Start

171 4 1
                                        

Growing up, natuto akong maging independent

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Growing up, natuto akong maging independent. Natuto akong lakasan yung loob ko tuwing nakikita kong umiiyak si Mommy tuwing darating ako galing school.

Isang beses, noong high school pa lang ako, pagkabukas ko ng pinto, nadatnan ko siyang nakatulala at nakaupo lang sa sofa habang nanonood ng movie.

Naaawa ako kay Mommy kasi wala siyang ibang ginawa kundi ang itaguyod kaming dalawa ng mga kapatid ko. Nagtatrabaho siya kahit na alam kong hirap na hirap na siya. Pinapakita niyang malakas siya ngunit hindi niya alam na nababasa ko sa mga mata niya ang matinding hinagpis.

"Mom, I'm home. Do you want me to cook something?" Sabi ko isang araw pagkagaling ko sa school. Tulala siya ngunit napalingon siya agad sa akin.

"Oh, hi anak! I cooked our dinner na. Call Troy so we can eat dinner." At ngumiti siya.

Mommy, I'm your daughter. Alam ko na hindi ka okay kaya please, please, tell me what I need to do para lang umayos ang nararamdaman mo.

Mom is like a child that got robbed of her precious blanket. She cannot function properly without the man I was supposed to call 'Daddy.' But I know behind that sad and weak facade is a broken and untamed soul weeping for love that she had for just a short amount of time.

"Troy! Troy! Bumaba ka dali tumawag ka sa ospital! Tawagin mo yung kapitbahay!"

Hindi mapakali ang aking kapatid dahil sa dami ng sinasabi ko. Kinuha niya ang cellphone niya at tumawag na. Lumabas din siya para humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Pagkauwi ko galing sa trabaho, pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Pagkatapos nuon ay umakyat na ako para magpunta sa kwarto. Nadaanan ko ang kwarto ni Mommy at naisipan kong sumilip. Pagkabukas ko ng pinto, hindi ko nakita si Mommy. Nagsimula na ang matinding kabog ng dibdib ko.

Sinilip ko ang kwarto ni Troy at nakita ko siyang natutulog na.

Bumaba ako at napag-isipang baka nasa banyo lang si Mommy kaya kinatok ko siya.

"Mom? Mom, I'm home."

Nakailang katok na ako pero walang nabukas man lang o nagsasalita kaya binuksan ko na ang pinto.

At duon, nakita ko si Mommy na nakahandusay sa sahig habang hawak ang cellphone sa kaliwang kamay at tissue sa kabila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaiyak na lang ako at tinawag na si Troy.

"Doc, kamusta na po ang mommy ko?"

"Iha, I hate to say this but, your mom is not in stable condition. Mayroon ba siyang matinding pinagdadaanan sa ngayon?"

"Uh-uhm.. Opo." Sabi ko habang nakatungo at pinaglalaruan na lang ang daliri.

"Iyon. Iyon ang malaking factor kung bakit ganito ang nanay mo. She needs a lot of rest. Base sa mga observations namin, matinding stress ang pinagdadaanan niya kaya ine-exhaust niya ang sarili niya. I'll refer you to a psychiatrist para mas maliwanagan kayo."

"Thanks, Doc." At umalis na siya.

Napaupo ako sa sofa katabi ng kama ni Mommy. Katabi ko si Troy at pareho kaming tulala at di makapaniwala sa nangyayari.

"Ate, you think may kinalaman si Daddy dito?" Tumingin ako sa kanya.

"Ano pa nga ba, Troy? Lagi naman diba?" Habang sinasabi ko 'to, naalala ko yung cellphone na hawak ni Mommy sa banyo.

Tumayo ako at hinanap sa bag ang cellphone.

Pagka-unlock ko ng cellphone, nakita ko na nasa Facebook ito at nasa profile ni Daddy.

Bumalik ako sa inuupuan ko at sabay namin tinignan ng kapatid ko ang nasa screen.

Steven Costello: Thank God for the opportunity to spend a relaxing vacation with my love. <3

And we all know that the 'love' he's talking about is not my mom.

"Eh kaya naman pala magkakaganyan si Mommy eh!"

Bumuga ako ng isang mabigat na hangin. "Bakit kailangan pa ilagay sa social media? Diba?"

"Insensitive talaga si Daddy, ate. Sa ngayon, hayaan na muna natin siya. Let's focus on mom."

Tumango ako at napaisip. Kailangan lagi siyang masaya. Kailangan mawala sa isip niya si Daddy. At kaya namin yun ng kapatid ko. We can always make our mom happy.

"Hi Mommy! How are you?" Pumasok ako sa kwarto niya dito sa ospital. "The doctor said you'll be discharged today."

"Really? That's great news! Do you wanna do something later?"

"Mom, you need to rest. Pag nakapagpahinga ka na, promise, mamamasyal tayo." Ani Troy.

Biglang naiiyak na si mommy.

"Mga anak, sorry sa hirap na naibigay ko ha. Nakaistorbo ako sa mga gagawin niyo eh."

"Mom, don't think about it. Nanay ka namin. You deserve the world okay?"

At niyakap namin si Mommy. Ahhhh, they are my life. I love them so much.

Palabas na kami ng ospital habang nagtatawanan at nakabangga ko ang isang tao na may hawak na malaking bulaklak.

"I'm sorry, Miss!"

"No, it's okay. Go ahead." Nginitian niya ako ng ilang segundo bago naglakad papasok.

"Anak, wala bang nanliligaw sayo? Ang ganda anda mo pero bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend?" Wow mommy, ha?

"Ayoko. That's it. Wala pa sa priorities ko yan. I'm still young, I'm 21 and I have all the time in the world." Sabi ko at pinaandar na ang kotse.

ValentiaStories to obsess over. Discover now