Chapter 14 : Miss Pangga

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagkaslubong ata yung dalawang kilay ko sa mga pinag-sasasabi nya? Ano ba naman yun? Yun na ba yung sagot nya sa tanong ko? Wala akong naintindihan! Ang lalalim naman kasi ng pinag-sasasabi nya? Haist! Akala ko si Maylee lang yung weird si Ami din pala? Parang wala ding kwenta na kinausap ko sya.

Naglakad na ko papuntang first Hall para puntahan si Burn.haist! Bakit ba kasi nasa likod ang First hall? First sya kaya dapat nasa harap diba? Ang labo lang?! Nakakapagod tuloy maglakad! Sana nga lang nandun pa sya kung hindi? Aish! Edi uwi na! mga ilang minuto lang nakaraing na din ako sa First hall dumiretso na ko sa student council office .

*Bzzt! Bzzt! Bzzt!*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko,message galing kay Dean.nga pala si Kumag hinitay pa kaya ako nun?

_______________________________

From: Dean Kumag :P

Hoy unggoy! San ka?! Baka hinihintay po kita?!

________________________________

Tsk! Galit?

________________________________

To: Dean Kumag :P

Sorry! XD

Una kana may gagawin pa ko

________________________________

Ibinulsa ko na yung phone ko tapos sumilp na ko dun s Bintana ng office nila-----TADA! Wala nang tao! Malayo-layo din yung nilakad ko tapospagdating ko dito wala sya? Badtrip lang! bakit ko ba kasi ginagawa 'to? Mabait kasi ako haha! Joke! Sabihin nalang natin na nakokonsensya ako. Mali pala! Nakokonsensya talaga ko kasi alam ko naman na may mali na sinabi si Ami hindi pa ako nag-react. Yun lang yun! Yun nga lang ba? Aish! Makauwi na nga! Nagugutom na ko.

Naglakad na ko palabas ng Building.kumusta na kaya yung Torang yun? Okey na kaya sya? Tss! Ayan kasi? Ang bilis mag-init ng ulo! Pero kung sabagay kung hindi ako nakialam sa kanila ni Dean edi sana hindi sya lalong na high-blood? Ang stupid ko din minsan e! bago pa ko makalabas ng gate bigla nalangmay kamay na humawak sa balikat ko..

"wesley!" nilingon ko sya,si burn lang pala? Nandito papala sya? "bakit nandito ka pa? kanina pa ang uwian ah?"

"hinanap kasi kita kanina"

"ganun ba? May kaylangan ka?"

"um,ano..yung kay to------"

"don’t worry hindi ako galit sa kanya.." nakangiti nya pang sinabi yun.pero bakit yung mga tingin nya kanina kay Tora halatang na-disappoint sya sa ginawa nya? "yung kanina? Palabas ko lang yun" naramdaman ko nanaman na kumunot yung noo ko sa sinabi nya,palabas? Anong sinasabi nya? Pasasakitin nya din kaya nya yung ulo ko sa isasagot nya katulad ng kay Ami?

"palabas?"

"dun tayo café…" nauna na syang maglakad palabas ng gate,ngayon ko lang din napansin na ang sama na pala ng tingin ng guard samin haha! Kaya pala hindi nya pa maisara-sara yung gate! Lumabas na din ako tapos dumiretso kami dun sa café na katapat lang din ng school

"anong ibig mong sabhin na palabas?"

"ginawa ko lang yun para isipin ni Ami na kakampi nya ko.."

Oh please?! Maawa kayo sa Brain cells ko! Nagugulo ang utak ko sa mga pinagsasasabi nila Ami e!

"huh? I don’t really get it?"

"mas mabuti sigurong magkwento muna ako.." kwento? Story telling naman ngayon? Psh! Ano bang problema niya? Ang gusto ko lang naman malaman kung bakit nya sinabing palabas yun? Dami ding alam?! Hindi nalang ako nagsalita.. "we've been friends since we were a kid,kaya kabisadong kabisado ko na ang ugali nya,lahat ng tao sa school ang tinggin sa kanya mahinhin,mabait,magalang,sweet" yeah,kahit ako ganun ang tinggin ko sa kanya? Pero dati yun..kase ngayon parang nagdududa na ko… "but they're wrong.yung inaakala nilang mahinhin,mabait,magalang at sweet ang totoo mas worst pa ang ugali kesa kay Jun.." tahimik lang ako na nakikinig sa kanya,kung totoong ganun nga si Ami bakit nya yun ginawa? Bakit kelangan nyang magpanggap? "Lexa is kinda fame whore,gusto nyang palagi syang napapansin..gusto nya lahat ng tao gustuhin sya once kasi na malaman nyang ayaw sa kanya nung tao dun nya lang nilalabas yung tunay nyang ugali.."

