Chapter 5

2.2K 107 3
                                    

Pagpasok ko ay sinarado niya ang pinto, napasandal ako gawa ng sobrang lapit niya at konti nalang ay magkakayakap na ata kami. Narinig ko ang paglock niya ng doorknob kasabay ang mainit niyang halik sa labi ko.

Nanlaki ang mata ko sa ginagawa niya habang siya ay nakapikit at nilagay sa bewang ko ang kamay niya at yakap yakap ako. Mahigpit.

Mapusok ang halik. Sabik. Nanggigigil. Masarap... Magaling siya sa paghalik. Ramdam ko kahit hindi ako lumalaban sa bawat pagsiil niya sa aking labi.

Humiwalay siya ng bahagya at tumingin sakin sa aking mga mata. "Hindi mo ba ko gusto? Kahit konti? Kahit katiting lang, rence?" Nangungusap ang kanyang mga mata. Kinokonsensya ako. Sincere.

"Pero rockie.."

Wala akong narinig na salita, kundi ay muling paghagkan niya sa aking labi.

"Mahal kita rence."

"Mahal din kita rockie." Yung ang totoo. Yun yung nararamdaman ko.

Pinagsaluhan namin ang umaapoy naming katawan dahil sa init ng aming nararamdaman para sa isa't isa.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng second floor kung nasaan ang kwarto mula sa pinto ng bahay.

Nagising ako at tumingin sa aking wrist watch. 6AM. Tulog na tulog parin si rockie. Napangiti ako. Masaya ako. Hinalikan ko siya sa noo, sa ilong at sa labi. Hinahawi ang buhok na tumatakip sa kanyang noo. Napaka pogi talaga ng nilalang na ito. Ang makinis niya mukha. Ang mahahabang pilikmata. Ang namumulang labi. Napangiti nalang ulit ako.

Bumangon na ko at bumaba papuntang kitchen at naghanap ng pwedeng iluto at ipaghahanda ko sana siya ng breakfast nang may biglang yumakap mula sa aking likod.

Hinalik halikan niya ko sa batok. Nakikiliti ako. Napapangiti ako.

"Rockie, ano ba?" Natatawang sabi ko.

"I love you."

"I love you too." Pagkasabi ko nun ay hinarap niya ko sa kanya at hinalikan niya ko sa noo, sa ilong at sa labi.

"Nga pala, sino si ardee?" Bigla akong natigilan sa tanong niyang iyon.

Itutuloy ...

🍏

A/N: Hi. Libre magcomment huh? Vote and share. Your comments will be a big help to improve my writing skills. Thanks! 💕

Diary of a Closet BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon