I'm Married ♡: Chapter 84.1

Start from the beginning
                                    

“Okay na ba tayo ngayon?” Tanong ko sa kanya ng humiwalay ako saglit sa pagkakayakap namin sa isa’t isa.

Imbis na sagutin nya ako. She just smiled and ---- kissed me.

Napa-ngiti nalang ako ng sobra. This is the first time na hinalikan nya ako. How can I insist? At alam ko din sa sarili ko na gusto ko to. At sobra ko din syang na-miss.

I can also feel that she’s smiling between our kisses.

Ng medyo maramdaman ko ang panghihina na ng tuhod nya, My one hand support her back body and deepened the kiss.

//

“Hmmm.”

“Austin naman. Gising na.”

“M-Maya na.” Binalikwas ko ang katawan ko sa isang side. Kanian pa kasi ako ginigising ni Alisa. Gutom na daw sya. Gusto nya kasi na ipagluto ko sya. Na-miss nya daw kasi ang mga luto ko tuwing umaga.

Ramdam ko ang pag-upo nya sa kama, “Hindi ka ba babangon?” Tanong nya sa akin.

“Babangon ako. Mamaya nga lang.” Medyo mahina kong sabi. Antok talaga ako. Lalo na’t wala pa din ako halos tulog ng mga nakaraang gabi. 2 hours nga lang ang tulog namin ni Alisa ngayon dahil ang dami naming napag-usapan kagabi after the kissing scene na naganap sa aming dalawa.

Nasabi ko din sa kanya ang annulment papers at ang pag-alis ko ng bansa. Umiyak pa nga sya kagabi eh. Tas nagalit sya ng malaman nya ang tungkol sa annulment papers. Ang sabi ko naman ay wala naman akong balak na pirmahan yon. Nabigla lang talaga ako. At ang pag-alis ng bansa? Kagustuhan ko yun dahil para nga makapagisip-isip ako. Pero dahil sa magandang nangyari, wala na din akong balak umalis.

“Hindi talaga?”

“Babangon nga ako…mamaya.” Nakapaikit ko pang sabi. Kailangan ko talaga ng tulog. Kailangan ko din ng lakas para mas mapagplanuhan pa ang plano na naisip ko kagabi para sa birthday namin ni Alisa.

“Ara--- Alisa!! Ahhh! Alis---- Hahahaha!” Nagulat nalang ako ng bigla nya akong kilitiin.

“Haha! Antok ka pa ba?! Haha!” Bilang ganti, kiniliti ko din sya.

“Ah!!! Austin! Hahahaha!!”

At sa di-inaasahan ---

Di ko namalayang nakapaibabaw na pala ako sa kanya, “Kung hindi ka pa kikilitiin hindi ka pa babangon.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin at agad akong hinalikan na ikinabigla ko. Pero saglit lang.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now