"like Jun?" nag-nod sya…medyo naiintindhan ko na,kaya pala parang iba ang aura nya kapag si tora ang kaharap nya…

"gaya nga ng sinabi mo. Si Jun,sya lang ang nag-iisang tao sa school na ayaw kay Lexa,Si Jun ang tipo ng tao na malakas ang radar sa mga taong nag-papanggap lang..kaya siguro simula palang hate nya na si Lexa.kaya simula nun naging magka-away na talaga sila.kaya tuwing sila ang magkausap dun ko lang nakikita ang tunay Lexa.." naiintindihan ko na kung bakit ganun si Ami kay Jun at kung bakit nya sinisiraan si Tora kay Burn dahil pala yun sa galit nya,grabe naman sya? Dahil lang ayaw sa kanya ni Tora? Gagawin nya lahat para lang mabawian nya si Tora? Pathetic girl! "pinalabas ko kanina na kinakampihan ko sya para isipin nyang mas pabor ako sa kanya,in that way makikinig sa mga sasabihin ko.." tumingin sya sakin,yung parang nag-aalala sya? "kaya nga gusto kong si Jun ang lagi nyang kasama kase pag ganun..nailalabas nya yung tunay na sya…"

"huh? Ayaw nila sa isa't-isa kaya bakit gusto mong sila pa anglaging mag-kasama?" naguguluhan lang kasi ako? Hindi ba dapat pa nga paghiwalayin sila para hindi sila nagwa-war mode?

"nag-aalala lang kasi ako kay Lexa..nasasanay na sya sa ginagawa nya? Paano nalang kapag dumami na ang may ayaw sa kanya? Hindi sya sanay sa ganun para syang nababaliw kapag inaayawan sya ng mga tao…" prang alam ko na kung anong guso nyang mang-yare..pero parang hndi magandang idea yun?

"so ang gusto mo? Lagi silang pagsamahin para masanay si Ami?"

"ganun na nga."

"wait burn? Wag kang ma o-offend pero are you insane? Pag pinagsama mo sila lagi hindi malabong magkasakitan sila?"

"alam ko…but that is the best way para matigil ang pagpapanggap nya.." Hind na ko nag-salita..kung sabagay may point sya..mas madali nga namang masasanay si Ami kung si Jun ang kasa-kasama nya? Pumayag naman kay yung dalawa?

"pumayag naman kaya sila?"

"alam kong makikinig sakin si Lexa,syempre ibang rason ang sasabihin ko para hindi sya makahalata sa plano ko..ewan ko nga lang kay Jun?"  Psh! Sigurado nman akong papayag yun basta si Burn ang makiki-usap sa kanya! Kung alam lang talaga ni Burn na gusto sya ni Tora haist! "tulungan mo naman ako?" namilog bigla yung mata ko! Tulungan ko sya? Asa namang makikinig sakin yung Torang yun?

"alam mo kasi Burn,agree na ko sa plano mo pero hindi ako sgurado kung mapapayag ko sya?"

"I know you can do it..tsaka napapansin kong close na kayo ngayon?"

"tss! Hindi ah! Wala ngang ginawa yun kundi saktan ako physically.."

"haha! Nakaka-inggit nga kayong dalawa eh..ang saya nyong tignan kapag nag-aasaran kayo?" weh? Masaya? Ang ang sakit nga eh…

"sana ganun din kami."

"huh?"

Mahina yung pagkakasabi nya kaya hindi ko masyadong narinig?

"wala! Sige una na ko wesley..kausapin mo sya tungkol dun ah?"

"huh?! Ako lang? dapat pati ikaw?!"

"ikaw lang ang magpaliwanag sa kanya tapos ako na ang pamimilit okey ba yun?"

"diba pwedeng ikaw nalang?"

"kaya mo na yan haha! Sige uwi na muna ko magpapalit pa ko eh may lakad kami ni Jun"

Lakad?! Nga pala! Sinabi ko kay Tora na na cancelled na yun?! Ay shete! Yare!

"sige bye! Alis na din ako!" tumakbo na ko palabas ng café tapos sumakay na agad ng Fx..ang stupid ko naman kasi yun pa yung pinang-uto ko kay tora! Aish! Stupid!

Enchanted (♥ On Hold ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon