End of sequence Two, Intro for sequence three

1.8K 22 8
                                        

Okay tapos na ang madramang sequence to.. Back to comedy.. :)

[Sam's POV]

Bumisita ako sa bahay ni Shane.. Naalala ko may spare key siya na binigay sa akin dati, kaya dire diretso ako sa pagpasok. Sa lahat ng sulok ng bahay niya may memories ata kami..

I can still see him laughing while we were watching "Easy A." Tapos nagbabatuhan pa kami ng popcorn sa sofa.. Then the time I was crying dahil nakipagbreak sa akin si Aian.. Tapos.. Napaupo nalang ako sa sofa then I break into tears.. tumahan na ako..

Papunta ako sa kwarto.. Ang tahimik dito.. Sobrang tahimik..

Pagpasok ko sa kwarto ni Shane eh may isang envelope doon na nakapatong sa kama niya. Isang sulat.. Bukas pa yung sulat.. So binuksan ko yun at binasa ko.. Handwriting ni Shane..

Hello ZC,

Si kuya Shane mo to.. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sayo ng harapan kaya idadaan ko nalang sa sulat.. Wag ka sanang magalit sa akin sa sasabihin ko.. ZC remember yung kwento sa'yo ni madame Rose na iniwan ka ng isang lalake diyan sa ampunan.. Hmm.. Sad to say pero ako yung guy na yun.. ZC.. ako ang daddy mo.. your mom died giving birth of you.. Tapos galit na galit ang lolo at lola mo sa atin, sinisisi nila tayo sa pagkamatay ni Serena... I was so young back then.. Fifteen.. your mom was also fifteen.. ZC I hope you can forgive me for letting you go.. And if you want I can still be your dad.. If you want.. If you can accept me.. Sorry for not being there for you..

Your dad,

Shane

Tapos may nakasulat na note sa envelope.. "Ibigay niyo to kay ZC sa right age niya.. o kaya sa right time.." may nakapaloob pang picture ng babae.. Ang ganda, siguro ito ang mom ni ZC kamukha niya.. Hawig siya ni Coleen Garcia..

Di ako makapaniwalang anak ni Shane si ZC.. Kaya pala lagi siyang nasa orphanage para dalawin si ZC..

Anong gagawin ko ngayon dito sa sulat? Itatago ko ba oh ibibigay ko sa namamahala doon sa ampunan? Ibigay daw sa right age eh..  Ako nalang ang magbibigay..

Humiga ako sa kama ni Shane..Isinandal ko ang ulo ko sa unan.. Naaalala ko nung natulog ako dito sa kwarto ni Shane.. Yakap yakap niya pa ako nun.. Ayun din yung time na nakipagbreak si Aian sa akin.. Kino-comfort ako ni Shane.. he was singing me to sleep..

Nagdecide na akong umalis ng bahay ni Shane.. Dala dala ko yung sulat.

Wala na yung kalaban ko sa guitar hero.. TT^TT

Paglabas ko ng gate eh saktong sakto may lumabas na isang guy sa katapat na bahay ng bahay ni Shane.. 

"Rui?"

"Sam.."

Teka sino to?! BAkit kamukha siya ni Rui?!

Baka naman si Rui to na zombie..

[Aian's POV]

"Oh pare napadalaw ka?" nagpunta ako sa bahay ni Tyler since it's my day off..

"Pre may problema ako eh.." sabi ko sa kanya..

"Aian, anong problema mo?"

"Feeling ko mas mahal pa ni Sam si Shane kesa sa akin.." napabuntong hininga nalang ako..

"Ohh.. Ganyan din ang nangyari sa akin ehh.. let it pass.. Makakaget over din si Sam..

Hm ang tanong maka getover kaya siya.. Sigh..

===========================================================================

[Rio's POV]

May mga bagay na hindi ko maintindihan..

Bakit ba iniisip nila na ako si Rui..

hmm.. Nagresearch ako about sa kapatid ko..

Isa siyang salbahe na dimonyo.. Basta salbahe siya..

At napagalaman ko na in love siya kay Sam..

To the point ata na nagpakamatay siya dahil kay Sam..

So if they think na ako si Rui..

Papanindigan ko na..

"Hi Sam.."

"Rui?"

I smile..

By the way ginaya ko porma ni Rui.. Ayos ng buhok ni Rui.. At posture ni Rui.. Lahat.. At kinukwento sa akin nung barkada niyang si Pierce lahat ng mga ginagawa ni Rui.. Ang way ng pagsasalita ni Rui.. Pati mga ayaw at gusto niya.. Pati pagkilos.. hahaha

"Imposible.. Patay ka na eh!" kinusot kusot niya pa mga mata niya.. Sabay tumitig siya sa akin..

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.."

"Rui ikaw ba talaga yan?"

Ngiti lang uli ang sinagot ko sa kanya..

Sabay niyakap niya ako..

Sinc pinaglalaruan ng mundo ang buhay ko.. Paglalaruan ko nalang din ang mga tao sa paligid ko..

[End of sequence Two]

Lol feeling ko amboring nito wahaha babawi nalang ako sa update ko..

Caught On Cam (BTS Book 2)Where stories live. Discover now