I'm Married ♡: Chapter 71

Start from the beginning
                                    

“Ilang beses ko na kayang pinatay sya sa utak ko!”

“Kasi kanina parang wala lang eh. Masaya ka pa ngang nagtanong kay Coach eh!”

“Sh*t. Makakasabay na rin pala natin yung sa pagpapa-practice? Shete naman oh! Tas pag may lakad o inuman tayo nila Coach kasama na rin yun?! Asar oh!!”

*bog*

Inuntog nya kasi ang sarili nya sa lamesa, “Si Ianne ko!! Huhuhu!”

“Retreat?!” Sabay-sabay naming sabi.

“Yes. 4 days and 3 nights tayo sa Tagaytay.” Panguulit ni Prof.

“Wooooo! Enjoy yun! Sir, All 2nd year lang?!”

“Yes.”

“YES!!! Hahaha! Eh sir, saan tayo magiistay dun?” Tanong naman ng isa kong ka-klase.

“Sa Retreat house ng school natin.”  

“Ayun! Sa Retreat ka bumawi kay Ianne!” Sabi ko kay Vince.

“ALL 2ND YEAR?!!!!” Halos mabingi kami sa pagkakasigaw ni Vince.

“MR. ALMONTE!!” Ayan, nasuway tuloy. Hahaha.

“Sorry po.” Sabi naman ni Vince.

“Ano naman kasi ang problema mo kung all 2nd year?!” Pasigaw nag alit na tono ng boses kong sabi sa kanya.

“Wait! Sir! Makakasama rin po ba ang mga transferee? Hindi naman po di ba?” Bigla naman itong nagtaas ng kamay at nagtanong kay Prof.

“Syempre kasama na.”

*bog*

“Huhu! Kasama na sila.”

Ah! Alam ko na! Hahaha!

Bigla akong napa-isip….

Si Alisa.

After practice ng soccer. Agad na rin akong umalis at nagtatakbo papunta sa classroom ni Alisa.

“Uy! Si Alisa?” Tanong ko sa mga ka-classmate nya na lumabas na sa classroom nila. Gusto ko kasi sana syang tanungin kong sasama ba sya dun sa Retreat. Alam ko pwedeng hinding sumama pero required talaga na sumama dahil maaaring idagdag ito sa extra curriculum.

“A-Ah. U-Umuwi na.” Medyo utal-utal na sagot nung babae sa akin.

“Salamat.” Sabi ko sa kanya at muling tumakbo na. Napatingin ako sa orasan ko, maaga pa. 3:30pm pa lang. Maaga rin kasi kaming napalabas ngayon dahil wala naman kaming ginagawa halos ng mag-hapon.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo ko. Nilibot ng mga mata ko ang parking lot ng University. Alam ko namang dito ko lang sya makikita. At sigurado akong nag-iintay na naman sya.

At hindi ako nagkamali. Naka-upo ulit sya sa may semento. At nakatingin lang sa may semento. Tila wala sa sarili.

I can’t see her waiting for someone else.

Nakaramdam na naman ako ng sakit dito sa puso ko. Parang anytime sasabog na sa sobrang lungkot na nadadama ko.

“Hey! Ivan!” Bumalik ako sa ulirat ko ng isigaw nya ang pangngalan ko. Nakatayo na sya sa kinauupuan nya at nakatingin sya sa may direksyon ko.

Unti-unti na rin syang nahakbang papalapit sa akin.

Sana pwedeng ibalik ang nakaraan…

Kung pwede lang itama ang pagkakamaling nagawa ko noon…

Nagawa ko na…

Kung nagsinungaling nalang ako…

Eh di sana hindi ganto ang kalagayan natin…

Hindi sana magiging komplikado ang lahat…

Hindi sana ako nahihirapang mahalin mo kong muli…

I gave her a smile, “Nag-aantay ka na naman ba sa kanya?”

“Oo eh. Asar nga. Kanina pa ko dito” *pouts*

“Teka… Bakit hindi ka naka-uniform?” Tanong ko sa kanya dahil she’s wearing a white shirt blouse. Tapos naka-short na.

Tiningnan naman nya ang sarili nya pababa, “Ah. Haha. Natapunan kasi nung mga babae yung uniform ko. Grabeh nga eh. As in isang bote ng coke, talagang isinakto na itapos sa akin. Tss.”

Nagkasalubong ang mga kilay ko sa narinig ko, “Mga babae? Teka.. Bawal yun ah!! Dapat nagsumbong ka!!”

“Sumbong? Haha! Hindi ako bata. Haha. Kayang-kaya kong i-handle na yung mga ganong bagay. Sayang nga wala si Kyla eh. Walang magtatanggol sa akin.” Naging malungkot naman ang mukha nya.

Kyla... BIRTHDAY NI KYLA!!!! Teka… Hindi nya a-alam? Hindi ba nabanggit sa kanya ni Kyla?

Moment of silence.

Yung surprise namin kay Kyla para mamayang gabi. Pero.. Ba’t absent sya? Dati naman kahit birthday nya hindi na-absent yun ah!

Parang hindi ko na yata ang katahimikang nabubuo sa amin. Tumingin ako sa orasan ko at kumuha ng payong sa bag ko, “Eto gamitin mo muna. Mainit ang panahon.” Sabay akot ko sa kanya ng payong. Bigla ko tuloy naalala yung panahon na binigay nya sa akin yung payong nya nung naulan. Yung kahit mawalan sya basta’t meron lang ako. Tas nagkasakit pa sya ng dahil dito.

“Wag na. Nakakahiya. Haha.” Tas nginitian nya ako.

“Haha. Wag ka ng mahiya. Umm, ganto nalang, intayin nalang natin sya? Samahan muna kita dito.” Sabi ko sa kanya.

“Wala ka bang gagawin? Baka kasi makaabala ako.” Napakamot naman sya ng ulo.

“Hindi ah! Haha! Ge, intayin antin sya dito!” Sabay akbay ko sa kanya at muling inupo sya dun sa sementong inuupuan nya.

*KRING*

“Hello?”

“Ah. H-Hehe. G-Ganun ba? Sige. Uuwi nalang ako ---“

“Sino yun?” Tanong ko sa kanya. Naging malungkot kasi ang mukha nya.

Huminga sya ng malalim, “Si Austin. Mukhang malelate na naman daw ang pag-uwi nya. Hindi na naman daw nya yata ako masusundo.”

“Oh sige. Aalis na ko.” Paalam nya sa akin at nagsimula ng humakbang.

 “Teka lang..” I held her wrist.

“Hmm? May kailangan ka pa?” Tanong naman nya. Ba’t ganun? Hindi lang mukha nya ang naging malungkot. Pati na rin ang tono ng boses nya.

I smiled and held her hand, “Come with me.”

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now