Tumingin ako sa paligid, lahat ay abala sa activity, nagchecheer na sa kani kanilang mga team. Nahagip din ng mata ko ang score board, lamang ang Head Office Team ng limang puntos. Pero naagaw ang attention ko ng mapalingon sa palapit sa amin, it's Heaven wearing her pink beach dress malaki ang ngiti nito habang naglalakad at nakahawak pa sa kaniyang buri hat. Madami din ang napalingon sa gawi nito.

"Hi Kisses! Oh my God, nakahabol din ako" tili nito habang lumalapit sa area namin, mabilis siyang humalik sa pisngi ko at nakangising pabalik balik ang tingin sa amin ni Marco.

"I didn't know you invited here?" gulat na tanong ni Marco dito.

"Ouch! Mukhang naisturbo ko ata kayo, nagkakamabutihan na ba kayo Kisses? Hmm you never tell me" malisyosa nitong salita sa akin pero nasa tono ang pagbibiro.

"Heaven, that's not what you think! Well thanks though nakahabol ka" nakangiti ko na ding turan dito at naupo na din siya sa tabi ko. Nagaalala man na may makarinig sa amin ay pinagwalang bahala ko nalamang.

Napapagitnaan ako ngayon ng dalawa, tumawa pa si Marco dahil sa pinagsasabi ni Heaven. Hinagilap ng mata ko si Edward, nag-alala ako bigla dahil kanina pa siya hindi bumalik sa table namin. I don't know who's his talking to, kanina lang may kausap siya sa kaniyang phone pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.

Maya maya ang sigawan na ang narinig ko at sa may bandang pool area.

"Ang hot ni Sir! Naku panalo na kami niyan! Go Sir Edward! Win for the gold!" nangingibabaw ang sigaw ng marketing staff at dahil dito ay kaniya kaniyang sigaw na ang mga staff namin.

Mabilis kaming tumayo ni Heaven nagulat pa ako sa kaniya kasi halos magkasabay kami sa pagtayo, pero nginitian ako nito at nauna nang lumapit sa may pool area.

Sinabayan ako ni Marco sa paglakad patungo sa pool and I saw Edward, wala ng t-shirt na suot at nakatayo ito sa gitna ng pool na hanggang baywang ang tubig. Sumali siya sa laro, marami ang gustong makiusyuso at tuwang tuwa sila habang maingay na nagchecheer. Kitang kita ang broad shoulder ni Edward and his six pack abs. Damn mas napagmasdan ko siya ngayon sa malayo, well kanina sa kwarto namin ay hindi ko namemorya ang katawan niya pero ngayon parang nasulit siya ng mga mata ko. All eyes were set on him, hindi na talaga ako magtataka na marami ang magkakandarapa sa kaniya, his looks, his body and his like a Greek God na bumaba sa lupa.

"Mukhang kayo ata ang makakalaban namin" singit ni Marco.

Dahil dito nawala ang mga iniisip ko namula pa ako bigla. Naagaw ng attention ko ni Heaven dahil rinig ko na sobra pagpalaklak at sinisigaw pa ang pangalan ni Edward. Napailing na lamang ako dito.

Edward attention caught us sa ingay ba naman ng kasama ko, but his eyes directed at me na animo'y ako lang ang napansin niya sa lahat. Napalunok ako at mataman din siyang tiningnan hindi ko magawang bawiin ang aking tingin na parang bang na hipnotismo na ako dito. Before he start to move isang kindat ang ginawa niya sa akin, at dahil doon ay nagtiliin ang lahat.

In the end panalo nga ang team namin, and thanks to Edward. The facilitator announced for a 30 minutes break at ipapapatuloy ang laro, Marketing versus Engineering Team naman ang maglalaban.

"Wow Edward you're so great!" bati ni Heaven dito. Pagkaahon ay dumiretso na ito sa table namin.

"Goodluck for both of us mamaya sa laro" singit din ni Marco.

"Yeah goodluck" tumatango pang sagot ni Edward.

Mabilis na pinulupot ko ang towel ko sa katawan ni Edward nagtaka siyang napatingin sa akin, damn ayokong dinidisplay niya ito! Tinaasan ko siya ng kilay ng akma niyang aalisin ito.

Ngumisi bigla si Edward habang nakatingin sa akin, napakagat labi na lamang ako. Iniayos niya na lamang ng mabuti ang pagkakatakip ng towel sa katawan niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa niya. Mabuti na lamang at hindi kami napansin nila Heaven at Marco dahil na kila dad na papalapit sa amin ang attention nila.

It's kinda weird or sarili ko lamang ba ang weird. I bet okay na nga sila, maganda ang pakikitungo ni Edward sa dalawa. Well I must be happy for now kesa magkagulo kami dito.

Heaven kissed my mom on her cheek at nakipagbeso naman kay Dad. Sinalubong nila ng ngiti ito at pinakilala naman nila ito kay Mr. Kevin.

"Nice meeting you po, you looks like Edward Sir" salita ni Heaven pagkatapos siyang mapakilala dito. Tawanan naman ang lahat dahil sa tinuran niya.

"I heard nanalo ang Marketing Team?" tanong naman ni mom sa amin.

Ngiting ngiti sila sa isa't isa para bang magkakaibigan ang lahat, I release a deep sigh para kumalma ang sarili. I need this I need to act normal too, kung nagagawa nila well ako din.

"And sa tulong pa ng anak ko" proud na salita ni Mr. Kevin na tinapik pa sa balikat si Edward.

"Pano ba yan kumpare team ata natin nag kulelat" salita ni Dad na nagpatawa sa aming lahat.

"So next game will be Marketing versus Engineering team, may the best team win Edward" si Marco naman ang nagsalita na nakatingin na sa amin ni Edward.

"Goodluck to our team then" salita ni Edward na nakangiti pa.

I wished ganito na lang kami, yong masaya ang lahat na nakakapag-usap. I feel calm pero inaamin ko may kaba parin akong nararamdaman. I hope dahil sa activity namin ay maging maganda ang mood ng lahat. I really hope so.

"Hija I'm glad nakahabol ka" salita naman ni Mom kay Heaven.

"Oh yes Tita, hindi pwedeng wala ako dito. I think I will really enjoy here!"

Isang ngiti ang iginawad ko dito ng bumaling sa akin si Heaven.

Let The Love BeginWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu