I'm Married ♡: Chapter 74

Start from the beginning
                                    

“No, thanks.” Ngumiti sya dun sa mga lalaki na nag-ooffer sa kanya ng tulong.

“I love you Ivan!”

Paulit-ulit na boses ni Hannah na naririnig ko sa utak ko.

Napakamot nalang ako ng ulo ko at agad na lumapit sa kanya at tinulungan sya sa mga dala nya. We’re friends, right? Hindi ko naman dapat syang iwasan hindi ba? At saka… Ayun ang sabi ko sa kanya, friends. That’s all I can give. Hanggang dun lang.

“Thanks.” Naka-ngiting sabi nya sa akin.

“What are friends for.” Naka-ngiting sabi ko sa kanya. Nawala naman ang mga ngiti nya.

Magkakasama ang boys sa isang room. Ganun din naman ang mga babae. Hindi kasi pwedeng magsama ang babae at lalaki sa isang room. Magkatapatan din lang naman ang room ng babae at lalaki kaya pwedeng-pwede ko pang mapuntahan si Alisa. Nasa first floor din kasi ang mga rooms ng mga head teachers.

3 buildings ito. Ang first building ay etong tutulugan naming mga estudyante. Sa isang building na kung tawagin ay activity building naman ay kung saan gaganapin ang open-forum at praying.  Hanggang 2nd floor din yun at ang first floor naman ay kung saan dun kami kakain lahat. Ewan ko nga kung ano ang mangyayari sa open forum. Baka mapasubok ako.

Sa isang building naman ay yung ibang mga estudyante. Hindi kasi kasya lahat kung isang building lang ang tutulugan ng mga estudyante. At syempre, meron din dung ibang head teacher dahil mamaya may mangyaring kababalaghan dun. Buti nalang talaga at iisa lang ang building naming magbabarkada. Sina Alisa, Kyla at Ianne ay dito din sa building na’to. Ganun din naman si Hannah. At ang kinaiinis ko, bakit hindi pa napalipat ng ibang building tong si Austin.

“Okay guys. Wag kakalimutan ang praying na mangyayari mamaya. 8pm-9pm sa activity building, understand? Pero bago yun, kakain muna tayo ng 7pm. Same building. First floor.” Sabi sa amin ni Sir.

“Yes Sir.” Sagot naman namin dito. Nag-aayos pa din kasi kami ng mga gamit. Kama na meron pang kama sa itaas ang kama namin. At sa kinasamaang palad, ako sa baba. Si Austin sa itaas. Pinagmamalupitan ba ako ng tadhana?

Dalawa naman ang cr dito sa room namin. Medyo madami-dami kami kaya talagang makikipag-unahan ka.

Ilang oras muna kaming nag-muni muni sa loob ng kwarto. Bawal din kasi munang lumabas. Ang bilin sa amin ay magpahinga muna. Wala kaming ibang ginawa ng barkada kundi ang mag-kwentuhan nalang. Si Austin naman ay busy na nakahiga sa itaas ng higaan ko. May kausap sya.

“I love you.”

Parang nadurog ang puso ko ng marinig ko ang pagsabi ni Austin ng mga salitang yun. Alam kong si Alisa ang kausap nya. At iisa lang ang pumasok sa isip ko.

May pag-asa pa ba kaming dalawa ni Alisa?

Nagulat kaming lahat ng biglang may tumunog na bell. At ang bilin sa amin na once na tumunog yun ay maaari na kaming makalabas ng kwarto. At ibig sabihin… kakain na kami!!! Hayyy! Salamat naman! Gutom na gutom na ako! Saka… Gusto ko na ulit syang makita.

Sa hapagkainan naman ay pwede kung sino ang pwede mong katabi. Apat sya table na sobrang haba. Halos mapanganga kami sa laki nito. At ang mga head teachers naman ay may sariling table.

“Ivan!! Dito tayo!! ^^” Sigaw ni Josh na naka-upo na sa isa sa mga upuan ng isang table. Sumunod naman sa kanya nina Aaron at Vince.

“Pwede ba Vince!!! Ibaba mo yang cellphone mo!!” Galit na singhaw sa kanya ni Josh. Paano ba kanina pa nagcecellphone si Vince. Dahil kada may magtetext sa kanya, natunog ito.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now