Ikaw na ang Magaling, Sa'kin na ang Suwerte.

71 0 0
  • Dedicated to Empoy Carballo
                                    

(mula sa isumbongmo.blogspot.com. kuwento ng pag-asa, pagkakaibigan at maatikabong pakikipagsapalaran)

Isang tahimik na bayan ang Los Avernus. hanggang sa isang pangkat ng pirata ang dumaluhong at sumakop sa lugar.

napapasailalim sila ng malupit na pamumuno ng sakim na si jimboy ---pinuno ng mga pirata.

Si Pedro ay isang Avernusenyo. namulat ang kanyang mata sa kaapihan ng bayan. 

bagamat musmos sinikap niyang makatulong sa mga kababayan sa maraming paraan.

sa pagtulong, sa pagdamay, sa pagbigay atbp. maliban sa rebelyon.

 Isang maulan na tanghali, nakita ni Pedro si Pepe. ito ay malungkot at basang-basa.

"Pipz, pinapatay mo ba ang sarili mo? halika at sumilong ka sa payong ko" ang paanyaya ni Pedro.

"Pedro, hindi ba masama akong kaibigan? mabuti nga't mamatay na dahil masama ako!" ang iyak ni Pepe.

lumapit si Pedro kay Pepe at inayang sumukob sa payong.

"Naku Pedro, huwag kang maniwala riyan, pihado akong may kalokohan nanaman yan" ang susog ni Juan na kaibigan ni Pedro.

ngunit bagamat nagdadalawang isip. lumapit si Pedro at inakbayan si Pepe.

"Ano ba ang problema! Alam mo kababata at kaibigan parin kita kaya pwede mo akong sabihan ng problema" ang pagdamay ni Pedro.

Ikimuwento ni Pepe ang kanyang problema, itinakwil na siya nang kanyang mga magulang, busted siya kay Nene at di pa siya tuli. naawa si Pedro at maging si Juan na napa-akbay na rin sa supot.

maya-maya ay tumawa nang malakas si pepe.

"hahaha nasa...haha, nasa WOW MALI KAYO! hahaha.

hahaha

hahaha."

biglang lumabas si Berdugo ang tauhan ni Pinunong Jimboy. laking gulat ni Pedro at Juan. binitbit sila na parang pusa.

"ano ito, Pepe anong ibig sabihin nito." usisa ni Pedro.

"Pepe, taksili tarydori" Pakli ni juan

"tahimik!  pupunta tayo ngayon kay Panginoong Hon. Jimboy." wika nang traydor.

isinuplong ni Pepe ang dalawa.

"kamahalan, narito ang sinasabi ko sayong tao na makakatulong sa atin" bungad ni Pepe, tinuro niya si Pedro.

"p*ke ng kabayo! itong kachupoy na'to? ha(3x) anong meron sa patpating uhuging ben adams look-alike na yan? nyahahaha" kutya ni Jimboy.

"hehehe, nasubukan niyo na ang pinakamalakas, pinakamatalino, pinakamabilis lahat nang pinaka. pero di niyo pa nasusubukan ang tulad niya." ani ni Pepe.

tumingin-tingin si Jimboy sa itsura ni pedro.

"di niyo pa nasusubukan ang pinaka-masuwerte! wag mong mamaliitin ang taong swerte-mukha" mahinang dagdag ni Pepe.

"really? sabagay nakakatakot kaaway ang swerte mukha. ikaw na ang magaling, sakin na ang suwerte!" pagsang-ayon ng punong pirata."

malaki ang paniniwala ni Jimboy na nasa bayan ng Los Avernus ang hinahanap na hiyas. iyon din lang ang dahilan kung bakit niya ito sinakop.

kinahapuna'y sinumulan na ang malayong paglalakbay. si Pedro at Juan ang tagabitbit nang mga pagkain at kagamitan. mga  tabak naman ang hawak ni Jimboy at nang kanyang Berdugo. si Pepe ay may magaang bitbit lang.

Si Pedro kahit wala namang kaalam-alam, ay siyang inatasan manguna sa paghahanap. sinakyan niya na lang ito dahil wala silang magagawa kundi sumunod. minungkahi niyang magtanong sa pinakamatandang tao sa bayan. nagtungo sila sa kubo ng isang matandang dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw na ang Magaling, sa'kin na ang Suwerte.Where stories live. Discover now