I'm Married ♡: Chapter 82.1

Start from the beginning
                                    

Rylie sent a video.

Inopen ko yung video na sinend sa akin ni Rylie. At nakita ko si Kate at Charles na magkasama.

Hindi ko man mapatunay na sya nga si Charles pero malakas ang pakiramdam ko na sya nga si Charles. Ang lalaking Cedrick ang pangngalan ngayon. Pero kung sya nga… Ano ang nangyari sa kanila ni Caitlin? Bakit sila magkasama?

“See you tomorrow! Good night.” Kaway pa sa akin ni Hannah bago sya sumakay ng sasakyan nya.

Nginitian ko lang sya. Inayos ko muna yung mga gamit ko at nilagay sa likod ng sasakyan ko.

Ng biglang…

*BLAG*

Hinawakan ko ang ulo ko. Agad akong napatayo at akmang susuntukin na ang lalaking nasa harapan ko pero naunahan nya ako ng suntok. Sumakit ang ulo ko sa pagkakatumba ko. Natulo na rin kasi mula sa noo ko ang dugo na natamo ko sa pagkakahampas ng baseball bat sa ulo ko.

“S-Sino k-kayo?!” Pilit akong natayo. Pero natumba kaagad ako.

Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko. Hidni pwede. Kailangan kong makatakas ----

*BLAG*

Mas lalo akong napahiga sa may semento ng hampasin akong muli ng isa pang baseball bat ng isang lalaki.

Wala kang maririnig na salita sa kanila. Tanging pangbubugbog ang natatamo ko.

Sipa sa hita.

Sipa sa tiyan.

Sipa sa katawan.

“A-Alisa…”

Kailangan kong bumangon.

Hindi pa kami nakakapag-usap ni Alisa ng maayos.

Hindi pa kami naikakasal sa simbahan ni Alisa.

Kailangan kong lumaban.

*BOGSH*

Napadura nalang ako ng dugo. H-Hindi ko na k-kaya.

*BOGSH*

*BOGSH*

“A-A-Alisa…” Kasaby ng pagbigkas ko ng pangngalan nya ang pagkawalan ko ng malay.

Third person’s POV

“SIR AUSTIN!!!” Kaagad na nagtakbuhan ang mga body guards ni Austin sa kanya. Imbis na tumigil ang tatlong nagulpi sa amo nila ay patuloy pa din ito. Minsan na nga lang nila mabantayan ang amo nila eto pa ang maabutan nila. Simula kasi ng ikasal ito ay wala na halos body guards ito. Kailangan rin naman nito ng privacy.

Halos patayin ng mga body guards ang tatlong lalaki pero bukod sa mga malalakas ito ay talagang nagawa pa ring makatakas. Pinahabol nito sa ilan pang body guards ni Austin at ang iba naman ay dinala ang amo nila sa ospital.

“What happened to my son?!! Di ba ang sabi ko bantayan nyo?!!!” Galit na sigaw ni Tita Allie sa mga body guards nito. Mga body guards na halos nabura na ang mga mukha dahil sa mga pasa at suntok. Noong sinundan kasi nila ay mas nadagdagan ang tatlong lalaki at hindi nila nakaya.

“ANG TATANGA NYO!!! YOU’RE ALL FIRED!!!!!!!!” Mas lalong napataas ang boses nito. Sino bang hindi ang magkakaganto kung makita ang anak mo na nakahiga sa stretcher na halos nag-aagaw buhay na sa sobrang pagkakabugbog na natamo?

“Eto po ang cellphone ng pasyente na nasa may damit nya.” Sabay abot ng cellphone ng Nurse kay tita Angel.

“Angel, relax. Magiging okay din ang lahat.” Sabay himas sa likod ni Tita Allie kay Tita Angel. Alam kasi nito ang nararamdaman nito. Naranasan na din kasi nito ang makita ang anak nya nag-aagaw buhay. Kaya hindi na rin nya mapigilan ang hindi mapa-iyak. Lalo na’t maaalala ang mga salitang binitawan ng anak. Kung kailan na balak sabihin ng dalawang pamilya kay Austin ang pagbalik ng alaala ni Alisa ay saka pa nangyari ang lahat ng to. Hanggang ngayon kasi hindi pa alam ni Austin ang totoo.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now