Niliitan sya ng mata ni Rich. "Bumili ka dun ng mais."

"Huh?

"Ang korni mo kasi e hahaha."

"Grabe ka sakin."

"Hahaha!" Sabay pa silang napahalakhak.

"Rich." Tawag ni Richee.

"Oh?"

"I love you." Bulong ng binata.

"Huh? Di ko narinig. Ano yun?"

Hindi umimik si Richee.

"Yaan mo na nga baka nonsense na joke na naman yan haha." -Rich.

"Hindi yun joke." Sa isip-isip ni Richee.

Nagkaroon ng 4seconds awkward moment.

"Rich." Anas ni Richee sa mahinang tinig.

"Why?" Nakangiting tugon ng dalaga.

"Ahmmm..."

"Ano nga?" Pilit ng dalaga habang malambing na inuuyog si Richee.

"Ehemm." Humarap sya sa dalaga. Nagpunas ng namuong pawis sa noo dahil sa tensyon. " W-will you—Ahmm—Ehemmm—will you marry me?"

Na-struck si girl at mabilis na tumugon. "No."

Nalungkot bigla si Richee.

"Anu ka ba Richee, will you mary me agad ka dyan. e hindi pa naman tayo e." -Rich.

"Ay oo nga pala hehe." Napakamot ulo si poging Richee.

"Sige sinasagot na kita." -Rich.

"Huh?"

"Tayo na. Sabi ko, mag-on na tayo. Hehe." Kinilig pa ang dalaga.

"Di pa nga ko nanliligaw 'di ba?"

"No need na ng ligawan. Mabilis ang facing natin kelangan natin magmadali. So tayo na. Sinasagot na kita. That's it hehe."

"Oo nga pala hehe. Saka isa pa hindi naman panliligaw ang pinapatagal, kundi ang relasyon." -Richee.

"I know right."

"So tayo na ah?!"

"Yap." Sabay kindat si girl.

"I love you."

"I love you too."

"Shet keleg." Si boy. "Ipopost ko 'to sa facebook

------

Simula ng maging mag-on sina Richee at Rich ay hindi na nakitaan ng lungkot ang mukha ng dalaga. Feel na feel nila palagi ang isa't-isa.

HHWW pa sila sa tuwing magkasama sila.

"Walang forever." Sabi tuloy ng mga extrang nakakasalubong nila.

Fast fo...

AFTER THREE MONTHS

Pag-uwi ni Rich galing sa monthsary celebration nila ni Richee ay naabutan nya sa glass table sa sala na nakakalat ang mga litrato na madalas yakapin ng Mommy nya.

Tiningnan nya ito isa-isa. Hanggang sa may makita syang litrato na parang nakita nya na pero hindi nya matandaan kung saan.

Inisip nyang mabuti kung saan nga ba nya nakita ang picture na'yon.

Hindi nya talaga maalala.

"Nevermind." Sabi nya nalang sa sarili.

Ng matapos tingnan ang mga pictures ay niligpit nya na ito at ibinalik sa tamang lagayan. Naglinis narin sya ng kwarto saka kumain at nagpahinga.

Samantala;

Pagkauwi ni Richee ay may naabutan syang isang babae sa bahay nya.

"Richee?"

"Yup?"

Agad syang niyakap ng taong kausap.

-----

Pagkauwi ni Universe sa hotel ay nagkausap muna sila ng anak nya sa sala.

Naikwento ng dalaga ang boyfriend nya at balak nya itong ipakilala sa ina.

Nagkwento rin si Universe tungkol sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na buwan. Ikinatuwa naman ni Rich ang mga iyon.

KINABUKASAN.

Nagmamadaling tinungo ni Rich ang location na tinuro ng Mommy nya dahil may surprise ito sa kanya. Iyon narin ang araw na ipakikilala ng dalaga ang boyfriend nya. Excited na kabado sya.

"Sabi nila love is blind but you're one of a kind blah blah blah busy ang iyong tinatawagan." Sagot ni Marian Rivera ng tinawagan ng dalaga si Richee.

Kanina pa hindi sinasagot ng binata ang mga tawag nya. Nakarating na sya lahat-lahat sa restaurant wala paring response si boy. Nag-aalala na tuloy sya.

"Baby." Nakipagbeso si Universe sa daughter nya.

"Ito yung surprise ko sa'yo. Ito na sya." Ipinakilala nya ang isang tao.

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga ng makita ang kaharap, ganundin ang huli.

"Your long lost older brother."

Halos hindi makagalaw ang dalaga sa kinatatayuan. Paano nangyari ang ganun?

Doon nagflashback sa dalaga ang lahat.

Yung picture ng batang lalaki na nakita nya na laging niyayakap ng Mommy nya. Meron din noon sa bahay ng taong kakilala nya. Iyon mismo ang batang iyon.

Ito yung kinuwento ng Mommy nya kagabi. Ang anak na iniwan nya noon sa ampunan nung 1year old palang ito at pinangako nya na babalikan nya rin after 1year.

Hindi iyon natupad dahil nakapag-asawa ng foreigner si Universe at dun nga nabuo si Rich.

Pinaampon naman noon ang bata sa isang may kayang mag-asawa. Na sa kasamaang palad ay namatay rin dahil sa sunog..

Kaya umuwi si Universe sa pinas para hanapin ito. At nahanap nga nya.

Doon napagtagni-tagni ng dalaga ang lahat.

Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o hindi. Her long lost older brother.. .

"Your long lost older brother—

Richee."

Si Richee. Her first and beloved boyfriend. NO WAY.

"Rich anak!!"

Biglang nahimatay ang dalaga.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Banned AmourWhere stories live. Discover now