I'm Married ♡: Chapter 80.2

Începe de la început
                                    

Napa-ngiti naman sya ng iabot ko sa kanya yung payong. Naalala nya rin siguro.

Rinig na rinig ang lakas ng patak ng ulan. Nilalamig na rin ako. Medyo manipis lang kasing damit ang nadala ko. Dapat pala hindi na ako nagpalit. Dapat naging komportable nalang ako sa uniform na suot ko kanina. Hayy.

Napayakap ako sa sarili ko, “Wuuu. Ang lamig! Grr!” Nanginginig na talaga ako.

Nagulat nalang ako ng ipatong ni Ivan ang jacket nya sa akin, “Isuot mo yan. Dun tayo sa may Armada Hotel magiistay.” Nanlaki naman ang dalawa kong mata. H-Hotel?

“TEKA!! Baka naman maayos pa tong sasakyan mo?! Tawag ka kaya ng -----“

“Alisa, maalam ako sa ganto. Kung merong mang mekaniko sana kanina pa ko tumawag.” Sagot naman nya sa akin.

Napakamot naman ako ng ulo ko, “Paheram cellphone mo. Na-lowbat ang cellphone ko eh.” Sabi ko sa kanya. Tatawagan ko kasi si Austin. Magpapaalam sana ako.

Inabot naman nya ang cellphone nya. Tinary kong hanapin sa contacts nya ang # ni Austin pero wala, “Ivan, ba’t ako lang at ang barkada ang nasa contacts mo? Tas bakit yung sa akin may heart pa?” Tanong ko sa kanya. Sa loob-looban ko, gusto kong tumawa. Haha! Ewan ko ba pero natatawa talaga ako!

Napakagat kabi naman sya, “Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nagcecellphone eh.” Medyo nahihiya pa nyang sabi.

TT^^TT

*Ting*

“May nag-text.” Sabi ko naman sabay abot ng cellphone nya sa kanya.

Pero imbis na kuhanin nya ito, “Sino?” Tanong nya sa akin.

Tiningnan ko naman kung sino ang nag-text sa kanya, “Unknown number eh. Ang sabi ay kailangan nyo daw mag-usap.”

“Si Hannah. Hayy.”

“Ha? Sino??” Tanong ko sa kanya. Bumulong kasi sya.

“Wala. Um, sino bang itetext mo?”

“Si Austin sana.”

“A-Ah.” Lumihis naman sya ng tingin.

“Text ko nalang siguro si Kyla na itext si Austin na hindi ako makakauwi.”

“Kyla, pasabi kay Austin hindi ako makakauwi --------“

“LOWBAT!!!!! Waaaaaaa!!!!” Napasigaw ako. Kyaa!! Hindi pa ko tapos mag-text! Hindi pa din ako nakakapag-send.

Tumawa naman sya, “Haha! Wag ka na kasing magpaalam.” Sabi naman nito, “Hindi ka naman siguro bubugbugin ni Austin kung hindi ka makakauwi ng bahay di ba?” Dagdag pa nito.

“Oo naman. Ang bait-bait kaya ng asawa ko.” Medyo mataray kong sagot sa kanya.

Napatakip naman ako ng bibig ko ng mag-sink in sa utak ko ang mga salitang binitawan ko kanina. ><

“A-Ah… Umm, punta na tayo dun sa sinasabi mong hotel. Saan ba yun?” Pagbubukas ko ng usapan. Nanahimik kasi sya kanina. Hindi pa naman ako sanay makitang malungkot ang Ivanbabes ko. *u*

“H-Halika na.” Sabi naman nya at naunang bumaba. Akala ko iiwan nya ako pero pumunta sya isang side ng pintuan at pinagbuksan ako ng pintuan.

Inakbayan naman nya ako at inilapit pa ng lalo sa kanya para magkasya kami sa payong ko. Pang-isang tao lang kasi ito.

“Saan ba yung hotel?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Ang lamig naman! Ugh! 

“Alam ko malapit yun dito.” Sabi naman nya na mas lalong idinikit ako sa kanya. Ang lamig lamig pero bakit ramdam ko ang init ng katawan nya kahit naka-plain white shirt lang sya? :’333

I'm Married ∞ | ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum