I'm Married ♡: Chapter 70

Start from the beginning
                                    

"Let's just wait for her. Ms. Monique! Paki-ayusan na si Austin." Sigaw nito.

Nagtungo kaming dressing room. Umupo ako sa may upuan ko. Inayos nila ang buhok ko at nilagyan ng kaunting foundation ang mukha ko. Ng biglang mag-vibrate ang cp ko.

Sir, lahat po ng impormasyon ni Ms. Della Cruz ay nasa akin na.

 

Agad ko naman itong ni-replayan.

Good job, Rylie. Maaasahan talaga kita.

 

 

Si Rylie ang kanang kamay ng pamilya. Sya ang aming nilalapitan pag may isang tao kaming gustong ipahanap. Napakadali kasi nyang maghanap ng isang tao. Hindi ko alam kung paano nya nagagawa yun. Pero kahit ilang oras ang ibigay mo sa kanya. Kayang-kaya nyang hanapin ang lahat ng impormasyon ng taong pinapahanap mo. Connections nga na rin siguro. Kaya napaka-easy lang ng trabahong to para sa kanya. Sa kanya ko rin ipinahanap noon si Caitlin pero ni kahit isang impormasyon/balita wala syang naibalita sa amin.

Pinakausapan ko si Rylie na isikreto ito mula sa pamilya ko. Dahil kapag nalaman nito eto, magtataka sila kung sinong babae ang pinapaimbestigahan ko. Mas mabuti ng ilihim ito at isaakin nalang ito.

I'm not gonna lose you again, Caitlin.

 

 

Ivan's POV

"Waaa! Nakita mo yun?! Kainggit noh!"

"Kainis! Masyadong PDA!"

"PDA?! Sabihin mo inggit ka lang! Hmff."

"Boto na ko sa loveteam nila!"

"Pfft! Mas maganda ako dun!"

 

"Hi Ivan!"

"Uwaa. Am'pogi nya talaga!"

"Teka.. Akala ko ba kay Austin ka?"

"Mas type ko sya! Saka, single sya! Haha!"

 

 

Nilagpasan ko lang ang mga babae na kung ano ang pinaguusapan. May narinig ako na PDA something? Hay. Para namang hindi sila nasanay. Ang dami kayang couples na masyadong PDA dito! Minsan nga sa canteen, banyo, locker room, garden at kung saan pang sulok ng University na'to.

Hinahanap ng mga mata ko si Alisa. Hindi pa rin kasi sapat ang pag-uusap namin kagabi. Bigla rin naman kasi syang nagbabye non. Ni-hindi ko na nga rin napanood yung 50 First Dates eh. Dahil na din siguro sa pagod ko. May nalalapit kasi kaming laban. Ang makakalaban pa nga namin ay ang mga taga Miller University.

Si Vince nga ay todo practice sa pagbabasketball. Dun kasi sya napalaban. Kami naman ni Aaron ay sa soccer. Si Josh naman ay hindi nakakapag-decide kung saan sya lalaban. Pero parang mas gusto nya ang lumaban ng basketball.

"Ivan!!" Sigaw sa akin ni Aaron.

"Oh?"

"Nakita mo ba si Ianne?" Tanong nya sa akin.

"Hindi eh. Bakit? May problema ba?"

"Hindi ko kaya."

"Anong hindi mo kaya?"

"Na ganto kami. Kailangan naming pag-usapan to." Sabi nito. Bilib talaga ako kay Aaron. Sobrang mahal nya talaga si Ianne. Noon pa man kasi sila na talaga ang para sa isa't isa. Ako lang naman itong gustong maki-singit sa love story nila.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now