You heal my broken heart

Start from the beginning
                                    

*kung ganun totoo talagang kasama ka sa mga gulong nangyayari?! please itigil mo na 'to, alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin, kaya ayokong makitang
mapahamak ka.
(pag-aalalang sabi nito)

(pabiglang nagsalita
si Yoona)
*simula pa lang nung 1st year high school natin, plinano ko na
talagang mapalapit sa'yo ng husto.
Nagawa ko 'yon upang makakalap ng impormasyon tungkol sa kumpanya niyo, nang  matulungan ang papa ko sa mga plano niya at
para mapansin niya
naman na maypakinabang din ako sa kanya. Pasensya na, nagawa kong makipagrelasyon sayo dahil may mga bagay akong gustong matupad. Kung hindi mo 'ko matutulungan, mas mabuti pang itigil na natin 'tong relasyong ito, tutal naiintindihan mo na ngayon ang lahat, nagpapanggap lang ako Jaeyoung.

*So this is all
about a business? (sabay sandal nito sa kinauupuan) kung hindi mo ititigil ang
kasamaan na pinagagawa sa'yo ng ama mo,
sa bandang huli ikaw lang din ang masasaktan! sa bawat kinikilos mo, mas ikaw ang nahihirapan.

*Sorry Jaeyoung,
but this is over,
tapos na ang mission ko
sa buhay mo,
let's break up.

*Yoona, do you love me?
(mabilisang tanong nito na seryosong nakasalubong ang kilay.)

Napatulala ng matagal si Yoona at buo ang loob na nagdesisyon...

*No, i don't love you.
(banggit nito sabay tumayo at humakbang patalikod, sabay huminto at nagsalita)
sige, maiwan na kita.

*You have a chance to change you're mind Yoona, nakikita ko sa mga mata mo na hindi mo gustong hiwalayan ako,
kung magbabago pa ang desisyon mo,
mag-uusap uli tayo bukas.

Hindi na siya lumingon kay Jaeyoung, at tuluyang lumakad palabas
ng Coffee Shop
habang seryosong napapaisip ang nakaupong si Jaeyoung.

Kinabukasan pagpasok sa School, nabalitaan niya sa mga kaibigan na hindi na papasok sa School si Yoona na ikinagulat din nila. Bigla itong tumakbo na siya namang kinabahala ni Mr. Lee, kaya hinabol niya ito ngunit nabigo siyang pigilan ito ng saktong nakapara at nakasakay ito ng taxi, madali niyang pinuntahan ang nakaparadang kotse nito at sinundan ang taxi. Pinuntahan ni Jaeyoung si Yoona sa kanilang bahay, ngunit sinabi ng isang bantay sa bahay nila na may pinuntahan ito kasama ang ama, kaya nag-antay lang 'to sa labas ng gate.

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now