"Ewan ko doon" sagot ko naman.

Inilapit ni lucas sakin 'yung upuan nya saka nya hinawakan ang kamay ko na di na bago sakin.

"Babe isa pa,please?" Sabi nya na ikina-kunot na naman ng noo ko.

"Ano na naman?" Irita ko na namang tanong.

"Kiss mo ako ulit" sabi nya saka ngumuso ulit.

"Alam mo ang pabebe mo" sabi ko, at dahil malandi din ako, hinalikan ko ulit sya sa labi siguro lagpas na limang segundo.

"My ghad! Ang HaLu love team nag kiss ulit, grabe! Yaoi live is real!!" Dinig ko na namang sigaw ng isa sa mga fans namin.

Napatingin tuloy kami sa paligid, ang dami nang nangingisay sa sahig sa sobrang kilig, grabe ang OA nang mga 'to.

"Ehem!" Parehas kaming napatingin ni lucas sa papansing tumikhim sa harapan namin.

"Uy, kuya diego" nakangiti kong sabi dito na ikina-wala ng ngiti ni lucas.

"Pwedeng maki-share ng table?" Tanong ni kuya diego habang bitbit nya ang isang tray na may laman ng mga pagkain nya.

"Sure!" Naka-ngiti ko sagot na ikina-irap at ikina-"tss" lang ni lucas.

Ewan ko ha, simula ng nakita ko si kuya diego, ang gaan na ng loob ko sa kanya, di'ko rin alam e, hindi kaya sya ang long lost brother ko? Pero malabo dahil only child ako.

Pero bakit kaya ang gaan-gaan ng loob  ko sa kanya?

"May gagawin ka ba this coming saturday, harold?" Tanong ni kuya diego.

"Ah wa----"

"Meron, mag da-date kami" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang si lucas ang sumagot.

Pero date daw? Naks! Halatang nag seselos lang naman ang lucas na'to e,

"E, sa linggo, harold?" Tanong muli ni kuya diego, ibubuka ko palang sana ang bibig ko para sumagot pero naunahan na ako ni lucas.

"Dadalawin namin sina mama at papa sa linggo" sagot ni lucas.

Ha? Mama at papa? Bakit kung bigkasin ni lucas ang salitang mama at papa ay parang mga magulang din ito ni kuya diego? Ang gulo naman.

Pero ano daw?

"Talaga? Pupunta tayo kina dad at mom?" Masaya kong pagkumpirma kay lucas,

Tumingin naman sya sakin at nginitian ako.

"Yes, Babe" sagot ni lucas.

"Dad at Mom? Yun ang tawag mo kina mama at papa I mean sa parents ni lucas?" Takang tanong ni kuya diego.

"Oo, may problema ba? Boto samin ang mga MAGULANG KO, kaya sa tingin ko hindi kami magkaka-problema" tila may ibig sabihing sagot ni lucas at in-emphasize pa ang salitang 'magulang ko' as if naman aagawin ni kuya diego ang mga magulang nya.

"Really? Kaso sa tingin ko, at sa estado ng pamilya NYO, may responsibilidad kang dapat gampanan, at hindi mo pwedeng takasan 'yun" napa-tiim bagang si lucas sa sinabi ni kuya diego na hindi ko naman talaga nagets,

Ano bang pinag-lalaban ng dalawang 'to?

"Sabi nga ni gong yoo sa palabas n'yang goblin, kung may pinto ng nakalaan sa'yo, wala ka ng magagawa pa kundi pasukin ito, dahil iyon na ang iyong kapalaran, at kontrolado na ito ng may likha, pero na-realize din ng goblin, kung ayaw mo ang kapalarang naka-laan sa'yo, humanap ka ng panibagong pinto na papasukin mo kung iyon ang tadhanang nais mong tahakin"

Uy, Di Ako Bakla!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang