Chapter 12: Don't Leave me.

30 0 0
                                    

Baekhyun's POV.

*sigh*  

" Nababaliw na ako...di ko alam kung paano ko gagawin to!..Chanyeol patulong nga! " sigaw ko.

" Ganito kasi yan Baekhyun..simple lang niyan oh.." sabi sakin ni Chanyeol habang tinuturuan ako mag-gitara.

" Ang hirap naman!! " reklamo ko.

" Andali lang kaya..atsaka wag kang higblood..kaya mo yan " sabi nito sakin.

" Arghhhh! oo na sige na..sige na " sabi ko.

May project kasi kami sa music na mag-peperform kami sa school's gym this Thursday. Eh ito nagpapaturo akong mag-gitara yung simple chords lang naman ang mga pinapaturo ko kaya, yakang-yaka ni Chanyeol.

Eh kaso nakakailang ulit na ako di ko parin makabisado..

" Ayaw ko na!! bahala na si Batman. " sabi ko.

" Kawawa naman si Batman, Baekhyun marami rin akong ipinagagawa sa kanya no.." sabi ni Chanyeol.

" tulad ng ano? " tanong ko.

" Katulad ng assignments natin..sabi ko kasi kahapon bahala na si Batman kung i-check ni sir yung mga notebook natin eh.." sabi nito.

" Haysss..pero bahala na talaga siya..AYAW KO NA!!!!! " sigaw ko, mabuti wala pa yung ibang mokong sa loob ng PORDEMAN kaya..ok lang kahit mag-drama ako dito.

" Ang sakit-sakit na ng kamay ko.." reklamo ko ulit, totoo naman kasi walang binigay an pick tong si Chanyeol eh.

" Sus! ang sabihin mo masakit na nga yang kamay mo..mas masakit pa yang dito mo.." sabay turo sa puso niya.

" Hays.. Ewan ko ba? bakit nasa akin lahat ng kamalasan ngayon. " sabi ko.

" Oh siya! tama na yan. Ayaw naman kitang bumagsak sa Music eh kaya sige na tuturuan uli kita.." sabi niya.

" Ayaw ko na bahala na..." sabi ko.

" Eh? anung gagawin natin? " tanong nito.

" Anu nga ba?? " tanong ko rin sa sarili ko.

Aha! Ting! may naisip akong ideya.

" Chanyeol..since marunong ka naman ikaw na lang ang tumugtog ng gitara at ako kakanta.." sabi ko.

" Hoy! bawal yan no..kasasabi lang ni Sir individual ito. " sabi niya.

" Hindi..hindi yan ako bahala.." sabi ko.

" tara! puntahan natin si sir.." sabi ko.

" ikaw ang may sagot sakin Baek ha? " sabi ni Chanyeol sakin.

" oo na, oo na, leggo.." sabi ko at gumora--este! umalis na kami.

Pumasok na kami sa loob ng music room at nakita ko siya.

At saktong napansin rin ako si Sir Kyuhyun..ang Music teacher namin.

" Oh! Baekhyun, Chanyeol andito pala kayo.." sabi ni Sir Kyuhyun.

Nabaling ang atensiyon niya sakin.. at nagkatitigan kami pero nakita ko siyang umiwas..

" Ah-Eh..Sir alis na po ako mamaya ko na lang po ibabalik ito ha? " sabi ni Angel at lumabas ng Music Room.

" Oh? Anyare? " tanong ni Sir Kyuhyun.

" Wala sir.." sabat ni Chanyeol.

" ahh...alam ko na...#Tampuhan..." sabi ni Sir Kyuhyun.

" SIR!!!! " sigaw namin ni Chanyeol.

" Teka?! bakit ka nakikisigaw Chanyeolito? " pagtataray ko.

My Best Gayfriend [EXO FF]Where stories live. Discover now