PUAPM:Simula

65 1 6
                                        


Lahat ng bagay sa mundo ay may kaniya-kaniyang nararamdaman,kaniya-kaniyang saloobin at kaniya-kaniyang kuwento.
Pero sa lahat ng nabanggit ko ay may mga tao talagang hindi marunong makiramdam,maawa,o mag alala sila yung mga tinatawag na MANHID.

Minsan sa buhay hindi natin maiiwasan ang mga mangyayari sa buhay natin,sabi nga nila"Problems just come and go" at naniniwala naman ako doon.

Sa kabila ng mga pinagdaanan ko ay mayroon akong hinding hindi makakalimutan na nangyari, at yun ay ang mapa ibig sa isang tao na sa sobrang kapal na nga ng mukha ay ganun din kakapal ang balat nito at hindi marunong makiramdam,ika nga MANHID.

Gusto niyong malaman kung pano ako napaibig sa Manhid na yun?Sus,wag na kakasuhan ko pa kayo ng "Chismosa Crime" eh, dejoke lang sadyang wala lang talaga akong panahon na balikan ang mga yun!Past is past mga bes!

Pero sabi naman ni Confucius "Learn from the past,so you can define the future" Wew,hanep diba? Naniwala kayo diyan? Ako hindi kasi alam ko lang na " Past can affect your Future" talaga!

"Shaiena Sweden Mosale! Are you listening?"

Napabalik ako sa realidad nang tawagin ni Sir ang buong pangalan ko, sa totoo lang hindi ako sanay na tinatawag akong ganun,I much prefer na Shaiena o Sweden ang tawagin saakin.

Pero okay, back to reality ulit. Tinignan ko si Sir na kanina pa nabibeastmode nang dahil sa akin,makikita mo talaga sa mga mata niya eh parang puputok na yung mga ugat sa mata niya at halos lalabas na ang eyeballs niya,pero joke lang.

Napaigtad ako ng lapitan ako ni sir sa kinauupuan ko,kinabahan ako ng nararamdaman ko papalapit na talaga siya saakin kaya napalunok nalang ako ng wala sa oras.

"Miss Mosale,Im asking you if you heard what I am saying in front,ganun ka na ba ka disrespect sa mga teachers dito sa school para hindi mo sagutin?"

Disrespect daw ako? Wow! Sadyang nagbago lang po talaga ako! Bakit? Siyempre akin akin nalang yun.

Tumingin ako kay sir na nakangiti para naman mabawasan yung pagka kaba ko kanina,tumikhim muna ako bago magsalita.

"Oh,pasensiya na po talaga sir sadyang lumilipad lang po yung utak ko sa ibang dimensyon pasensiya na po talaga sir"

Pagsambit ko ng mga salitang yun ay tumawa ang lahat ng mga kaklase ko. Pero maya't maya ay sumigaw si Sir kaya napatahimik silang lahat maliban saakin na nakangisi pa rin.Pasensiya na talaga, Pilosopo ako eh? Anong magagawa niyo?

"Ganun pala gusto mo Miss Mosale? Gusto mo bang idaan pa natin tong usapan sa Principal office o diretsong detention ka? Pumili ng mabuti Miss Mosale"

Malademonyong sambit ni sir nun. Halata namang gusto niyang sumagot ako ng Principal Office,alam ko naman kasi na kinaiinisan niya na  ako simula't sapul palang,Inggit kasi siya sa beauty ko eh? Kaya ganun HAHAHAHA.

Paano umibig ang Pusong MANHID?Des histoires addictives. Découvrez maintenant