I'm Married ♡: Chapter 73

Start from the beginning
                                    

Naalala ko tuloy yung pinagsuot ko ng mga ganung damit si Alisa. At ngayon, iisa lang ang nasa isip ko.

Napakasama kong tao.

Napakasama kong tao para gawin yun sa inosenteng babae na mahal na mahal ako.

“Hey Ivan!” Bumalik ako sa ulirat ko ng tawagin ako ni Hannah.

“H-Ha? Umm, wala.” Sagot ko naman sa kanya.

“Eto nalang.” Sabay turo ko dun sa plain white na long sleeve, “Mas bagay sayo to.” Sabay sukat ko sa katawan nya.

“Talaga? Sige, kukunin ko din! ^^ Pero, anong mas maganda dito sa dalawa?” Pinapili na naman nya ako dun sa dalawang dress na hawak-hawak nya.

“Wala talaga eh.” Sagot kong muli sa kanya.

“Wala? As in wala talaga sa dalawa? Teka.. Eh eto?” Tas kumuha syang muli.

“Hindi pa rin eh.” Sagot kong muli. Sa totoo lang, mas maayos pa yung dress na kinuha nya nung una.

“Hindi pa rin? Eh eto? Okay na ba?” Kumuha syang muli ng panibago.

“Hindi pa rin talaga eh.” Sagot ko na namang muli.

Napakamot naman sya ng ulo, “Wala ba talaga?! Huhu. Eh anong isusuot ko sa party ni Manager?!” Sabi naman nya habang natatarantang makapili ng panibagong dress.

Hayyy. No choice.

“Sige na nga. Eto nalang.” Sabay kuha ko dun sa unang damit na pinapili nya sa akin. Mas maayos naman ito kesa dun sa mga sumunod na pinakita nya sa akin. Hindi masyadong labas ang dibdib.

“Eto nalang? Haha! Sige sige! Pinahirapan mo pa ko.” Naka-ngiti nyang sbai at pinisil nya ang dalawa kong pisngi.

At iisang tao lang ang pumasok sa isipan ko.

Si Alisa ba ang kasama ko?

Gantong-ganto kami dati.

Lalo na nung first date namin.

“Ivan?!” Tawag nya sa pangngalan ko.  

“Ah. Sorry.” Tumakbo ako papalapit sa kanya na namimili ulit ng damit.

After 75754623 years, natapos na sya kakabili. Dresses, bags, shoes,  at kung ano-ano pa ang nasa paper bags. At ako ang ginawa nyang taga-dala. Kahit nga bra’s and underwear ay pinapapili nya ako. Halos pagpawisan ako sa pagpapapili nya. Akala tuloy ng mga saleslady ay couple kami.

“Ang pogi ni Kuya!”

“Oo nga noh! Saan kaya syang University?!”

“Howard University sya!! Uwaa! Ano pa bang iba dun?! Eh halos naman lahat ng taga- Howard University ay pogi!!”

“Wait.. Si Hannah Scott ba yung kasama nya?!”

“Ha? Ano kamo? Hannah Scott?”

“Kwaiii! Talaga?!! Pa-picture tayo!!!”

Akmang lalapit na sa amin yung kumpol na mga babae na naguusap-usap pero kumapit sa braso ko si Hannah at sinabing, “Sorry. Kasama ko kasi yung boyfriend ko. Eh.. First date namin to in public eh. So, sana walang iistorbo sa amin. Yun lang! ^^ Thanks for understanding girls! Love yah!” Naka-ngiting sabi ni Hannah dito at nagsimula na kaming maglakad papalayo.

Tumigil kami sa isang restaurant at kumain. Syempre, bilang lalaki. Ako ang umorder sa aming dalawa. Usap-usapan rin sya ng mga lalaking nasa kabilang table. Sino ba naman ang hindi hahanga kay Hannah? Napaka-ganda nya, sikat, umm. Mabait? Depende sa mood o sa taong makakaharap nya. Masama? Ganun din. Depende sa mood nya at sa taong makakaharap nya.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now