain. Atsaka.. Nakakahiya.. Maliligo ka pa." Sabi ko.

Lalo niyang hinigpitan ang hawak niya.

"Wag kang mag-alala. Di kita iiwan. Jan lang naman ako sa baba para lutuan ka." Para tuluyan siyang makuntento para pababain na ko. At para maniwala siyang di ko siya iiwan.

Hinalikan ko siya.

"Yan ang patunay na di kita iiwan. Kaya maligo ka na." Ngumiti naman siya sakin at binitiwan na ang kamay ko kaya lumabas na ako ng kwarto niya at nagtungo agad sa kusina pagka baba ko.

Nagluluto kame ni manang.

"Hija.. Ang bait bait mong asawa." Sabi ni manang.

Napangiti ako sa sinabi ni manang.

"Yun naman po kase ang nararapat." Sagot ko.

Nginitian ulit ako ni manang.

"Wag kang magsasawang maging mabait hija." Tinanguan ko na lang si manang habang nakangiti.

****

Galing kay otor: Hindi porket umiyak na ang lalaki ay bakla na ito. May mga bagay lang talagang iiyakan na lang natin dahil ayaw natin itong mawala sa atin. Hindi basehan ang pag iyak sa pagiging lalaki. Lahat tayo ay may kahinaan. Yan ang inyong tatandaan.

xx--xx--xx--xx--xx--xx--xx

A/n: HAHAHAHA. Sana nagustuhan niyo guys! :)) May quotes pa na galing sakin. XD Inisip ko yang mabuti. LOL. Kk sorry kung lagi kayong nabibitin.

VOTE!



COMMENT!



FOLLOW! :))

[GOT7] Married to GOT7's Mark {on hold}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon