Chapter 1

7.9K 127 13
                                    

Dinededicate ko sayo ang chap. 1 dahil ikaw ang ka una unahan kong FAN..Ü

******

Jasmine's Point of view

"Jasmine! Jasmine!"

Natigilan ako sa ginagawa ko dahil kay Monica. Hingal na hingal siyang pumasok sa room habang tinatawag ang pangalan ko..

"bakit Monica?"

"Saglit. hihinga muna ako.." saka niya hinawakan ang dibdib niya at parang hinahabol ang hininga niya..

"Monica.. 'wag mo nga kaming istorbohin dito.. malapit na ang English Month at kailangan nating manalo sa bulletin board contest.." nakapamewang na paliwanag ni Trixy. Vice president ng klase.

"alam ko naman yon.. Ang hirap magsalita pagpagod." saka siya huminga ng malalim. "Jasmine! Kailangan mong puntahan si Ryan! Nakikipagbasag ulo nanaman siya sa grupo ni Melvin.."

"ano?!" pareho naming sigaw ni Trixy. Pareho din naming binitawan ang hawak naming papel at gunting.. "nasaan sila?" sabay pa naming tanong.

"nasa Gym sila.. bilisan niyo!"

"bakit hindi mo kaagad sinabi?" saka kami tumakbo ni Trixy papuntang Gym..

Kelan ka ba mag titino Ryan? Haaaay.. lagi mo nalang bang papasakitin ang ulo ko ha?

"Jasmine bilisan natin! Baka mapatay ni Ryan ang boyfriend ko.." alalang sinabi ni Trixy.

Kaya naman binilisan pa namin ang pagtakbo.. hanggang sa makapunta kami sa Gym. Pero sarado ang pinto..

"Jasmine papano na yan? Hindi tayo makakapasok sa loob.."

"bakit naman kasi nilock nila ito e!" sabay sipa ko sa pinto. "Trixy tabi ka muna diyan."

Lumayo si Trixy sa akin. Saka ako pumwesto sa pinaka tapat ng pinto. Himinga ako ng malalim para mag ipon ng enerhiya.. saka ako sumigaw ng mlakas.. "Haaa!"

**BAAAAAM!**

Sa lakas ng pagkakasipa ko sa pinto nasira ito at bumukas.

Napunta sa akin ang atensyon ng mga taong nasa loob ng Gym. maging si Ryan na akmang susuntukin si Melvin ay natigilan din at parehong nakatingin lang sa akin.

Napuruhan ang mukha ni Melvin. Duguan ang ilong at patuloy ang pagagos ng dugo sa labi niya. Samantalang si Ryan. Ni isang sugat wala siyang natamo.

"Melvin!" nabasag ang katahimikan ng magsalita si Trixy mula sa likod ko..

"Tss.. mga istorbo!" maangas na sinabi ni Ryan. Saka niya tinulak si Melvin at bumagsak ito sa sahig. Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Melvin pati narin sa mga kagrupo niyang bumagsak at walang malay na nasa sahig. Isa lang naman ang makakagawa nito. "Ryan!" sigaw ko sakanya.

"saka mo nalang ako sermunan." Pinulot niya mula sa sahig yung binder niya saka na siya lalakad paalis pero muli akong nagsalita. "bakit ka ba ganyan? Kelan ka ba magbabago?" dinig sa buong Gym ang sigaw ko pero ni hindi man siya lumingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang sa makaalis na siya.

"Melvin.." napunta ang atensyon ko kay Trixy. inaalalayan niya si Melvin sa pagtayo..

"kailangan namin kayong dalhin sa clinic" opinyon ko.

"Jasmine. Tulungan mo ako.." maluha luhang sinabi ni Trixy.

Tinulungan ko siya at humingi din kami ng tulong sa ibang studyante para dalhin ang mga kaibigan ni Melvin sa clinic. Halos duguan ang mga mukha nila. Maging ang kulay puting uniform nila napalitan na ng pulang kulay dahil sa dugo. Napaka walang puso talaga ni Ryan. Paano niya nagagawa ang mga ganitong bagay?

My Bestfriend and I (the Bad boy and the Good Girl)Where stories live. Discover now