BTM 01

7 1 2
                                        

Dedicated to MilaaiiTheFeeler! hahahaha Ito na beybe! Ito na juicemiyo! hahaha


*****

Malakas na tugtog ang bumangad sakin pagkapasok ko pa lang sa loob kasabay nun ang amoy ng naghalong-alak at sigarilyo, ang iba naman ay may mga ginagawa pang milagro.

Kadalasang makikita sa Bar.

Too much to absurb pero dahil parte ito ng trabaho ko ay nakasanayan ko na din.

"One bucket please!" sigaw ng isang lalaki sa akin ng makita nya akong dumaan malapit sa kanila.

"Yes sir, commin' up" sagot ko kaya naman agad na kung bumalik sa counter para kunin ang order

"Jacob one order ng bucket sa table 6" tumango ito at inayos na ang order na agad ko naman naibigay sa customer.

"Thanks miss" sabi ng lalaking um-order na sa tingin ko nasa 24 ata ang edad dahil sa porma at itsura nito, panay pa ang ngiti nito kaya naman ngumiti nalang ako pabalik.

"Welcome sir" pero bago ako makaalis sa pwesto nila ay napasadahan ko pa ng tingin ang dalawang kasama nito, ang isa ay katulad lang ni nice guy na nagthank you sa akin, habang ang isa naman ay nakatungo habang nagtitipa sa hawak na cellphone.

"Pwede bang mamaya na yang cellphone mo brad puro ka trabaho! hahaha" rinig kong sita nung kasama ni nice guy kay cp boy pero di ko nalang pinansin at bumalik ulit sa counter

"Ang daming tao ngayon!" pasinghal na reklamo ko nang bigla naman gatungan ng kaibigan/katrabaho kong si Gal na kadadating lang

"Di kana nasanay Azria! hahaha"  nilingon ko naman siya agad at tinignan ng masama.

Alam ko naman na dinadayo talaga ang bar na to pero iba pa din talaga pag andyan na sila't parito ang mga order, nakakahilo.

"Sinabi ng wag mo kong tatawagin sa panagalan na yan eh!" naiinis na sabi ko

"Okay-okay! Chill! Ang hot mo talaga hahaha" natatawang turan nya na ikinasimangot ko

*clap-clap-clap*

Sabay kaming napalingon sa likod kung san pumalakpak ng tatlong beses si Madam Eva, ang may-ari ng Bar. Gawain niya yan kapag may kelangan ng gawin.

"Girls get ready, malapit na kayo"

"Yes Madam!" sabay namin sagot ni Gal kaya naman mabilis kong tinanggal ang apron na nakapalibot sa bewang ko at sabay na kaming dumeritso sa dressing room. Nakita naman namin na nagthumbs-up si Jacob kaya napangiti kami ni Gal.

Haaaayy....

Natapos na si Gal na magbihis ng makita niyang nakaupo pa rin ako at hindi kumikilos.

"Oh? Ba't hindi ka pa bihis?" itinaas ko naman ang damit na isusuot ko para makita niya, pero tumagilid lang ang ulo nito kasabay ng pagtingin sakin na para akong sinusuri kung bakit ko pa pinapakita sa kanya.

"Gusto mo bang bihisan pa kita ha? Serifina? " pang-asar na tanong niya matapos banggitin ang pangalan ko

"Baliw! Hindi kasi yun, Galiana!" pang-gagaya ko din at binuo ang pangalan niya

Nakakainis naman eh! Ayaw ko nito!

"Oh? Eh ano pala?" sabi naman niya matapos humarap sa salamin at nagsimulang maglagay ng make-up

"Tignan mo naman 'tong pinapasuot ni Madam, Gal! Ang iksi! Okay na yung nakaraan kasi leather jeans yun, e ngayon?! Leather nga shorts naman!" maiiyak nang maktol ko.

Kung di lang naman kasi talaga kinukulang yung sahod ko hindi ko to gagawin eh, sa hirap ba naman ng buhay ngayon kelangan kumayod lalo na at ako nalang ang inaasahan ng kapatid ko. Hindi ako pwedeng kukupad kupad dahil ang bawat oras na dumadaan mahalaga para samin.

"Ay nakong Maria Clara ka talaga Sef! Hahaha Dont worry legs lang naman ang kita sayo saka di ka naman nila mahahawakan."

"Tsk. Oo na oo na, para naman may choice pa ko pero kasi--"

"Heeep! Tama na arte Sef bihis na, wag ka mag-alala di ka nila makikilala" napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya

Buti nalang talaga mabait ang may-ari at pinayagan ang kondisyon namin ni Gal.

"Marangal na trabaho pa din naman" sabi ko sa sarili ko bago ako napabuntong hininga at sinimulang magbihis.

Leather shorts ito na highwaisted at hapit sa hita habang naka fitted red sleveless naman ako na may mga sequence, hindi ganun na-expose ang hinaharap ko kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Ang suot kasi ni Gal ay mas maiksi pa kesa sakin kumbaga short shorts talaga at bra ang pangtaas nya na may sequence rin. Hindi naman sa pagmamayabang pero kung tutuusin pwedeng pang fhm ang hubog ng katawan namin lalo na si Gal.

Humarap naman ako sa salamin at ibinaba pa ng konti ang shorts pero bumabalik lang ito sa dati. Kainis!

"Wag mo na kasi hilain pababa, mahaba na nga yan oh!" sita niya sakin

"Kelan pa naging mahaba ang short?!" nakasimangot kong sagot at pilit na nakikipaghilaan sa short na 'yon pero di naman bumababa haist!

"Argh! Guguyudin ko yang nguso mo ang haba na!" akma naman niyang hihilain talaga pero agad kong tinakpan ng kamay ko na ikinatawa niya.

"Hahaha! 'Lika na nga dito nang maayusan kana" sabay hila niya sakin paupo sa upuan at sinimulang ayusan dahil sa hindi naman ako palaayos ng mukha ko.

Mabait si Gal, sadyang may pagkabrutal lang ang bibig kong magsalita dahil praktikal ito sa buhay. Dito ko na din siya nakilala dahil mas nauna siya sakin ng ilang buwan pero agad ko din nakasundo.

Dati rati ang tingin ko sa trabahong ito , madumi. Mga babaeng walang patutunguhan sa buhay dahil yun naman talaga halos ang iniisip ng lahat pero nagkamali pala ako dahil katulad ni Gal na parehas kong 'di nakapagtapos ng pag-aaral at ang kelangan pa sa trabaho ay yung may mga degree course, ay pahirapan kami sa paghahanap at tatanggap sa kung ano lang ang natapos namin. Hindi naman namin 'to ginusto pero kelangan. Mataas ang pangarap namin eh pero dahil sa hirap ng buhay kapit kami sa patalim.

"Gal.." mahinang tawag ko sa kanya dahil inaayusan nya ko sa buhok, tapos na niya kong lagyan ng make up .

"Hmm?"

"Payag kaba sa usapan niyo ni Madam Eva?" narinig ko syang napabuntong hininga

"Dagdag kita din kasi yun Sef, sayang. Saka pwede naman akong humindi kung ayaw ko." turan niya kaya naman napabuntong hininga kami ng sabay

"Haaaay.. Buti nalang at pumayag siya Gal. Kaya mo ba?"

"Hmm ewan eh, tignan nalang natin saka oo naman no! Papatable ako kung alam kong papables ang guy. Ugh! hahaha" pag-iiba niya ng mood sa usapan namin

"Baliw! hahaha tigil-tigilan mo nga yang ugh na yan! Kadiri!"

"Kadiri ka dyan! Di kaya! Ugh!"
sabi nya na tawa na ng tawa kaya naman nahawa ako sa kakatawa niya

"Baliw!"

Matapos mag-ayos ay agad na din kaming nagpunta sa backstage para makapagprepare. Isang pasada lang naman to tapos uwi na.

Nasa likod palang kami pero maririnig na ang sigawan ng tao sa harap na sinasabayan ng host dahil sa pagsasabi na malapit na nga kaming sumayaw.

"And now! To the most awaited hot girls in town! Asia and Azria!!!" iyon na ang hinihintay namin go signal ni Gal bago kami pumunta sa harap ng stage, ngumiti naman muna kami sa isa't-isa kasabay ng tango na sinasabihan ang bawat isa ng goodluck suot ang maskara.

****

So ano musta? buhay pa? hahaha
1st chapter palang sana matapos ko to!
070617

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon