Nang matapos ang mga oras na pananatili sa detention room ay pinuntahan ko agad si Mia para sabihin sa kaniya ang nangyari kanina.
Sa lahat ng bagay na mapagkakatiwalaan ko ay si Mia lang talaga,hindi na ako naghanap pa ng ibang kaibigan nang makilala ko si Mia,kahit maypagka baliw yung babae na yun ay mahal na mahal ko parin siya at magpasalamat siya dun!
Nagkakilala kami ni Mia noong kinder palang kami,Highschool friends kasi ang mga magulang namin at ang mas malala pa dun ay yung mama ni Mia ay ex ni daddy at yung mama ko ay ex ng daddy ni Mia gets? Nakakahilong intindihin noh? Kami rin ni Mia eh,hindi namin alam kung paano nangyari.
"OMGEeeeeeeee jinja?! Omo!" Tinakpan ko ang taenga ko nang sumigaw ng pagkalakas lakas si Mia nandito pa naman kami sa gitna ng hallway kaya lahat ng tao dito ay nakuha ang atensiyon.Kaagad naman siyang nag peace sign sa kanila para humingi ng paumanhin. Hayyyyy napailing nalang ako.
"Shaiena! Totoo? Legit? Kailan? Paano?" Daming tanong te ha?
"Ewan ko rin,basta nakita ko siya sa detention room magkasama kami,kaming dalawa lang tapos ayun "Im sorry" daw" pag eexplain ko ng mabuti kay Mia. Napatango tango naman ang gag*.
"Chakaman!(wait),Bakit siya humingi ng pasensiya sayo? May ginawa ba siya sayo? May kasalanan ba siya? O baka..... Omo! Kinuha niya First kiss mo?!" Sabay takip niya ng baba niya na halatang gulat. Tskkk bakit ang lawak ng isipan ng babaeng to? Ipatapon ko kaya to sa Bermuda Triangle para mahimasmasan.
"Pinagsasabi mo? Take note: nandito ka sa Earth pero yung utak mo nakarating na sa pluto Aish!" Padabog kong sabi at inirapan siya. Agad naman siyang yumuko,akala ko mag so-sorry pero pag angat niya ng ulo niya ay may naka guhit na ngiti sa mga mukha niya.
"Sooo... Kung hindi yun ang rason eh ano?! Hmmmmm...siguroo kinuha niya na yung ano----" hindi ko na siya pinatapos magsalita nang takpan ko ang bunganga niyang putak ng putak,hindi naman siya manok diba? O kaya parrot?. Alam ko na kung ano tong sasabihin ng babaeng to.
Pilit niya pa ring tinatanggal ang mga kamay ko pero hindi pa rin ako nagpatinag,ngumisi nalang ako na parang demonyo. Pero binitawan ko na rin ang kamay ko nang makita ko siyang namumutla dahil hindi makahinga. Habol siya ng habol ng kaniyang hininga kaya pinipigalan kong tumawa baka kung ano pa ang gagawin ng babaeng to.
"Humanda ka sakin babae ka! Sana pag ginawa mo yun siguraduhin mong patay ako! Kasi pag hindi ako mismo papatay sayo hayo-" sabay duro niya sakin. Pero hindi niya natapos ang sasabihin niya kaya nagtaka naman ako. Napansin kong nakatingin siya sa likuran ko habang naka buka ang bunganga niya kaya sinundan ko ang tingin niya.
YOU ARE READING
Paano umibig ang Pusong MANHID?
Teen FictionILANG TUSOK BA NG ANISTISYA ANG NILAGAY SAYO AT NAPAKA MANHID MO! Paano umibig ang Pusong MANHID? All Rights Reserved. 2017
