Perfect Chemistry (One shot-Story TTLS)

444 9 2
                                    

"Mahal na ..... Mahal ....Kita"

-

"Ahhhhhhhhh!" 

"Ces, Ces, Gising bakit?! Bakit ka sumisigaw?" Naramdaman ko ang pag alog-alog ni Keng sa akin

Minulat ko ang mga mata ko . Tumutulo na ang mga maiinit na likido galing sa mata ko. Ang mga luha ko. 

Agad agad kong niyakap si Keng. 

"Keng, Napanaginipan ko uli, Keng, Takot na takot na ako Hindi... Hindi ko na kaya" Sabi ko naman sa Kanya. 

"Ces, Kayanin mo, Marami kanang Napagdaanan , Ngayon ka paba susuko?" 

Hindi ko na kaya. Hinding hindi na. Sa bawat Gabi at Araw na Dumadaan Lagi ko nalang naaalala ang Senaryo Namin sa May Rooftop sa Bahay ng MyuSik Ilang Oras naba? Ilang araw? Buwan at Taon ang nakalipas? Pero Hinding Hindi parin Umaalis sa isip ko ang Lahat.

Ang sakripisyo nya. Ang Pagmamahal ang Pag Iwan. Ang lahat lahat.

"Prinsesa ,Mabuhay ka. Alagaan mo ang sarili mo Ingatan mo ang Buhay na ibibigay nila sayo"

"Hinding-Hindi ako aalis sa Tabi mo Lyric, Mahal na mahal kita. Sobra."

"Sorry, Sorry Prinsesa Pero kailangan kong gawin to Para sayo"

Maliwanag. Isang liwanang na kumuha sa Mahal ko. Sa pinaka mamahal ko. Bakit? Bakit hindi nalang ako ang kinuha nila? Kaluluwa ko ang Ibinigay ko. Pero bakit? Bakit si Lyric?

Bakit ang taong Mahal na mahal ko pa? Masakit. Sobrang sakit. Dahil sa Katangahan ko dahil sa akin Kasalanan ko ang lahat. 

- Nagisng ako at ang unang una kong Nakita ay ang napapamilyar na Puting Kisame. 

Ospital Nasa ospital ako. 

Umupo ako at Inalalayan naman ako ni Marky, Nandito sa Kwarto si Melo, Pitch, Keng At Manager Lily. 

Sobrang tahimik ng Lahat. Walang naglalakas loob na Magsalita. Tanging paghinga lang ng bawat isa ang Naririnig sa buong kwarto.

Kahit ang masiyahing si Melo ay Hindi rin Nagsasalita. Hindi ngumingiti at Ang makikita mo lang dito ay Mapupulang mata na halatang Galing sa pag-iyak

Si Pitch. Na kahit tahimik ay Bakas sa mga mata nya ang Emosyon, Emosyong hinidi mo nanaising Makita pa.

Si Manager Liliy, Si Manager Liliy na ate, Mommy at Ang kapatid ng Lahat. Bumigay na din. Umiiyak sya Tuloy-tuloy lang ang pagpunas nya sa mga luhang Galing sa mapupula nyang mata. 

Tahimik lang si Keng, Pero nag aalala ang Istrura nito. Silang dalawa ni Marky. Ganun lang ang emosyon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at Umiyak na . Hindi lang Iyak, Isang hagulgol. Lyric, Si Lyric, Buhay pa si Lyric, Magsasama kami, Magiging masaya kami. Magiging masaya din kami. 

"Tama na"  Sabi ni Marky, 

-

Kitang kita ko ang Bato sa harap ko. Lyric, Si Lyric ang nasa ilalaim ng Batong ito. Hinding Hindi ko binabasa ang mga nakasulat sa Batong iyon. Hinding Hindi

Hindi pwede. Hindi ko kaya. Hindi mangyayari iyon.

"Lyric, Kamusta kana? Masaya kaba jan?" Pagtatanong ko sa kanya.

Umihip naman ang Isang malakas na Hangin, Malakas pero Mainit sa Pakiramdam

"Ako? Hindi Okay, Eto Hindi Parin Maka Move-on sayo, Sa pagmamahal ko Sayo" Pagpapatuloy ko pa.

Perfect Chemistry (One shot-Story TTLS)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora