Kaibigan

179 34 6
                                    

Kaibigan
-
Isang salita
Walong letra
Marami tayong kaibigan
Pero lahat ba sila tunay at mapagkakatiwalaan?

Ako ay maraming kaibigan,
Pero pag ako'y may problema ba't parang wala akong  malapitan?
Akala ko ba lahat kayo ako ay tutulungan
Pero bakit wala ata kayo nung kayo ay aking kailangan?

Sa saya tayo'y magkakasama
Bakit nang ako ay nagdudurusa
Ako ay nag iisa?
Umiiyak ng walang katapusan
Nalulunod sa mga sakit na nararamdaman
Pero bakit ?  Wala man lang lumapit at nagmalasakit

Sabagay sino nga ba naman ako ?
Kaibigan na madrama ang buhay?
O Kaibigan na walang saysay?
Hindi naman sa nanunumbat
Pero isipin nyo rin na masakit
Masakit masakit masakit para sa akin

Kayo'y tinuring kong tunay na kaibigan
Kaibigan na akala koy aking masasandalan
Kaibigan na akala koy aking makakapitan
Pero lahat ito'y akala ko lang
Dahil ang totoo ang Diyos lang aking nag iisang Malalapitan sa oras ng kalungkutan at kagipitan

At ito, ito ang tula ko sa akala ko tunay kong kaibigan.

©MissAelyn

Broken Into Pieces (Compilation of Tagalog Poems)Where stories live. Discover now