July 22, 2017. 6:39pm
Haaay nako naman ilang araw na simula noong nakipag break siya sa akin. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon eh hanggang ngayon nga ata eh. Di ko inakalang iiwanan niya ko nang ganito ganito na lang. Para akong tinapon kung saan dahil lang sa napagod na raw siya. Ang sakit lalo pa't hindi ka man lang nakarinig ng maayos na paliwanag kasi nga raw hindi niya kaya hanggang sa maririnig mo na lang sa mga kaibigan niya na kailangan niya mamili between me and her family. Tanggap ko naman yung mga ganoong reasons eh syempre pamilya niya yun at sino ba naman ako para pahirapan siya hindi ba.
Ako nga pala si Sky Villafuerte. Ito ang diary ko kung saan ikukwento ko sa inyo ang journey ng aking wasak na puso hanggang sa mabuo ulit hahaha. Busong anak ako at may apat na mas nakakatandang kapatid. I'm 20 years old. Oo tomboy ako at hindi ito alam ng family ko. Kailan ko lang to na realize noong nakilala ko sya almost 4 years ago. 4th year highschool kami noon at new girl siya sa klase.
Aminado ako nacutan ako sa kanya unang kita ko pa lang sa kanya. Yung mga mata niyang parang anime na laging naka puppy eyes grabe ang charming talaga hahaha hulog agad ako. Pero oy wag kayong ano may boyfriend siya noon at wala akong puwang para makigulo hanggang sa nagbreak sila ng boyfriend niya haha kasi naman nag aya ba namang magtanan edi patay siya sa parents niya noon.
Dumaan ang mga araw at naging close kami at naging matalik na kaibigan. Madali kaming naging malapit sa isat isa lalo pat parehas pala kami ng hilig which is volleyball. Player ako sa school noon at nagtatry out naman siya di nagtagal ay nakuha naman sya may tinatago din kasing galing kahit maliit hahaha
Naging sobrang close namin sa lahat ng bagay hanggang sa napansin ko bigla na lang siyang umiiwas sa akin ewan ko ba par siyang may topak noon. Iiyak na lang siya bigla sa isang sulok at ayaw kang kausapin, mas pipiliin pa niyang kausapin yung iba naming mga kaklase. Eto naman si ako binalewala lang malay ko ba anong problema noon ayaw naman ako kausapin kaya hinayaan ko na lang sya.
Hanggang isang araw kinausap niya ako habang umiiyak at may yakap pang kasama. Ako naman laking tulala ko ano bang nangyayari? tanong ko sa sarili hanggang sa sinabi niyang mahal niya na ata ako at natatakot raw siya kasi bago ito sa kanya at alam niyang pagagalatinan siya ng kanyng mga magulang, kasi naman sensitibo ang kanilang family pagdating sa mga ganitong bagay.
Di ko maintindian ang naramdaman ko noon siyempre ayoko na sana siyang pahirapan din dahil kaibigan ko siya at wala pa rin sa isip ko ang magkalovelife panggulo lang yun haha. Habang naririnig ko siyang umiiyak at parang ayaw nang bumitaw sa akin, may kung anong kuryente akong naramdaman. Hindi ko maipliwanag pero bigla ko na lang tinapik ang ulo niya at saka naman pagtingala niya sa akin na lumuluha pa yung mga mata. Pinatahan ko siya at sinabihang nandito lang ako magkaibigan kami kaya ok na lang magkaganyan siya malay niya crush lang pala yun at dapat di na siya matakot at baka mawala rin yun. Saka naman siya tumahan at ngumiti.
Naging kami nga nang hindi ko inaasahan. First love ko siya at siya naman ngayon lang daw siya nakaramdam ng ganito sa babae kasi mga lalaki naman yung mga ex niya eh. Ayaw na namin mahiwalay pa sa isat isa. Marami din kaming napagdaanan tulad ng mga pagkalagas ng mga maling tao sa buhay namin at ang natira na lang ay yung mga laging sumusuporta sa amin.
Nasasaktan pa rin ako habang sinusulat ko to kasi alam mo yun yung feeling na gusto mo na siyang kalimutan na ayaw mo hahaha ang gulo diba. Gusto mo siyang intindihin pero ang sakit sakit para intindihin. Nagising na lang ako isang araw eto na sinusulat ko na to umaasang mababawasan nito ang sakit na nararamdaman ko. Sa mga pusong sawi tulad ko wag tayong mawalan ng pag asa oo masakit pero may mga kaibigan tayong dadamay sa atin kahit gusto na natin tapusin ang mga buhay natin.
Hindi ko maintidihan bakit ako nagkakaganito eh dati naman ako yung taga pyo sa mga kaibigan ko pagdating sa pag ibig. Eto ako ngayon lumuluha dahil walang makuhang sagot sa mga tanong ko. Para akong batang tanong nang tanong hanggang napapaos na pero walang pumapansin kaya iyak na lang ang tanging boses ko. Ano na kaya ang susunod na mangyayari sa amin. Hanggang kailan pa kaya ang aabutin ng mga pag iyak ko.
A.N
Hi everyone! Storya nga pala to ng buhay pag ibig ko. Kung paano ako nasaktan, nasasaktan at muling babangon kaya sana sabayan niyo ang bawat drama ko ha malay niyo may matutunan kayo hahaha Goodnight:)
Feel free to comment down
CITEȘTI
The Broken Diary
AlteleNaranasan mo na bang magmahal, maiwan at masaktan? Tunghayan ang storya ni Sky at ang babaeng pinakamamahal niya. Subaybayan kung paano haharapin ni Sky ang bukas na may sugatang puso.
