MAGULONG PAG IISIP

25 1 1
                                    

Gusto kong itanong pwede pa ba
Kaya ko pa kaya
Pwede ba ulit ako umibig
Sa bawat tanong ko sa sarili ko kung pwede pa naguguluhan ako
Bakit parang bawal na
Ayaw ng puso pero gusto ng isip
Ano
Pwede pa ba
Kaya ko pa
Ano naman ang sasabihin nila kapag sinabi kong kaya ko pa
Ayoko na makulong sa isang malagim na lugar
Pwede pa ba
Pwede pa ba ako mapunta doon
Doon kung saan ikaw lang mag isa
At ikaw lang nagmamahal sa sarili mo
Pwede pa ba
Pwede pa ba ako magmahal
Katulad ng pagmamahal na binigay ko sayo
Kaya ko kaya buong buo ang puso ko sayo kahit may iniisip akong iba
Nasaan na
Nasaan na yung lugar na puro tayo lang
Saan na punta yun bigla na lang naglaho
Nung tayo ay naghiwalay
Nawala lahat ng masasayang araw
Nawala lahat ng isang salitang hiwalay na tayo
Nawala lahat
Nawala lahat ng mga litratong nakadikit saking pader
Nawala lahat ng binigay na sulat na tinago ng ilang taon
Nawala lahat ng masasayang memorya
Nawala lahat ng manika na binigay
Kaya ko pa kaya
Kaya ko pa kaya umibig ng iba
Kakayin ko kaya yun
Kaya ko kaya ibigay sa kanya lahat
Kaya ko ba siya mahalin
Sino ako
Sino ako sa buhay mo
Sino ba talaga ako girlfriend mo ba ako o tropa lang
Sino ba talaga ako sa buhay mo ano ba ako sayo
Sino ba talaga ako

Unspoken WordWhere stories live. Discover now