Steven's P. O. V
Wow sobrang laki at ganda naman ng bagong school na papasukan ko sana maging masaya to at di magaya sa nakaraang pasukan.
..............
Eto na pala yung bago kong boarding house! Ang ganda at ang linis makapag pahinga na nga.
"What's your name? " sigaw ng babaeng mukang kiti-kiti.
"I'm Steven Yap, 16 years old, basketball playeeeeee.... " diko na natapos ang sinabi ko ng bigla na lamang siyang sumabat. "I know, ikaw yung baging lipat right? " aniya.
"Alam mo naman pala eh tapos tatanungin mo pako at oo ako yung bagong lipat! " pasigaw kong sagot
"Ang sungit mo naman idol, by the way im Danna" sagot niya
"Lakong pake! " cold na sagot ko.
.................. .. . .. . .
At sa wakas nakahiga narin ako sa kama ko, pero laking gulat ko ng nakita ko ang double deck pala ito at meron pa sa kabila. Yung totoo bed spacer lang bako?
"Hello idol!! " sigaw ng kupal na babae.
"Wag mo nga akong tawaging idol, nakakarindi lang kase! ". Saad ko
Nagulat ako ng bigla na lamang may nag salita sa taas ng kama.
"Danna wag ka ngang maingay!, ang onti palang ng tulog ko! Punyemas kase si Keth eh sabi ko 10:00 pm uwi na kami pero sinagad ng kupal hanggang 12:00" sigaw ng lalaking nasa itaas ng double deck. Party boy amputa.
"What the fuck, ang ingay niyo kung ayaw niyong matulog mag patulog kayo! Mga gago! " reklamo ng babaeng nasa taas ng double deck na katabi lang ng double deck namin ni party boy. Pala mura tss.
"Sorry guys, magpakilala kayo sa bagong room mate natin. " maligayang sabi ni Danna.
"I'm Noel bro" pakilala sakin ni party boy.
"I'm Frixy pasensya na sa maaga kong malulutong na mura! " sabay smirk sakin.
"Well im Steven" tipid kong sagot sa kanilang dalawa.
"Guys mamayang 11:00 pinapapunta tayo sa kanikanilang classroom, meron daw orientation, lahat daw ng pumunta may libreng lunch sa canteen mamaya" anunsyo ni Danna na naka turo sa poster na hawak niya. Hype nayan di pa nga ako nakakapag pahinga may orientation agad - _-
....................
Tulog na ang dalawang nasa taas ng mga double deck pero si Danna nag fafacebook lang. Sobrang tahimik kaya minabuti ko nalang na unang kumibo
"Bat pala ang aga mo nagising at naabutan mo ko? " pambasag ko sa nakakabinging katahimikan.
"Nasabi kase ng may ari ng bahay na may bago daw na room mate kaya inabangan kita" pasigaw na bulong nito
"Oh siya tulog nako mamaya meron pang orientation eh" ako
"Sge goodnight idol ay este goodmornight hehe" sagot niya kaya't napa ngiti nalang ako at binigyan din siya ng goodmornight look.
.......
Alright ang ganda ng gising ko mabati nga si Danna, Frixy tsaka Noel.
"Goodmorning guys". Kalmado kong bati pero laking gulat ko ng walang sumagot napa tingin ako sa cellphone ko o_o
Wtf 10:30 na wala na sila Danna dito baka malate ako.
.................
Sa wakas nakarating narin sa paxton's building at nasa harap ko lang yung room ko. Infairness maganda dito at malamig.
Pagpasok ko nagulat na lamang ako ng bigla akong sigawan ng pamilyar na bosses "Idol Steven dito". Si Danna lang pala -_- . Tumango nalang ako at umupo sa tabi ni Danna napatingin ako sa likod at nakita kong nasa likod ko lang pala sila Noel at Frixy kumaway ako sa kanila at binigyan sila ng hello-look
"Pasensya na Steven, di kita nagising sarap kase ng tulog mo eh" Noel
"Sge ok lang" ako
Tumingin ako sa pinto at nakita kong may dalawang lalaki na mag kasama
"Uyyy Keth dito! " sigaw ni Danna sa isang lalaki na naka headset. Langya bat kaya laging sigaw ng sigaw tong babaeng to kabanas na ah!
Tumabi nalang sa amin yung Keth pati yung kasama niya. Close na ata tong mga to hays sge na ako na walang friend -_-
. . . . . .. . . . . . . .
Third person's P. O. V
Matiyagang nag antay ang mga estudyante sa kanilang guro at makalipas ang ilang minuto ay dumating na ito
"Pasensya na kung late ako mga estudyante, but now kindly introduce yourself" asik ng guro
Agad na tinuro ng guro ang binatang naka headset at nakatulala sa bintana
"I'm Claude Arciga" tipid na saad nito at umupo agad.
Sunod na itinuro ng guro ang lalaking blonde.
"I'm Keth Role, 16 years old at isa akong swimmer" pakilala ng binata sabay naka finger heart pa.
Sunod na tinuro ng guro ang lalaking may katangkaran at nakatunganga
"I'm Steven Yap, 16 years old basketball player, point guard at number 22" taas noong sabi ng binata
Sunod na tinawag ng guro ang lalaking may hawak ng chichirya na gaya ni Keth ay blonde rin.
"Ako si Noel Dela-Cruz kagaya ni Keth swimmer din ako" sigaw ng binata sabay pogi sign.
"GGSS amputa" bulong ng babaeng katabi ni Steven.
"Ikaw naman" tinuro ng guro ang babaeng kaninay nag mura
"Ako si Danna Santos and im a volleyball player" wika nito
"Ikaw naman" tinuro ng guro ang babaeng katabi ni Noel.
"Frixy Chen also known as Ace at obvious naman na volleyball player ako" excited na saad ng dalaga
Napatingin ang guro sa bandang likod at itinuro niya ang lalaking naka glasses at pinatayo ito. Agad naman itong tumayo at nag pakilala "I'm Tyrone Vergara, Chess player" walang emosyon nitong pahayag
Agad namang tumayo ang lalaking katabi ni Tyrone
"Sorry kung excited ako pero ako si Bennirick Eusebio basketball player din number 13" maligalig na saad nito.
Sunod na pinatayo ng guro ang babaeng maputi na nakangiti lang.
"I'm Nicole Vosortros, chess player din likewise kay Tyrone" nakangiting saad nito
"Last but not the least you introduce yourself" anunsyo ng guro sabay turo sa lalaking nasa likuran
"I'm Reniel Mabunga, I'm a swimmer to" wika niya at umupo narin.
"So kumpleto na tayo! Sampo, sampo tayong magsasama sama para sa isang umaatikabo at masayang school year, diko pa napapakilala ang sarili ko. I'm Carlo Villareal. Napansin kong lahat kayo ay athlete kase athlete's section to, naway maging masaya kayo this year" asik ng gurong napaka tangkad "Class dismiss" dagdag pa nito.
"Whoo yess" sigaw ng mga estudyante na sobrang excited na umalis
End of chapter one
Hays sana basahin niyo to kahit na ampanget nito.
Salamuch hahaha
ESTÁS LEYENDO
HIGHSCHOOL NIGHTMARE
Misterio / SuspensoMystery/thriller. A/N: First time kong gagawa ng story dito sa wattpad and eto na nga yun hahaha! may mga foul words dito at fictional na fictional character lang talaga ang gamit ko dito :) enjoy niyo lang. sana mag enjoy kayo.
