HULI KA! (ONE SHOT STORY)

910 46 16
                                    

*A/N*

Jean, kung mababasa mo man to, dedicated to sa'yo hahahah. Well, alam kong alam mo na tong isusulat ko pero basahin mo padin pleathe. ♥☺

---

HULI KA! (ONE SHOT)

"Hoy Arielle anong ginagawa mo jan sa taas ng puno?! Bumaba ka nga jan!"

"A--Aish! Wag kang maingay Tiff!"

Tumingin si Tiffany sa paligid..

Nakita naman niya agad yung tinitignan ko kaya mukhang na-gets niya nadin kung bakit ako nasa taas ng puno..

"Kaya naman pala eh.. Tsk tsk.."

Ako nga pala si Arielle. Oo, babae ako.

Bakit ako nasa taas ng puno??

Wala lang.. Pinapanuod ko lang kasing magpractice ng soccer si Prince.

Kaklase ko siya since first year. At matagal ko na din siyang crush--- NO! Mahal.

Oo, Prince ang pangalan niya.. At siya din ang prince charming ng buhay ko. Yuck! Pinagsasabe ko??

Nasobrahan ata ako sa fairytales.

"Ang galing niya talaga---AAAHHHHHHH!!"

"Arielle---!!!"

Nabali yung sangang tinatapakan ko. Aray ko po!!

Nakita kong napatingin sakin si Prince non. Kaso nagpatuloy lang siya sa pagpractice.

Haayyyy, wala talaga siyang pakelam sakin..

"Ano? Okay ka lang ba?? Bakit kasi naisipan mo pang umakyat sa itaas ng puno? Pwede namang magtago ka nalang sa likod."

"Ang ganda ng view sa taas eh."

Pero hayyssss.. Nakita niya akong nahulog pero di man lang siya lumapit.

Sakit sa heart.

"Ang drama nanaman ng mukha mo jan! Umuwi na nga tayo!"

"Mauna ka na, may kukunin pa ako sa office ni sir eh."

So ayun na nga. Pinauwi ko na si Tiff at ako naman, inasikaso na ang dapat asikasuhin.

Pauwi an sana ako at nakayukong naglalakad sa hallway nang may biglang humarang sakin.

Sino ba to?? Nasa gilid na nga ako naglalakad eh.

Tinignan ko yung taong nakaharang.

Nabigla ako nang makita kung sino ang nasa harap ko pero mas nabigla ako sa tanong niya.

"May gusto ka ba sakin?!"

T--Tinatanong niya kung may gusto ako sa kanya..

Oo meron!! Matagal na!!

Pero anong sasabihin ko???

W---WAAAAHHH--!!

"Ano?! May gusto ka nga sakin?!"

"H--Huh? Wala noh!"

"Eh bakit mo ako pinapanuod magpractice?!"

"H---Hindi kita pinapanuod ah!"

HULI KA! (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon