Wrong Send - 1 - Loner Mode

8.5K 155 28
                                        

Wrong Send - 1 - Loner Mode

JESSIE'S POV

Hi my name is Jessie Marie Santos,

I fell in love with someone I never expected to fall for. It all started after I received a wrong sent message from a stranger...

It was summer afternoon, tambay lang sa bahay, alone. Umalis kasi sila mami at ken, my younger bro for check up. Si Dad? Ayun so very far away from us, OFW kasi siya kaya eto ako, loner na bored pa. Di kasi akong yung tipong gumagala sa mall kapag walang pera, eh no wawarts (pera) ako pagsummer eh di ako masyado binibigyan ng pera kasi ayaw ni mami puro lakwatsa lang daw yung alam ko kapag summer dapat daw kasi marunong din daw ako sa household chores. Well, that's life...

Nakakabagot naman.

Matutulog nalang kaya ako?

Oo nga matutulog na nga lang ako kasi no choice din naman eh ginawa ko na ata lahat para ma-entertain ang self ko but still no effect. Nababagot na talaga ako. Ipipikit ko na sana yung mga mata ko kaso biglang tumunog yung phone ko.

Trisha is calling...

I answered it agad. Syempre bff automatic yan!

"Hey bessie!" Maligayang bati ko sa kanya.

"Bes?" She answered back na parang umiiyak? What's wrong?

"Bes are you okay? What's wrong with you?" Oo ganyan ako, concerned talaga ako masyado sa mga bestfriends ko kaya kapag nalulungkot sila,  nalulungkot din ako.

"Bes, we broke up" Napahagalgal na ito.

"What? Why? Biglaan naman ata yan bes. Baka pwede pang pagusapan?"

"I know right bes? Pero enough for that. I need you. I need to move on. He's not deserving anymore and not even worth it for my tears bes." Mahinahon nasabi ni Trish "He's a cheater!" Dagdag na sabi nito pero nakasigaw na. "Bes maiba tayo, are you free now? Let's catch up sama ang barkada!" Napangiti ako sa huling sinabi niya. Yan ang gusto ko sa bes ko palaban! Pero gumala? sayang naman bawal ako.

"That's my bes! Palaban!" Natatawang sabi ko "Bes gustuhin ko man but I can't.  Wala kasi maiiwan sa bahay eh hahaiz sorry bes sayang naman. I miss you all! Sobra!"

"Ayy sayang naman.  We miss you too bes and don't cha worry okay na ako buti nalang nanjan kayo always for me. I love you. Okay lang ingat ka may next time pa naman eh. Next time sumama kana kasi magtatampo na talaga ako sayo." Nakakakilig naman tong bff ko. Natawa tuloy ako at napangiti. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko.

"Love you to bes! I know makakahanap ka pa ng mas worth it pa kay Ivan. Just wait okay?"

"Yeah! I know! Alright ingat ka jan bes, bye!"

"Thanks bes. Ingat ka din." Sabi then ended the call.

Napatingin ako sa rainbow colored picture frame na nakapatong sa apple green shaded desk ko. Napangiti habang tinitingnan ang picture naming dalawa ni Trish.

Yeah, marami kaming magbebestfriend pero si Trish ang pinakaclose ko sa lahat at sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Kaya naman ayaw kung nakikitang umiiyak at nasasaktan siya ganun na din sa iba pa naming kabarkada.

"Nakakabagot." I wispered to myself.

I went to my bed at humiga, nakatunganga lang sa kisame then suddenly my phone vibrates.

"Putik!" Sigaw ko sa gulat.

Inabot ko yung phone ko na nakalagay sa tabi at napa-isip ako kung sino kaya ang nagmalasakit na itext ako kasi naman yung mga bessie ko, hindi sila mahilig sa text eh. Sanay sila tumawag kasi nakakatamad daw magtype.

May nagmalasakit nga magtext sakin pero di ko naman kilala. Isang malaking unknown number.

From: Unknown number

Hi musta kana yung utang mo! 😉


Napatunganga ako saglit sa nabasa ko bago ko napagtanto lahat...

"Ako? May utang?!"

FYI, never pa ako nagkautang sa tanang buhay ko. I was about to reply, pero biglang napaisip ako baka nawrong send lang to sa akin kaya naman kinalma ko nalang yung sarili ko. I hate misunderstandings.

I replied...

To: Unknown Number

Good afternoon po! Correct me if I'm wrong pero baka po wrong send po kayo kasi po as long as I can remember po never pa po ako nagkakautang :)

sending....

at wala pang minuto, nagreply agad ito.

*ito yung convo namin ni Unknown Number:

UN : Sorry po. I think wrong send nga talaga ako sorry po ulit

Me: It's okay no problem :)

UN: Thank you. o nga pala, if it's ok with you may I now your name?

Parang mabait naman tong katext ko. Ibibigay ko ba? O baka naman drug pusher to pero english speaking?

Me: hmmm ikaw muna!

UN: haha takot ka ba? di naman kita kakainin eh! haha by the way my name is Luis Alexander Torres.. I studied at  Oxford Academy incoming 2nd year highschool.. member sa soccer varsity team..oh ayan kilala mo na ako ikaw naman! :) 

"Wow" comment ko pagkabasa ng reply niya. Complete info talaga? So we are on same year pala eh. Not bad, feel ko mabait naman to sige na nga wala naman sigurong masama if magrereply ako ng maayos.

Me: Grabe naman complete info talaga? hahaha sorry po first time ko po kasi na encounter to eh by the way I'm Jessie Marie Santos..I studied at Southest Academy incoming 2nd year highschool.. wala akong varsity eh pinagbabawalan ako ng mom ako pero kickball player at cheerdancer ako tuwing intramurals namin.

UN: Oh nice school! Matalino ka siguro? It's ok. Bakit pinagbabawalan ka? haha so kickball player ka pala? good2 :D

Well di naman sa arrogant ako pero yeah his right! Kilala ang school namin sa pagiging high standard at karamihan or let's just say most of all the students na nag-aaral doon ay matatalino.

Me: thanks hmm di naman :) kasi po hikain ako before kung magvavarsity ako always my practice at almost everyday pa ako mapapagod baka bumalik hika ko and yeah, kickball player ako :)

UN: ahh ganun pala hmmm.. I think magaling ka! ;) if it's okay to you .. hmmm.. can we be friends?

And I think wala namang masamang maging friends kami kaya..

Me: Hmm sure! friends?

UN: hahaha friends! :)

Napatingin ako sa orasan and what? 11:50 am na?! Grabe naman ang bilis ng oras, Napasarap ata ang namin ng text ni Mr. stranger na to. I mean, Luis. Right! Nice name.

Me: hmmm Luis right? text you later muna ha? eat muna ako :)

UN: yup! sure Jessie you eat well :) sige kakain na din ako text you later ha?

Me: thank you Luis ikaw din!  hmmm sure! :)

At doon nagtatapos ang chikahan namin. Napa-isip tuloy ako buti naman na wrong send siya at nagkakilala kami at ka-edad ko pa ha? Dahil sa kanya na wala ang boredom ko.

Bumangon na  ako sa pagkakahiga at inayos ang nakunot kung damit at tuluyan ng bumaba 

Wrong Send (Completed)Where stories live. Discover now